TULOY PO KAYO

Maligayang bati sa iyong pagbisita. Harinawari ay masiyahan ka sa mga salitang iyong mababasa at litratong iyong makikita. Ngunit maaari rin na malungkot ka at magdalamhati, magalit o matawa, mainis o masuka, o gumulong sa katatawa. Natural lang yon, tao lang, tuloy ang basa.

Paunang Salita

Ang bawat letra, salita, pangalan, lugar at sari-saring pa-ek-ek na kabaduyan at matitinong kahulugan ay kathang-isip lamang at hindi ito ginawa para maka-sakit ng tao. Wala ding nasaktan na mga hayop at insekto habang ginagawa ang "blog" na ito. Pakisuyo lang po..."Mag-alis ng muta, bago bumangon. At huwag mahiga buong maghapon."

Pero, paminsan-minsan ay may mga "blog" din na hinango sa totoong buhay, totoong kapighatian, totoong kaligayahan, totoong kabiguan at totoong tagumpay. Paunawa lang po..."Bawal mangulangot sa jeep."

Biyernes, Hulyo 27, 2012

BANANA BEACH



Pahinga muna ako, dito sa Banana beach.
Makapag-muni-muni ng maalis ang inip.
Sa dami ng gustong gawin, alin ang mas lamang sa isip.
Ngunit mas maganda ang tanawin ng paligid.

Kalmante pa ang tubig, tahimik pa ang lugar,
Pasikat na ang araw, mala-ginto kong natatanaw.
Magka-kape muna ako at saka magtatampisaw.
Kahit hindi kita kasama, ligaya ko ay napupukaw.

Ito ang pagkakataon na takasan muna ang lunsod.
Sa walang humpay na ingay at sa mga gusaling nakabakod.
Sa mga kalsadang siksikan at mga sasakyang nakakalunod.
Dito muna akong mag-isa at gagamutin itong pagod.





Miyerkules, Hulyo 18, 2012

PINOY RAP ng PAG-IBIG



Saan ka man magpunta ay susundan kita. Pag-ibig ko sa 'yo ay 'di mg-iiba. Wala ka ng takas sa puso ko'y nag-iisa. Ikaw lang ang iibigin kahit tumataba ka pa. At kung ako sa 'yo'y walang-wala na nga. Hinding-hindi magbabago, ako sa iyo'y magkakalinga. Aalagaan kita tulad ng isang makata. Hindi kita iiwanan kahit na palagi ang baha. Pag-ibig ko sa iyo ay talagang iyong-iyo. Ikaw lang talagang palagi ang iisipin ko. Pati sa pagtulog mo ay ako ang lalapit sa iyo. Babantayan kitang palagi para walang kumagat na insekto. Mahal na mahal na kitang talaga. Umulan man o umaraw sasambahin kita. Hindi ka maa-api ng kung sinong mahadera. Ako ang magtatanggol kapag ikaw ay naka-kadena. Ako ay superhero kapag nanghihina ka na. Ako si Superman pag bubuhatin na kita. Ako si Spiderman pag nanglalambot ka na. Ako ang iyong Batman dahil payayamanin pa kita.



..Y,



Martes, Hulyo 17, 2012

HUWAG UMASA




Kung maari ay huwag kang umasa sa iba.
Utang na loob mo pa ito at hindi ka lalapitan ng pag-asa.
Tulungan ang sarili at huwag humingi sa iba.
Darating ang ang panahon, magtatagumpay ka ng walang dusa.

Huwag umasa sa iba.
Sanayin ang sarili na huwag maging aba.
Nasa pagsisikap ang daan ng buhay na maligaya.
Katamaran ay iwaksi, hindi ka mananalo kapag tinatamad ka na.

Magsikap ng magsikap, huwag isipin ang hirap.
Darating ang panahon, sisiw na sa iyo ang sipag.
Mapupuna mo na lamang na dahan-dahan kang umu-unlad.
At ngingiti ka ng palagi habang noo ay nakataas.



..Y,


Martes, Hulyo 10, 2012

Dolphy


Tapos na ang yugto ng hari ng kumedya.
Tapos na ang kasaysayan ns isang magaling na artista.
Nakakalungkot lang isipin ngunit oras ay sumapit na.
Umalis at pumanaw na at tayo ay iniwan na.

Ngunit kaylanman, hindi siya malilimutan.
Marami siyang naiambag sa mundo na tawanan.
Huwag na tayong malungkot, ngiti niya ay tandaan.
Sa puso ng Pilipino, nakaukit siya magpakailan man.


Miyerkules, Hulyo 4, 2012

Ubuntu



Ito na ang ginagamit ko ngayon.
Nagbago na ako ng OS, mas mabilis hindi tulad ng kahapon.
Hindi kayang pasukan ng virus, walang oras na natatapon.
Libre pa walang bayad, libre din mga applications.

Mas bagay ito para sa ating mga pilipino.
Hindi ka bibigyan ng problema dahil ang linux ay maka-tao.
Wala ka ng ibang bibilhin para ito ay tumakbo.
Subukan mo na rin dahil tested ko na ito.

Meron ka lang ibang bagay na dapat mong gagawin.
Para tumakbo ng mas maayos ay sundin lang bawat bilin.
Mag-updates lang kaagad sa update manager ito ay sundin.
I-check din ang extra drivers kung meron ang computer mo agad mo itong gawin.

So, ito na lang muna at marami pa akong gagawin.
Gagawa rin ako ng blog para sa may nais na magkuting-ting.
Isusulat ko kung papaano ang mga instructions o gawain.
Dahil iba ito sa windows na nakasanayan na natin.


..Y,

Linux- For human beings.