TULOY PO KAYO

Maligayang bati sa iyong pagbisita. Harinawari ay masiyahan ka sa mga salitang iyong mababasa at litratong iyong makikita. Ngunit maaari rin na malungkot ka at magdalamhati, magalit o matawa, mainis o masuka, o gumulong sa katatawa. Natural lang yon, tao lang, tuloy ang basa.

Paunang Salita

Ang bawat letra, salita, pangalan, lugar at sari-saring pa-ek-ek na kabaduyan at matitinong kahulugan ay kathang-isip lamang at hindi ito ginawa para maka-sakit ng tao. Wala ding nasaktan na mga hayop at insekto habang ginagawa ang "blog" na ito. Pakisuyo lang po..."Mag-alis ng muta, bago bumangon. At huwag mahiga buong maghapon."

Pero, paminsan-minsan ay may mga "blog" din na hinango sa totoong buhay, totoong kapighatian, totoong kaligayahan, totoong kabiguan at totoong tagumpay. Paunawa lang po..."Bawal mangulangot sa jeep."

Biyernes, Hulyo 31, 2009

¤"passport"¤



¤ O! Smile.. "KABLOOM!!"...
¤ Two minutes lang sir okey na ang pictures nyo. Pang-passport po ba? Trenta i singko yung tatlo. Baka gusto nyong doblehin para may reserba kayo. Para hindi na kayo magpabalikbalik tutal sigurado ang gwapo nyo sa photo..(hihihi...)

¤ Saan po ba ang punta nyo? Pasyal po ba o trabaho? Bakit naman na naisipan nyo na umalis sa bansang 'to? Hindi na ba kayo masaya at mangingibayo? Pasensya na sir ha, nagtatanong lang po.. (kamot sa singit)

¤ O heto na sir! Mainit-init pa, bagong-bago. Baka gusto nyo palakihan, sus! ang gwapo nyo dito. Kamukhang kamukha nyo yung paboritong artista ko. Big star ang dating walang panama si Piolo.. (hhihhi.)

¤ Heto na sir, sige po sir. Goodluck na lang po sa inyong pagta-travel. Ikumusta nyo lang po ako sa american president. At kumusta na rin sa mga beloved countrymen. (yun o, you know)


¤¤¤¤★★★¤¤¤¤

Miyerkules, Hulyo 29, 2009

=Em Jo=




= Hai! Ako si Em Jo. Madali akong matawa sa kahit na anong jokes. Kahit korni patok pa rin yun Bords. Oki pa sa olrayt lalo kung laybs kong mapapanood...

Natatawa ako sa mga batang uhugin. Yung naninigas na ang sipon na kulay abokadong putlain. At natatawa rin ako sa aleng nakapansin. Sa mukha nyang diring-diri na halos himatayin. Naduduak sa hitsura ng batang kulangutin...
Natatawa ako sa high school students na hindi marunong magbasa. Hindi marunong magispeling. Tuloy nasisira ang porma. Nagpapawis, umaasim. Anghit ay paputok na. Sus! Amoy dragon. Sabay tawa. Hahahahaha...

Natatawa ako sa matandang nagpapabanat. Pilit na itinatago mga kulubot niyang balat. Kung anu-ano ang ipinapahid sa mukha niyang kupas. Takot na takot na matanong tungkol sa kanyang edad...

Pero mas natatawa ako kapag humarap na ako sa salamin. Kapag nakikita ko ang mukha kong parang binaligtad na kambing. Hindi ko mapigilan na tumawa man din. Kapag pinagalaw ko pa ang ilong, tainga, kilay at buhok ay patayuin..

Minsan isang araw nagmukha akong buwtsing. Kalahati buwaya, kalahati matsing. Sa katatawa ko nagmukha akong bugbog sarado. Kaharap ko sa salamin ay si buwtsingero...

Hohohehehihi
Ako si Em Jo.


=ㄛ=ㄆ==ㄑㄐ=ㄘ=

″ulan sa tag-ulan″






〃 Araw-araw ng umuulan. Bumabaha na kung saan. Buong paligid pinaliliguan, nitong langit na nagdaramdam...

″ Tatlong buwan na iiyak pa ang langit. Tatlong buwan na magdadabog at magpupunit. Ibubuhos niyang lahat nararapat na kapalit. Ang tinamo ay ang siyang ibabalik...

″ Ang tumigas na lupa ay lalambot at bababa. Gugulong ang mga bato patungo sa ibaba. Tataas ang dagat ng pabahabahagya. Magbabago ang anyo nitong bitak-bitak na tadhana...

″ Lunurin mo itong tigang kong dugo. Hugasan mo ang isip mula sa mahabang siphayo. Pawiin mo ang uhaw nitong natutuyo kong puso. Yakapin mo ako at ikubli sa yungib ng iyong pagsuyo...




″″″″/////″″″″

Martes, Hulyo 28, 2009

■"sulat at basa"□




□ Mag-aral magsulat at magbasa ng huwag maging tanga. Ito ang sabi ni ina noong ako ay bata pa. Araw-araw ay tinuturuan bago pumasok sa iskwela. Mapa-"abc" o mapa-"abakada"...

■ Ano ba ang halaga ng magsulat at magbasa? Makatutulong ba ito sa aking pag-aasawa? Makakatulong ba ito sa aking pagsasaka? Sa langit ba ako mapupunta kung magaling akong sumulat at bumasa?...

□ Kung ayaw mo ay 'di 'wag mo. Pagpipiyestahan ka lang ng mga manloloko. Sa isang iglap kayang kunin yang sasakahin mo. Iiwanan ka lang pati ng magiging asawa mo...

■ Bakit naman? Hindi naman ako lalayo, gusto ko dito lang. Titigil na nga raw ako sabi ng aking mga magulang. Hindi ko na raw kailangan na pumunta ng paaralan. Para lang daw yon sa mga mayayaman...

□ Hindi kita masisisi tutal bata ka pa naman. Pag-isipan mo na mabuti tutal para sa iyo din yan. Balang araw iyo din yan na masusumpungan. Ang sumulat at magbasa ay malaki ang pakinabang....


: mula sa magpinsan na nagkakatandis :


a ba ka da e...

〃"PAA"〃




▲ Simula ng matuto'ng bumaba ang tao sa puno. Marami ng kailangan isuot na bago. Natuto na tayong lumakad at tumakbo.
Natuto na tayong tumayo ng diretso...

Kung palagi kang yapak, paa mo ay lalapad. Sakong mo'y gagaspang, magbibitak-bitak. Magkaka-kalyo, kakapal ang balat. Mga kuko sa paa ay magku-kulay bayawak...

Kaya naman inimbento ang tsinelas. Sumikat sa Tsina, Japan at Pilipinas. Masarap nga namang isuot, masarap din na ilakad. Huwag na huwag lang mapuputol o mapipigtas...

Kaya naman itong sapatos ay sikat na sikat. Mas pangmatagalan, paa mo pa ay ligtas. Huwag lang kakalimutan na magpalit lagi ng medyas. Baka umalingasaw, ay naku po!, baka buhok sa ilong ay mangalagas...



Lunes, Hulyo 27, 2009

◆"Talo"◆



◆ Lag-lag, lagapak. Lagi na lang sawing-palad. Hindi makaisa, hindi maka-"jackpot". Taya ng taya. Palagi namang malas...
( jueteng,lotto,ending )

Tuloy wala ng ganda itong aking silid. Mabaho'ng imburnal at mausok na paligid. Mga magnanakaw at manloloko ang liligid-ligid. Palaging magulo hindi ko mabatid...
( kitang-kita nga sa mukha mo )

Nawala na sa paligid ang mga bulaklak. Kulay tae na ang ilog, punong-puno na ng burak. Mga batang naglalaro ng singhot at batak. Nagkalat sa kalsada mga siga at parak...
( ano un mga un )

Mga damit ni "Jollibee", "Goldilocks" at "Mc Donald". Nagkalat din mga damit nitong si "Maggie" at ni "Taps". Meron pang "KFC", "Chowking" at "Pizza Hut". Sari-sari pa na mga nagkalat na salawal at balat...
( inggit ka lang di ka pa nakakain nyan )

Sige lang babawi ako bukas. Hahapit ako ngayon at itataya ko ng lahat. Kapag ako'y tumama, kapag ako'y dyumakpat? Magpapatayo ako ng sugal para sa lahat....
( ngek )



: mula sa mataimtim na dasal ni Sugar Roll na tumama siya sa lotto bukas :



"£$¥$€¢"$¥"$€£€¢£"

Linggo, Hulyo 26, 2009

▲"kanin"▲



▲ Adik ka ba sa kanin? Ako adik sa kanin. Mabilìs akong magutom kapag walang kanin. Hindi kumpleto ang kain kapag walang kanin. Madali akong mahilo kapag walang kanin...
( halata nga )

Kapag nawala ang kanin sa hapag kainan. Hindi pinoy ang nakatira sa ganitong tahanan. Hindi "japanese", hindi rin "chinese". Hindi "thai", hindi "asian"...
( american o european )

Kahit pa gaano kasarap ang ulam. Litson man yan o sinigang. Ginataang-hipon o adobo'ng malinamnam. Walang say-say kung ang kanin ay wala sa handaan...
( habawt pizza )

Kanin pa rin. Basta may kanin. Walang gutom, walang bitin. Kahit na itlog lang ayos pa rin. Yung iba nga bud-bod lang ng asin. Payts na! Basta may kanin at tubig na inumin...
( cake ayaw mo )


″″″″"""""″″″″

Ang nagpa-uso ng kanin ay:

① chinese
② vietnamese
③ japanese
④ arabian
⑤ american
⑥ martian

Tanong:
Piliin sa anim kung alin ang naiba?#

□"d' wall"□



□ Sa aking paglalakad sa makitid na daan. Napansin ko 'tong pader sa 'di pa kalayuan. May mga sulat na waring kahilingan. Hinanakit ba ito o kaligayahan?...
(vandalism yan)

Maging ang mga nagsulat ay hindi rin naiintindihan. Mga isinulat at nagsulat sa pader ng tindahan. Sino ang nagtulak at nag-utos na gawin iyan? Kaluluwa nila'y gumaganap ngunit 'di nila namamalayan...
( u min d wol? )

Kung titingnan mo ay may istorya ka ng mababasa. May tungkol sa pag-ibig, dusa at ligaya. Meron pa na naudlot, hindi natuloy na pantasya. May mga pangalan, may mga kung ano na letra...
(n p k t ngako )



hahahahaha...




Sabado, Hulyo 25, 2009

★"sanggol"★



★ Alay ng buhay na magpatuloy ang tao. Biyaya ng ligaya ang dulot nito. Ngunit hindi lahat, nakakaranas nito. Kaya marami pa sa atin na lumabas na gago...
( o, ako na naman )

Paano kung ipinanganak ka noong panahon ng gyera. Uha mo'y hindi marinig sa lakas ng mga bomba. Pihado'ng la-laki ka'ng palaging may kaba. Puno ng takot pati pangamba...
(na mainitin ang ulo)

Paano kung ipinanganak ka sa panahon ni "Gloria"? At nataon pa sa panahon ng "SONA". At nataon pa sa kalye "Mendiola". Ano ka na kaya, bukas, makalawa?...
(aktibista'ng pulitika)

Paano kaya kung ipinanganak ka'ng pulubi. Iniwan ng magulang, sa basurahan itinabi. Mabubuhay ka kaya'ng may bait sa sarili? O mabubuhay ka kaya'ng may galit sa sarili?
(malamang adik)

Paano kung ipinanganak ka sa isang magarang palasyo. Punò sa karangyaan at mapalamuting espasyo. Mabubuhay ka kaya'ng may pagmamahal sa mundo? O mabubuhay ka kayang may ganid sa ulo?...
(siguro ewan ko)

Ganon pa man, ano pa man. Tayong lahat ay nanggaling na diyan. Sa pagiging sanggol na walang muwang. Tanong ko'y sulit ba ang iyong paglalang...
( sa palagay ko'y datapwa't subalit siguro)


Ikaw, ano sa palagay mo?




°⊙°

Biyernes, Hulyo 24, 2009

■"Demonyo"■




× Ako na pinaka-mayaman, ako na ang pinaka-sikat. Pero higit pa ako doon, dahil hilig ko ay dahas. Gagawa ako ng sakit, gagawa rin ako ng lunas. Para ang kita ay sa akin, sa akin lahat-lahat...
(bwahahahaha)

Gagawa rin ako "nuclear" at armas. Magtatatag ng hukbo na susupil sa lahat. Walang maliligtas nasa bundok ka man o nasa dagat. Pipiliin ko lang ang hindi kasama sa sadlak...
(bwahahahaha)

Dahil ako ang pinakamataas. Hawak ko ang bukas at ang wakas. Ako ang hari nitong lahat. Ako ang tagapuksa at tagaligtas...
(bwahahahaha)



Akin...akin... Akin kayong lahat.. Bwahahahaha... Bwahahahaha... Bwahahahaha...



×
: mula kay Evile Topak :


【paano siya pupuksain?】

Huwebes, Hulyo 23, 2009

♀"SONA ni Gloria"♀



♀ Hindi ko alam kung titirahin kita o rerespituhin. Dahil ikaw ay presidente, nararapat lang na ikaw ay galangin. Hindi mo man ako kilala, pero ako'y sakop mo pa rin. Dahil ako ay pilipino na mag-aabang sa iyong mga sasabihin...
(tungkol sa bayan)

Sa lunes na ang iyong "SONA". Saan ang punto mo? Kahirapan ba o ekonomiya? Maaaring magka-iba tayo ng nakikita. Dahil nga narito ako at nandiyan ka...
(malapit na malayo)

Dito na ako namalagi, hindi na umalis ng Pilipinas. Nakapagtrabaho sa labas, sa "Saudi" doon ako napadpad. Maganda ang sweldo, palaging may pera sa palad. Pero ang kalooban ko ay madalas binabagabag...
(ng dignidad)

Kaya muli akong bumalik dito sa Pilipinas. Kaya sa buong termino mo. Nasaksihan ko ang lahat. Simula kay Ramos, sa iyo at kay Erap. Apektado talaga mababa ka man o mataas...
(height does'nt matter)

Pero hindi na ako magpapakalayo. Maghihintay muli ng maayos na pagbabago. Pero sa tingin ko mas malamang na magulo. Gugulo pa at gugulo. Dahil dumadami ang mga pang-gulo...
(tulad ko)

So, pa'no kita kits sa lunes na lang 'no. Papanoorin kita, gagalingan mo. Pag sa loob ng limang minuto at wala pa ring klaro. Ililipat ko ang channel, magmi-myx na lang ako...
(top ten music myx)



: mula ka Sona Babits :





○solar◎eclipse●



⊙ Pumantay uli ang araw sa buwan. Sa "India" nag-abot, sa Pilipinas "partial" lang. Sa mga ganitong pangyayari, maraming kasabihan, maraming lumalabas na bulung-bulungan...
(pamahiin)

Pang-ilang beses na kaya na nangyayari ito?. Sapul ng mabuo ito'ng mahiwaga'ng mundo?. Marami na ring pag-aaral ang mga astronimo. Maging Intsik at Hapòn, alam nila ito...
(e tayo kaya)

Tungkol sa kaganapan ng kalawakan at mundo. Tayo lang ba ang buhay dito? O meron pa doon sa kabilang dulo? Ano kaya magiging sagot ng mga siyentipiko?...
(i-search mo)

Pero kung si Mando ang tatanungin mo. Iba ang sagot iba ang estilo. May mga bago raw "species" na mag-susulputan sa mundo. Malilit. Maliit pa sa kuto. "Bacteria" daw at mga mikrobyo.
( )




N¤ h◎1 ◆ 1 ㄠ ㄙA

Miyerkules, Hulyo 22, 2009

ㄕ"psst"ㄣ"penge"ㄒ



:'( Lahat ng tao ay marunong humingi. Nabigyan na ng sapat. Hingi pa ng hingi. Nabigyan na ng sobra. Hingi pa ng hingi. Nilikha ang tao, para humingi ng humingi...
(psst..penge!)

Kaya ikaw bata. Huwag manaya na manghingi. May hawak ng tinapay, may kendi pa sa labi. Hindi pa inuubos pagkain na hiningi. Bibili pa raw. May pera ka? Pahingi.




(psst..penge!)
(psst..penge!)
(psst..penge!)
(psst..penge!)
(psst..penge!)
(psst..penge!)
(psst..penge!)
(psst..penge!)
(psst..penge!)
(psst..penge!)
(psst..penge!)
(psst..penge!)

ㄞ"trayal"ㄠ



¤ Nabubuhay ka ba para lang mabuhay? O nabubuhay ka ba para lang mamatay? Nabubuhay ka ba sa layaw at karangyaan? O nabubuhay ka ba sa katuwiran at paninindigan?... (patay tayo dyan)

Ang buhay daw ay pera-pera lang. Lahat ng bagay ay makakamtan kung meron ka niyan. Pera rin daw kahit sa kamatayan. Pera ang kailangan para gumanda ang libingan... (patay na naman tayo dyan)

Payag ka ba na ibalot lang sa sako. Nakatali ang kamay. Nakabalot sa plastik ang ulo. May tama ng baril, may sak-sak sa noo. May karatula pa na "Magnanakaw ako"... (sus lalo na, patay tayo dyan)

Sari-sari ang kwento nitong bawat tao. May nag-asawa ng bata. Tumanda at nakalbo. Meron kung kelan tumanda saka nagpa-gwapo. Makatikim man lang daw ng ibat-ibang suso. Bago man lamang daw mapunta siya sa impiyerno... (patay,inatake)

Isang mayamang ale pilit na ginagamot. Naubos ang ari-arian sa pagpapagamot. Nagbenta, umutang, hanggang sa malubog. Hanggang sa dumating na kaawaan siya ng Diyos... (patay rin)



ㄨ ㄤ ㄎ

Martes, Hulyo 21, 2009

◇"asanasila"◇




Walang pinoy na hindi nangarap ng maganda at masaganang bukas. Walang pinay na may gusto ng buhay na sadlak. Walang pinoy na nangarap pumatay at lumabag.
Walang pilipino na may gusto na barilin at bumagsak...

Ngunit bakit, may mga pinoy na taliwas. Minana ba nila ito o nilikha ng mga duwag. Produkto ba sila ng nakakataas? Hinubog, pinalaki sa masasamang landas...

Mga ungas at talipandas. Nangaglipana sa buong syudad. Sa ibaba at sa itaas. Dumarami, nanganganak...

Kaya naman itong mga anak at kaanak. Napilitan na magtrabaho sa labas ng Pilipinas. Mga pilipina ay nangagsipag-asawa ng ibang lahing taga-labas. Nasaan na ang mga kalahi ni Rizal, ni Bonifacio at ng bumubuo ng La Solidaridad? Ano na ngayon ang nangyayari sa tuk-tok ng Pilipinas?...



◇◇◇◇◇◇◇◇◇

♂"lalaki"♂




♂ Matipuno na maginoo. Paminsan-minsan, tarantado. Maton!, Bato! Llamado!, Tigasin ang ulo...

(sa taas nakatingin)

♂Agresibo kapag bata. Malibog kapag binata. Pag may asawa, lumalata. Pag tumanda ay pabata...

(alam mo na)

♂Habang umi-edad, pa-gwapo ng pa-gwapo. Patino ng patino kahit na naka-kalbo. Mas lumalalim kumo-kontra sa walang modo. Mas kagalang-galang, mas karespe-respeto...

(lalo na kung aabot ng nubenta e otso)

♂Nagpapatalo kahit na panalo para lamang sa kaluban nito. Ang katawan ng lalaki ay naka-disenyo. Na gamitin ng maayos ang sandata nito...

(bago pa maging uliyanin)



:-) B-) :-( :-D :-P :@ ;-)

Lunes, Hulyo 20, 2009

♀-"Babae"-♀



♂ Balita ko ang unang Papa ay babae. At ang unang diyos daw noon ay babae. At sa pagdaan ng panahon. Pumantay na ang lalaki. Ngayon ay mas mataas na sa karapatan ng babae...

♂ Sa palagay ko lang dapat ay parehas. Ang karapatan ng isa ay karapatan ng lahat. At kung ako ang tatanungin. Tayo lahat ay patas. Mapa-babae, mapa-lalaki. Pareho sa batas...

♂ Babae kang huwaran sa ganda. Dulot mo sa lalaki ay tunay na ligaya. Ikaw ang nagluluwal ng buhay kung baga. Sa unang uha ng sanggol, andyan ka bilang ina...

♂ At tanong ko lang, paano ka mahalin? Pang-unawa mo ay kakaiba sa akin. Pero huwag kang mag-alala hindi kita kakalabanin. Bagkus pa doon, kita'y mas mamahalin...


♀♀♀♀♀♀♀♀♀♀♀♀

★"Smart (noon at ngayon)"ㄨ



ㄨ Sampung-piso ang bayad ko. Sa bawat padala nitong "blog" ko. Umaabot lang ng dalawang minuto, minsan pa nga ay isang minuto. Gamit ang "smart connection" mula sa "mobile" ko. Mabilis nga pero mukhang talo...

ㄨ May kamahalan din kung tutuusin. Lugi pa nga kung kukwentahin. Sa alok nilang "ten" pesos per "thirty" minutes". Bakit ang gastos ko e "ten" pesos kada "two minutes"?...

ㄨ May magagawa ba ako kung ganon talaga. Mauutak kasi, ang galing mang-isa. Negosyo daw yon kaya ganon talaga. Ipapaubaya ko na lang kay kaibigang Karma...

PWEDE BANG MAGMURA?


ㄨㄨㄨㄨㄨㄨㄨㄨ

●"pan"●




⊙ Meryenda muna tayo, kahit tinapay lang. Pangtawid gutom habang nasa daan. Habang naghihintay ng masasakyan. Hayun o.! may tindahan...

⊙ Mura lang, isa dalawang-piso. Aaa.. miss pabili nga ng tatlo. Ano nga pala yang tinapay mo? May palaman ba yang munggo?...

"Munai na ser! Wa'y palaman na munggo. Tag dos ang usa. Pila kabuok?"

⊙ Sampu na miss. Ibalot mo yung pito. Kakainin namin yung tatlo. Pahiram na rin ng baso. Tag-iisa kami ng mga kasama ko. Isama mo na rin yung Coke litro...

⊙ Heto bayad ko...

□ Saan nga pala ang punta natin? Magba-"bus" ba tayo? O "jeep" pa rin? Ilang araw tayo doon? Ano pa ang ating dadalhin? May alak ba doon sa pupuntahan natin?...

ㄘ "Relax" ka lang, ako na ang bahala. Maghintay ka lang dyan. Puro ka tanong, puro ka dada. O, heto, kumain ka muna. Magpalamig ka muna habang wala. O! Heto na pala... Tara! Tara!.. Para! Para! Baka tayo gabihin sasakay pa tayo ng bangka...

□ hhaaa?!..?!..!!!..

: mula sa tatlong berks na sina Lala Agan, Gala Ng at Zu Roy, na walang inatupag kundi ang magpunta kung saan-saan :

dyas por pan - ( just for fun )

☆☆☆☆★☆☆☆☆

Linggo, Hulyo 19, 2009

⊙"Tula sa Kasal"⊙



⊙ Isang-gabing walang humpay. Biyaya ng langit na mapag-bigay. Mga banal na sandali, panahon ang nag-alay. Pagkakataon na ipagpatuloy ang ginintuang buhay...

Mula sa Maykapal, nawa'y maging banal. Ang pinagsaluhan na gabi, nitong bagong kasal. Harinawa ay magbunga ng kaanya-anyayang asal. Bunga nawa'y huwag mahinog na pira-pirasong hangal...

Namnamin natin itong katamtamang-init. Kaluluwa mo at kaluluwa ko, maghahalo sa himpapawid. Damdamin ko at damdamin mo, tumitibok ng mabilis. Ilalahad lahat-lahat at tatanggapin na walang hapis...

Magkasalo sa gabing hindi pangkaraniwan. Mag-kaakbay, magkayakap. Nang walang saplot sa katawan. Bawat niig, diin na nararamdaman. Sinasamsam. Dinaramdam. Ninanamnam...


⊙⊙⊙⊙⊙⊙⊙⊙⊙

★"simbahan"★



★ Ang pamilya daw ang pinaka-maliit na simbahan. Ang ama ang pangulo. Ang ina ang sandigan. Mga anak ang miyembro nito'ng sambayanan. Ito nga baga ang pinaka-maliit na simbahan?...

Hindi ako naniniwala aking kaibigan. May mas pa doon na kaliit-liitan. Dahil para sa akin ay ang ating katawan, ang siya mismo'ng pinaka-maliit sa lahat ng simbahan...

Ang isip ang ama at ang pangulo. Ang puso ang ina na sandigan nito. Paa, kamay, mata, ilong, tainga at iba pa, ang mga miyembro. Ito ang pinakamaliit na simbahan, isa na dito ang katawan ng tao...

Babae ka man o lalaki. Kahit ka pa tumboy, bakla o inosente. Katawan mo ay templo nito'ng mahiwagang ere. Ikaw ay simbahan, ano ang iyong masasabi?...



: Iba pang uri ng Simbahan :
(katawan ng hayop, katawan ng insekto, katawan ng kung anu-ano, katawan ng kalawakan, katawan nitong mundo. katawan nitong lamesa ko.)



¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤





Sabado, Hulyo 18, 2009

~"Tarana"~



≈★≈
Balik tayo sa isla "buenavista". Takasan natin ang magugulong eksena. Bombahan ng bombahan, hindi magkasundo kung sino ang bida. Magulo na nga ang mundo, dadagdag ka pa ba?...

Tara na! Tara na! Aalis na ang balsa. Iwanan na natin mga mahilig sa dusa. Doon sa isla lahat tayo ay bida. Walang swapangan, lahat ay may kanya...

Babalik tayo sa kaunti at maliit. Kung ano lang ang kaya para walang nagagalit. Dahil kapag dumami na at sumikip. Ang maghahari na ay inggit...



~~~~~~~~~~~~~~~~

Biyernes, Hulyo 17, 2009

¤"tabi-tabi po"¤



¤ Kumukulog, umuulan. Nabubulabog ang tikbalang. Nanghihimasok ng bahay. Naghahanap ng masisilungan. Mangangatok sa pintuan. Huwag na huwag mo'ng pagbubuksan...

May mga kasama'ng tiyanak at duwende. Taga-upak ng bubong. Taga-kut-kot ng kisame. Bababa sa ding-ding. Gagapang sa katre. Susuot sa kumot at sa iyo ay tatabi...

Huwag na huwag kang mumulat. Huwag hihikbi, huwag iiyak. Kapag kinuhit ka, huwag kang lulundag. Huwag kang sisigaw. Huwag kang papalag...






: hintayin lang tumigil ang ulan : guni-guni lang :


aaawwwwooooooo!!!



⊙"Hinga"⊙




Bawat segundo, minuto at oras. Bawat buwan, taon ang lumipas. Bawat galaw ay may katumbas. Bawat kilos natin ay may bayad...

Nagbabayad tayo sa bawat panahon. Simula sa pagtulog hanggang sa pagbangon. Gumugugol ng pintig, tibok at
emosyon. Walang libre sa mundo ng rebolusyon...

Dugo mo ay tumatakbo, milyon-milyon bawat segundo. Puso mo ay tumitibok sabay sa ikot nito'ng mundo. Isipan ay napalilipad, gaano man kalayo, gaano man kalawak.
Halaga mo ay katumbas ng kahapon at ng bukas..

Huwag mo'ng sabihin na wala kang nagagawa. Kahit naka-upo ka lang o naka-tunganga. Kahit naka-higa, naka-tayo, naka-tihaya. Katumbas mo ay ningning ng planeta at tala...

Pero mas maganda kung kikilos ka at tatayo. Isulong ang buhay at sa labas makipag-buno. Maki-alam sa paligid at sa liwanag maki-halo. Ang ibinayad na hininga ay gamitin sa matino...



⊙ ←→ ⊙

Huwebes, Hulyo 16, 2009

→"Pila Ulit"←



↑↓

Gising. Bangon.
Tae. Ligo.
Kain. Inom.
Bihis. Takbo.

Pila. Sakay.
Dukot. Bayad.
Para. Baba.
Tawid. Kaway.

Bati. Upo.
Pindot. Yuko.
Pindot. Tingin.
Pindot. Tayò.

Babà. Upo.
Kain. Inom.
Idlip. Tayò.
Akyat. Upo.

Yuko. Upò.
Tingin. Ubo.
Usap. Inom.
Tayò. Upo.

Tayò. Bàbà.
Lakad. Para.
Sakay. Bayad.
Para. Naog.

Lakad. Uwi.
Bihis. Mumog.
Upò. Nood.
Kain. Tulog.




Ulit.

Miyerkules, Hulyo 15, 2009

☆"Lost in Translation"☆



☆Nakaka-tuwa. Nakaka-tawa. Ito'ng "google translator", kung mag- "translate" ay iba. Baka tuloy ako'y ma-"misunderstood" ng iba. Ay naku! Patay kang bata ka...

Pinilit ko ang sarili na maisalin ng mabuti. Pasensya na kayo kung meron pa'ng pagkakamali. Napapa-"english" tuloy ako ng walang sabi-sabi. Heto ang "version" ko kung isasalin ko sa kukote...

TULOY
(WELCOME )

Maligayang bati sa iyong pagbisita!
(A warm welcome for your visit.)

Harinawa ay masiyahan ka sa bawat salitang iyong mababasa,
(May you find joy in every word you had read.)

maaaring malungkot ka,
(it could make you sad,)

magalit o matawa, (hate or laugh,)

mainis o mapika, (damn or mad,)

ma-ihi o masuka. (piss or puke.)

Natural yon, tuloy lang ang basa.
(It's all natural, just keep on reading folk.)

☆☆☆☆☆☆☆☆☆
: open for correction, just leave a comment :


ex. B-) :@ :-) :'( :-* :-P

ㄣ"Hanap-Hanap"ㄣ



ㄣ Hinahanap ko ang tatapat, sa ligaya mo na inilatag. Hindi ko makita sa sangkatutak na palabas. Maging sa usok ng sigarilyo wala pa rin ang lunas. Ano ang magpapahupa sa puso ko'ng nagliliyab...

Para akong anghel na nasa tasa. Hindi makalipad, pinagtampuhan ng pag-asa. Wari na naligaw sa sulok ng lamesa. Hindi makakilos sa makatotohanang barya-barya...

Humihiyaw ang puso sa magulo'ng isip. Hindi makakibo ang pangarap, sa pagnanasa'ng ninanais. Makita ka lamang ay muli ng babalik. Ang sigla at kulay sa makulimlim ko'ng daig-dig...


ㄣㄣㄣㄣㄣㄣㄣ

≈"Dapit-hapon"≈



≈ Pakupas na ang liwanag. May mga bituin na unti-unti ng lumalabas. Ito'ng buwan, itinatago pa ng ulap. Ano kaya ang hugis? Salukot ba o kuwintas?...

Unti-unti na rin na tumatahimik. maliban sa huni nitong mga kuliglig. Habang ikaw ay naka-sandal dito sa aking bisig. Kasaliw ang musika at ng alon ng tubig...

Rosas ay tumitingkad, sa kulay ube'ng langit. Kumikinang ang dagat, mula sa kaka-iba'ng init. At sa iyong mukha, na kaakit-akit. Hindi ko napigilan na sa labi mo ay humalik...

At ang gabi ay lumalalim. Hinahampas na ng alon, ang mga pinong-buhangin. Sumasaliw na, ang iyong malambing na haling-hing, sa kaway ng mga puno, at ihip ng hangin...

Ito ang gabi na tayo ay pinag-isa. Wari ang mundo ay tumigil at nag-pahinga. Upang saksihan ang biyaya ng ligaya. Sa dalawang nag-aalab na katawan at kaluluwa...




"" "" ""

Martes, Hulyo 14, 2009

≈"DADO"≈



≈Ado di Dado. Dada-Dadig, dadida.

≈Dadidig ado da dado. Dadobdadan, dada edo, duddang dangda.

≈Dedo odi dadan, dadadadain da, dudda dang dangda.

≈Dadi dodes do dadada da, dadang dadanda da dadan.

≈O dide da dudi dading dagdidida.

≈dudadadi dang dede do.

≈daday.

◎"NASA"◎



◎"Nasa lawak ng mundo ang imahinasyon ng tao. Tao lang ang nilalang na may-kaya nito. At dahil sa imahinasyon, nakalabas, nakalayo. Hanggang masilayan ang walang katapusang puno't dulo...
(Planeta ba ang Pluto?)

⊙Eh ano naman yung "milky way" at "galaxy"? Meron pang "supernova" at "andromeda"? Tayo lang ba ang buhay? Ibig bang sabihin ay buo'ng kalawakan ay patay? Bakit kaunti lang ang liwanag sa "super" sobra'ng "big" na kalawakan na bongga'ng bongga?...
(xhoa.xhoa.xhoa.xhoa.xhoa)

ㄒ aHooy, bakla! twumigil ka nga jan. Megenda na ung yusapan, peyloko key pey jan. Beyka gusto meyteydjakan! "Just shut your mouth and listen."...
(wow sosi..tomboy ka ba?)

ㄨPssst! Bawal yan! Baka marinig kayo ng simbahan. Bawal ang bakla, tomboy sa usapan. Patay kayo sa kanya-kanya n'yo'ng magulang...
(nag-salita ang banal)

㈩ Tumigil kayo diyan. Ako si kristo. Antayin n'yo na lang na mag-balik ako. Ihanda n'yo na mga kasalanan n'yo. Titingnan natin kung sa langit kayo o sa impiyerno...
(okey...see ya..)

ㄖ Ako naman ay isang pagano. Sa siyensya ako naniniwala at sa ebolusyon ng tao. Tayo ang maghahanap ng buhay sa kabila nito'ng mundo.Hindi ko na hihintayin pa, na bumalik si papa Gee...
(kelan daw babalik)

◇ Bawat bagay ay may dahilan. Bawat kilos ay may tutunguhan. Bawat buhay ay may hangganan. Sa bawat pananampalataya ay may respeto'ng nananahan. Sa iyo man ang buhay mo o isuko mo man kung kanino?. Iyo yan. Buhay mo yan. Bahala ka. Karma mo yan. O ano!
(..alammo "alien" ak.)

%ς¤⑵○ㄐㄥㄣ☆♀△ㄎㄝ㈨♀☆■⒎⒔⒙⒄←§※%㈨~$ㄟㄊ○⒌♂☆。⊙

:usapan'g "galaxy", "my space", "your space", milky way" "your way" "my way", nina Toda, Yester at Tom, kasama sina Presei, Pasei at Futui:



-lahas sila out-of-school-youth


""""""""""""""""

Lunes, Hulyo 13, 2009

≈"Anchovy"≈



ㄓ Mamahalin na pagkain na nakalagay sa lata. Primera klase na isda, pang-mayaman kung baga. Bihira ang bumibili kasi "anchovies" nga. Sa tunog pa lang, sosyal na sosyal na...
(tunog "The Buzz".. UUHMMH.. WHOAH..! WOAHWOAH.. WOAHAHA.. UWHHHW.. HHWWUhhuuwhu)

ㄚ Eh ano naman yang "anchovy"? "English" ba yan o "Portugese"? "Spanish" ba o "tag-lish"? "Vietnamese" ba o "Chinese"? "Japanese" ba o "British"? Ano? Sabihin mo na please...
(Tsuktsaktsenese! UUHMMH.. WHOAH..! WOAH!)

ㄓ Dilis. Ang walang kamuwang-muwang na dilis. Na masarap i-prito at palutungin. Pwede rin paalatin, sawsawan ng nilagang-saging. Na kung sa kabisayaan ginamos kung tawagin.. (with kalamansi n sili)

ㄚ Dilis..??..!!.. !. (sabay tawa.. UUHMMH.. WHOAH..! WOAHWOAH.. WOAHAHA.. UWHHHW.. HHWWUhhuuwhu)
3X


:mula sa "research" nina Gina Most at D Lìst:


ㄓㄚㄓㄚㄓㄚㄓㄚ

Linggo, Hulyo 12, 2009

▲"Banana"▲



▲Klase-klase ang pangalan nito'ng mahiwaga'ng saging. Pati lasa at kulay , maging sa hugis mapapansin. May pwede ng kainin, may pwede rin lutuin. Ganoon pa man, isa ito'ng ligtas na pagkain...
(e ang kamote?...)

Sa pagdaan ng panahon, sa pagbabago ng matsing. Dumarami na sa atin ang tagihawatin. Payo ko lang ay kumain ng saging. Tingnan mo ang unggoy walang tagihawat kahit na katiting...
(may kalyo naman sa pwet)

Ummhhh... Masarap din ito'ng saging na turon. O kaya banana-k-yu ni aling Isyon. "Banana chips" kaya?. Ah! walastik ni Marion, yung may kinudkod na yelo, na may "leche flan" sa ibabaw, tapos may "sweet beans", ube, gulaman, pinipig, sago at maraming-maraming gatas. Ahhh.. Sarap!!!
(walastik! eh halo-halo na yon!!!)


;mula sa hindi mapakaling lalamunan ni Mang Kiiting Saging:



"""""""§""""""""

Sabado, Hulyo 11, 2009

△"El Niño"△



△Tag-tuyot! Tag-uhaw! Hihigupin ka ng araw. Lupa ay mabibitak. Bundok ay mauupaw. Magkukulang ang tubig, marami ang matutunaw. Maging isda ay apektado. Magsisilutangan sa ibabaw...
(Global warming?)
(Energy saving?)
At habang umiinit marami ang gusto'ng magpalamig. Todo ang "air con", "electric fan" at "ref". Sarap na sarap kumain ng "ice cream" at "banana split". Habang nanonood ng "pirated DVD" na "Ice Age"...
(Diego!)
Malamang na uso rin ang sunog. Lalo na sa masisikip at dikit-dikit na sulok-sulok. Kapag ikaw ay nakulong sa makapal na usok. Pupulutin ka'ng parang piniritong-manok...
(Sunog! Sunog!)
Uso rin ang sakit sa balat. Alipunga, galis, an-an at libag. Magkaka-"sore eyes" kapag minamalas-malas. Pagpapawisan ka ng maalat-alat...
(Amoy limpi! Maligo!)
Sa palagay mo ba meron tayo'ng magagawa? Sa pag-iba ng panahon na lalong lumalala. Na kung tutuusin tayo ang nagka-sala. Sa mabilis na pagbabago, na tayo naman ang may gawa...

(Ha? Beybi ng alin? Mainit ba kamo?)





△△△△◎△△△△

="Yeheey! Sabado"=



=Tuwang-tuwa na naman. Sabado daw, walang pasok. Sigaw ng mga bata na sa laro ay hayuk. Kantyawan, kwentuhan sa istoryang hindi nauubos. At ang hindi makasagot, pipitikan sa itlog...
(Sino si MJ?)
Laro! Sige laro. Takbo ng takbo waring hindi hinahapo. Walang kapaguran sa ligayang natatamo. Wala rin pakialam sa mundo ng siphayo...
(Bang! Bang! Bang! Boom!)
Oo nga naman. Bakit nga naman. Ipagkakait pa ba ang maikli'ng kaligayahan. Pag-uwi sa bahay amoy putik, amoy lansangan. Palo ang inaabot kadalasan...
(Wapik! Watak!)
Ang bata kapag sinaktan, nagtatanim ng galit sa magulang. Pagbigyan mo at gabayan. Aalagaan ka niya hanggang sa iyo'ng katandaan.
(Lola! Bakit ka uminom sa arinola!)
(Lolo! Bakit ka tumae sa plato!)


★★★★★

↓"Kung"↓




↓Kung ang isang bansa ay mayaman sa teknolohiya. At umuunlad sila dahil dito?. Pwede'ng itawag na "hi-tech" ang mga tao sa mga bansa'ng ito. At kung ang bansa na umuunlad dahil sa likas na yaman nito?. Maganda ang turismo, at dag-dag dangal sa antas ng pagkatao. At kung ang isang bansa ay puno ng dahas, mayaman sa patayan at mahilig sa gulo?. Malamang nasa lugar ka ng mga taong tumatangkilik sa terorismo. At kung ikaw ay nasa bansa na ang gobyerno ay nagpapapain ng mga kababayan sa ibang bansa upang magtrabaho ng kahit ano? Nasa bansa ka ng mga marami'ng gahaman at mga ganid sa mundo...


↑Ang buhay ay antas at ang antas ay buhay.



Kung mamamatay-tao ka?, ano'ng antas ng buhay meron ka? Kung ikaw ay mayaman sa pagnanakaw?, ano'ng antas ng buhay meron ka? Kung ikaw ay nagta-trabaho at nagpapa-alila sa ibang bansa?, ano'ng antas ng buhay meron ka? At kung ikaw ay lumaki, nag-asawa, nagka-anak at namatay?, ano'ng antas ng buhay meron ka?


Ano?..
Ano?..
Ano na ba ang "level" ko?

Ano na ba ang "level" ng bansa ko?




↓↓↓↓↓↓↓

Huwebes, Hulyo 9, 2009

★"SIKAT"★



★Marami ng sumikat sa iba't ibang larangan. Mayroon sikat dahil sa sobrang kagandahan. Mayroon din sikat dahil sa kakisigan. At mayroon din sikat sa sobrang kapangitan...

(uunahan na kita, tulad ko)

Meron sumikat dahil sa kabaitan. Meron din iba na sumikat sa kasamaan. Meron din na sumikat sa ka-tomboy-an at ka-bakla-an. Meron din sikat na nag-be-benta ng katawan...

(katawan ng baboy)

Meron din'g sumikat sa pag-kanta at pag-su-sulat. Sa pag-tawa at pag-iyak. Sa pag-langoy at pag-akyat. Maging sa pag-hu-hubo at pag-hu-hubad...

(tulad ni Tarzan)

Meron din'g pagkain at inumin na sikat. Meron din damit, sapatos at alahas. At huwag din kalimutan mga lugar na maunlad. Yung sikat na sikat, tulad nitong Pilipinas...

(ha? kelan pa? sigurado ka?)

E ikaw, sikat ka ba? Kung sa akala mo, aba'y maskara. Katulad nito na nasa eksena. Mata lang ang kita. Sikat kasi siya sa pambobomba!

(takbo na!!!)


★★★★★★★★★

★"Kamatis"★



★Marami sa atin ang hindi kumakain ng kamatis. Wala kasing alat o kahit man lang tamis. Pero kapag iginisa at iniluto sa patis. May kakaibang linamnam na makakamit...

(ayy sa hindi!, may patis..)

Maganda raw sa katawan itong kamatis. Panlaban sa kanser, panlaban sa sakit. At kung mabulok na at wala ng gamit. Ibato lang sa lupa. Upang muling mag-hasik...

(pwede ring pambato sa mga ganid na politiks)

Tanong:
Prutas ba o gulay ang kamatis?


★★★★★

Miyerkules, Hulyo 8, 2009

ㄨ"Hulyo"ㄨ



ㄨAno ba ang meron sa buwan ng Hulyo? Bukod sa pyesta ng Paete at panaka-nakang-bagyo. Ang naaalala ko lang palagi kapag umulan na ng Hulyo. Naiisip ko yung klasmeyt ko noong "grade 2"..

(tagal na no'n a!)

Siga!, itong klasmeyt ko na 'to. Kapag katabi ko siya, nagmumukha akong kuto. Sa laki ng kaha, eh parang "cart" ng sorbetero. Kapapalahingi, 'hilig pang mang-batok sa noo...

(TOK!..aray!..)

Anak pa ng titser, este "terror" na titser. Mukha ring bakulaw pero hindi naman daw "sir". Napag-alaman ko na babae pala si "sir". Tulad ng klasmeyt kong siga. Babae'ng mukhang pader...

(na palaging iniihian ng aso)

Ang sama ng ugali nitong klasmeyt kong siga. Kahati ko na nga sa baon, hihingi pa ng pera. Pag wala kang maibigay, manununtok sabay mura. Itutulak-tulak ka sa mabahong basura...

(may tae pa ng aso at panis na kanin)

Uumuwi akong palaging umiiyak. Itong kutong-lupang wala ng suot na tsinelas. Pag-uwi pa sa bahay, natural palo ang kaharap. Kukurutin pa sa singit na kasing pino ng "iodized salt"...

(Aaahhh..whuw..hapdi)

At kinabukasan mauulit na naman? Mabuti na lang may naisip akong paraan. Tumigil na sya at 'di na ko sinaktan. Palagi ng nakangiti matapos ko syang halikan...

(ppwwheee!...pwwwhaaa!..ang pakla!...)



Isang araw rin akong suka ng suka at paminsan-minsan pag naaalala tuwing Hulyo.


ㄨㄨㄨㄨㄨㄨㄨ

★"Michael Jackson"★



★Duda ako sa pagkamatay mo. Opinyon ko lang naman, sumagi lang sa isip ko. Kung ibabase ko lang sa tunay mo'ng pagkatao. Tinggin ko'y buhay ka pa, nagpunta lang sa ibang-mundo...

Unang kantang natutunan ko ay galing pa sa iyo. Sa kanta mo rin, unang tanggap ko ng regalo. Saan man ako mapunta sinasayaw mga awitin mo. Sa pagsakay ko ng "jeep" ang syang tug-tog mga kanta mo...

Pero duda talaga ako.



★★★★★★★★★

★"07/08/09"★



★Ito ang petsa ngayon, sa panahon ng tag-ulan. Basa na naman ang lupa at ang ilog ay putikan. Nababago ang hugis nitong kapaligiran. Unti-unti umuusbong mga bagong halaman...

Dito sa kabundukan ay walang halos nabago. May ilang punong natumba at lupang gumuho. Ngunit mas malala doon sa ibabang dako. Mga inagos na bahay na sa basura ay humalo...

May nawalan ng tirahan, buhay at kabuhayan. Mga alagang hayop, patay din ng balikan. Mga may-bahay, naghihiyaw, nag-iiyakan. Paano na raw ang buhay kung ganito ang kapalaran.,

Muling babangon at muling tatayo. Doon pa rin titira, doon pa rin magtatayo. Wala na raw lugar, at ayaw ng lumayo. Dito na raw mamamatay, dito na rin daw pagugupo...




★"07/08/09"★

Martes, Hulyo 7, 2009

△"anino"△



△Psssst! Psssst!
Saan ang 'yong pihit? Kaliwa ba o kanan, padiretso o pabalik?...

△Psssst! Psssst!
Lumingon ka ng saglit. Sa likod mo may batik. Pabulong-bulong bawat saglit...

△Psssst! Psssst!
Nang-aasar, nang-iinis. Nananakot, nangunguhit. Sumisigaw ng pagalit...



Psssst! Psssst!
LINGON! sa likod may mumoo!..


△△△△△△△△△

≈"wala"≈



≈May mga araw na wala akong maisip. Walang pumapasok, walang sumisilid. Minsan nama'y sunod-sunod, walang patid. Dumadaloy na parang tubig...

Pero ngayo'y wala talaga. Wala talaga. Wala pang talaga. Wala pa rin. Wala pa rin talaga. O baka naman, wala nang talaga...

Ang tagal a!, wala pa rin. Hintay-hintay lang, baka may dumating. Konting oras pa, konti pang hiling. Heto na!. Sus! Wala pa rin...

Sge na nga 'wag munang pilitin. Isara na muna ang libro ng pangitain.
Baka maya-maya sa aking pag-gising. Ang wala, ay meron na rin...

Larga!


Walo!
Anim!...


Pu-syam!
(3xxxxx..)



≈≈≈≈≈≈≈≈.≈≈≈≈≈≈≈≈

Lunes, Hulyo 6, 2009

◆"Pag-ibig"◆



◆Pag-ibig ko sa 'yo ay hindi magmamaliw. Sa piling ko sinta ay madalas kang maaaliw. Mamahalin kita ng buong paglalambing. Hinding-hindi sasaktan ng kahit katiting...

Ano man ang 'yong hiling? Sa isang iglap ay gagawin. Ano man ang 'yong sabihin? Buong puso'ng diringgin. Hindi ko man kayang ibigay ang mga bituin. Hayaan mong ialay ko sa iyo, ang bawat kong ning-ning...

Lahat ng akin ay iyo. Inspirasyon ka ng puso ko. Buong-buong ito'y sa 'yo.
Dahil ikaw...
dahil ikaw...
dahil ikaw...,




ang buhay ko...




◆◆◆○◆◆◆



▲"Inbox 3"▲



▲Mga tula ko raw ay puro paluko. Mahirap naman kung palagi akong seryoso. Hindi ako tumitira o naglalaglag ng tao. Hangga't maaari ay panatag lahat tayo...

Maganda na yung daanin lang sa biro. May ngiti pa sa labi, walang init sa ulo. Kung ibubuhos kong lahat-lahat ng kagaguhan ko. Hindi mo magugustuhan, aawayin mo ako...

Tulad nito:
Putang-ina mo!
Hayop ka!
Demonyo!
Suwail!
Tanga!
Gago!
Pangit!
Bobo!
Mukha kang pera!
Mukha kang relyeno!
Mukha kang tyonggo!
Mukha kang insekto!
Sira-ulo!...

O 'di ba ang sagwa?, hindi mabuti sa isipan. Damdamin ay nag-aalab, ang gumanti ang laman. Resulta ay away, gulo sa lipunan. Hanggang sa ang lahat ay mauwi sa sakitan...

Purihin na natin ang dapat purihin. Magbigay ng galak sa mga taong sadlak. Sayang lang ang aral, kung magiging pabigat. Tumulong ka na lang kahit hindi ito sapat...

Hindi ako tulad ng iyong inaasahan. Hindi ko kayang gawin ang gusto mong kaganapan. Hindi ako ikaw na tirador ng bayan. Kung sira man ang ulo ko. Yun ay akin na lamang...

Salamat pa rin sa iyong "suggestions". Bagamat ako ay pilyo pero hindi isang maton. Hindi ako pulitiko na mahilig sa diskusyon. Alagad ako ng sining, maging ang aking imahinasyon...



:tugon mula sa e-mail ko kahapon:

Linggo, Hulyo 5, 2009

◎"BATA, BATA"◎



◎Munting anghel ang turing sa lupa. Ngunit sa paglaki niya. Ano ang mapapala? Saan siya dadalhin nitong ikot ng tadhana? Harinawari bata. Huwag kang maging kawawa...

Sino ang babasag ng iyong kainusentihan? Sino sa iyo ang aakay sa landas ng lipunan? Sino ang gagabay sa marupok mong isipan? Sino ang magpapaligaya sa damdamin mong mang-mang?..

Bubuti ka kaya? O magiging masama? Ikaw ba ang tanong? O sagot na pinagpala? Taga-pagligtas ka ba? O taga-paminsala? Gusto mo ba ng gulo? O buhay na payapa?...

Bata, bata, pa'no ka raw ginawa? Kung patayo ba o pahiga, patuwad ba o patihaya? Nakabitay ba o nakadapa?. Basta ang alam ko ay sa sarap ka ginawa...


Ang Bata.


★"mySpace"★



★"My space" "is" "like" "my" "pace". Kapag masikip, tumataba ang "face". Di kasi makakilos! "what" "a" "waste". Mabuti pa siguro, pumunta sa "other place"...
Naka-"design" daw ang tao na kumilios at tumakbo. Kailangang pawisan para lumakas ang metabolismo. Kung pirmi ka lang dyan sa iyong espasyo. Walang isang taon, magkakasakit ka, mismo!..

Tara! Makapaglakad-lakad.
Pansinin natin ang paligid. Huwag lang magkakalat. Pupunta tayo sa bundok, sa dagat. Babaybayin natin, itong munting alapaap...


Tara!





:huwag kalimutan na kumain ng gulay: :-)




★★★★★★★★★

Sabado, Hulyo 4, 2009

□↑"BANTAY"↑□



↑□ Magaling na bantay. Wala namang bahay. Pagkain sa basura ang syang hinahalukay. At kung mamalasin pa sa lugar ang bantay. Pupulutanin ng mga lasenggong tambay.

Marami syang pangalan tulad ng Hiii! May mga tumatawag din sa kanya minsan ng Tsupi! Meron pa ngang Suu! Minsan ay Shushu! Kaya ang totoo nyang pangalan ay Hhi Tyupi Shu...

Wala ng ama, wala ng ina. Hindi alam, kung saan na nagpunta. Iniwanan, sa makitid na kalsada. Palabuy-laboy. Walang damit, walang pera.

Nahuli ng pulis. Sa karpyu alas-diyes. Nakatakas, umalis. Nagtago sa "creek". Ulanin at arawin. Hindi umaalis. Nang magutom, lumabas. Kaya hayun, nasagasaan ng "jeep".





:Mga buto na lang ang natira sa bantay. Dahil kinatay, niluto, kinain at itina-e na:


Tsk. Tsk. Tsk.
Kaawa-awa...




□Support animals care□

★"Pabili"★



★Pabili po ng "coke" yung "pepsi". Tsaka po ng "colgate" yung "close-up". Pakisama na rin po ng "halls" yung "storks". Tsaka po dalawang "tide" yung "surf sachet"...
Meron po ba kayong "beach walk"? Yung "spartan". Kung wala po e, kapeng "nescafe" na lang. Yung pong "great taste" para mura lang...

Yun lang po.... At..., kung pwede daw po muna utang.

:Kelan ang bayad?

Sa ano daw po. Pagpumula na ang buwan.

:Ha! Ang layo pa ng Pebrero a!. Sabihin mo sa nanay mo sa pagdilaw ng buwan.. at sabihin mo sa kanya na tigil-tigilan na nya yang kakainum at kasusugal. At saka sabihin mo sa kanya na si blah at si bluhblah ay nag bluhblah sa blahblihblah, kaya si blah buma-bleh sa blahblehblah. At lumaki ang blah sa kaka-blah-blah. Panalo si blah sa blah-blah. Tumama kasi sa blah sa blubliblah.
Ha!.

Sige po sasabihin ko po. Ano po kasi po. Naano po sa .... a, wag na lang po. Sge po. a,.

Dito ko na lang po inumin yung "p'oke"! Este "COKE"! :-)


:-):-):-):-):@:-):-):-):-)

Biyernes, Hulyo 3, 2009

↓"Can't fight this Feelings"↓



↓Hindi ko na mapaglabanan itong aking nararamdaman. Parang puputok, sasabog na bulkan. Ilang araw ko na rin na hindi napagbigyan. Panahon na sigurong ilabas, ang masidhing pakiramdam...

Hindi ko na hihintayin pang lumuha ng dugo. Hindi ko na hihintayin pang lumuhod at yumuko. Hindi ko na kaya ang magpakalayo-layo. Patigas ng patigas, pabuo ng pabuo...

Kaya!.

Heto na! Heto na! Wwwaaaaaa... Yyyaaaaaaaa...!!!
(hingal)
Heto na talaga! Wwwaaaaaa... Yyyaaaaaaaa...!!!

PLOK!..PLOK!... plokplokplokplokplok
(hingal)
Heto paaaaahhh!!!
............plok............
(hingal)
WWWWOOOOOOOT!! aaaaaahhh...
(hingal)..(hingal pa)..
...........woot..
aaahhh-ginhawa..



P.S.
-Ang damdamin ay huwag ng paabutin sa ganitong situwasyon.
-Nawa ay kinapulutan n'yo ng aral ang makabagbag damdaming pakikibaka ni Almo Ranas.


. . . . .↓"""↓"↓"""↓. . . . .

⊙"Mr. Kuul"⊙



⊙Ang tawag nila sa akin ay Kuul. Hindi dahil sa ako'y mukhang-kuhol. Kundi ako ang pinaka-"cool" sa lahat ng ka-"cool"-"cool"-lan...

Sa akin ginaya ang buhok ni "Superman". Pati porma ng kamay, nasa limang-daan. Wala ng pupungay pa sa mata kong malamlam. Makalag-lag "panty" raw, itong aking kagwapuhan...

Wala akong magagawa. Sila na ang may sabi. Walang yabang. Walang biro, lahat ng aking sinasabi. Tinggan mo lang ako at pagmasdang mabuti. O ha! Hindi baga at puging-pugi!..

hahahaha.
Relax ka lang dyan. Alam kong 'di ka na mapakali. Gusto mo akong halikan. Huwag kang mag-alala, kasama ka sa bilang. Pang-pitongdaan ka sa pila ng bayan...


"See you next time."


love,
Kuul Lang Ngot
A.K.A. "Mr. Kuul"


⊙⊙⊙⊙⊙⊙⊙⊙⊙