TULOY PO KAYO

Maligayang bati sa iyong pagbisita. Harinawari ay masiyahan ka sa mga salitang iyong mababasa at litratong iyong makikita. Ngunit maaari rin na malungkot ka at magdalamhati, magalit o matawa, mainis o masuka, o gumulong sa katatawa. Natural lang yon, tao lang, tuloy ang basa.

Paunang Salita

Ang bawat letra, salita, pangalan, lugar at sari-saring pa-ek-ek na kabaduyan at matitinong kahulugan ay kathang-isip lamang at hindi ito ginawa para maka-sakit ng tao. Wala ding nasaktan na mga hayop at insekto habang ginagawa ang "blog" na ito. Pakisuyo lang po..."Mag-alis ng muta, bago bumangon. At huwag mahiga buong maghapon."

Pero, paminsan-minsan ay may mga "blog" din na hinango sa totoong buhay, totoong kapighatian, totoong kaligayahan, totoong kabiguan at totoong tagumpay. Paunawa lang po..."Bawal mangulangot sa jeep."

Martes, Pebrero 17, 2009

Nasaan


Tagaktak ang pawis sa lupa. Laganap ang hirap, nitong masamang sumpa. Wala na sa puso ang pakikipag-kapwa. Nasaan na silang mga pinagpala? Na-ngag-silayo. Na-ngag-siwala.



China Service Mall

Miyerkules, Pebrero 11, 2009

Pagliyag


Lumilipad itong isip.
Lumalangoy sa panaginip.
Makulay itong paligid.
Laging may awit na naririnig.

O kay lamig nitong batis.
Punong-kahoy, bunga'y kay tamis.
Mga bulaklak, iba-iba ang hugis.
At ang ganda mong walang kaparis.

O giliw.
Halika dito sa aking bisig.
O giliw.
Tanging ikaw ang iniibig.

Munting bahay na kanais-nais.
Laging maayos, laging malinis.
Walang bahid lungkot, ni walang hapis.
Pagod ko'y dagliang inaalis.

Tunay ka aking sinta.
Ang puso ko'y nahahalina.
Buong-buo ang iyong ganda.
Wala na akong hahanapin pa.



China Service Mall


China Service Mall


China Service Mall


China Service Mall


.



.
China Service Mall

Martes, Pebrero 10, 2009

Paano


Papaano ipipinta ang dagundong ng langit?, ang maingay na paligid?, at ang nag-lukuksang pag-ibig?. Papaano maririnig ang hinagpis ng pintig?, ang kaligayahan ng isip?, at ang hamon ng guhit? Papaano malalasahan ang nilutong pagmamahal?, mga binusang ligawan?, at maka-uuhaw na tampuhan?. Papaano lalanghapin ang hininga ng lupa?, ang halimuyak ng kalawakan?, at ali-ngasaw ng kapighatian?.. Papaano?...
Papaano?...
Papaano kita...,
Mararamdaman?...




China Service Mall

Huwebes, Pebrero 5, 2009

Panaginip


Sa Panaginip ay marami ang nagaganap. Marami kang nakikita, marami ring 'di ma-banaag. Para kang naglalakbay sa kung saang di mo maipaliwanag. Mahiwaga ka o panaginip. Ano ang iyong sadya? Ano ang iyong ibig? Minsan ay kakaba-kaba, minsa'y kahindik-hindik. Minsan naman ay kay sarap, kalugod-lugod, kanais-nais.



China Service Mall

Linggo, Pebrero 1, 2009

"Pebrero"


Pebrero na! Buwan ng pagmamahal. Kahit wala kang puso, ikaw ay magmamahal. Wala ka mang pera o di ka man banal. Asahan mo pa rin kahit di ka magdasal. Naka-gawian na siguro pag buwan Pebrero. Kailangan mong gumastos, pambili ng regalo. Kahit pa ika'y binatilyong walang modo. Makamit mo lang, pagliyag na totoo. Paano naman itong mga babaeng pihikan, mga lalaking mahihinhin, matatandang nilipasan? Isama na rin natin, mga paslit sa lansangan? Marahil ay sila, lubos ang pangangailangan. Ang mahalin, mahalin at mahalin. Hanggang ang lahat-lahat ay bumalik na sa kabutihan. Bigyan daan, buhay ng kapayapaan.



China Service Mall