TULOY PO KAYO

Maligayang bati sa iyong pagbisita. Harinawari ay masiyahan ka sa mga salitang iyong mababasa at litratong iyong makikita. Ngunit maaari rin na malungkot ka at magdalamhati, magalit o matawa, mainis o masuka, o gumulong sa katatawa. Natural lang yon, tao lang, tuloy ang basa.

Paunang Salita

Ang bawat letra, salita, pangalan, lugar at sari-saring pa-ek-ek na kabaduyan at matitinong kahulugan ay kathang-isip lamang at hindi ito ginawa para maka-sakit ng tao. Wala ding nasaktan na mga hayop at insekto habang ginagawa ang "blog" na ito. Pakisuyo lang po..."Mag-alis ng muta, bago bumangon. At huwag mahiga buong maghapon."

Pero, paminsan-minsan ay may mga "blog" din na hinango sa totoong buhay, totoong kapighatian, totoong kaligayahan, totoong kabiguan at totoong tagumpay. Paunawa lang po..."Bawal mangulangot sa jeep."

Linggo, Hulyo 19, 2009

⊙"Tula sa Kasal"⊙



⊙ Isang-gabing walang humpay. Biyaya ng langit na mapag-bigay. Mga banal na sandali, panahon ang nag-alay. Pagkakataon na ipagpatuloy ang ginintuang buhay...

Mula sa Maykapal, nawa'y maging banal. Ang pinagsaluhan na gabi, nitong bagong kasal. Harinawa ay magbunga ng kaanya-anyayang asal. Bunga nawa'y huwag mahinog na pira-pirasong hangal...

Namnamin natin itong katamtamang-init. Kaluluwa mo at kaluluwa ko, maghahalo sa himpapawid. Damdamin ko at damdamin mo, tumitibok ng mabilis. Ilalahad lahat-lahat at tatanggapin na walang hapis...

Magkasalo sa gabing hindi pangkaraniwan. Mag-kaakbay, magkayakap. Nang walang saplot sa katawan. Bawat niig, diin na nararamdaman. Sinasamsam. Dinaramdam. Ninanamnam...


⊙⊙⊙⊙⊙⊙⊙⊙⊙

1 komento:

  1. ayyyozzzzzzzzzzzzxxxxx lng ggggggggoodd!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!1

    TumugonI-delete