TULOY PO KAYO

Maligayang bati sa iyong pagbisita. Harinawari ay masiyahan ka sa mga salitang iyong mababasa at litratong iyong makikita. Ngunit maaari rin na malungkot ka at magdalamhati, magalit o matawa, mainis o masuka, o gumulong sa katatawa. Natural lang yon, tao lang, tuloy ang basa.

Paunang Salita

Ang bawat letra, salita, pangalan, lugar at sari-saring pa-ek-ek na kabaduyan at matitinong kahulugan ay kathang-isip lamang at hindi ito ginawa para maka-sakit ng tao. Wala ding nasaktan na mga hayop at insekto habang ginagawa ang "blog" na ito. Pakisuyo lang po..."Mag-alis ng muta, bago bumangon. At huwag mahiga buong maghapon."

Pero, paminsan-minsan ay may mga "blog" din na hinango sa totoong buhay, totoong kapighatian, totoong kaligayahan, totoong kabiguan at totoong tagumpay. Paunawa lang po..."Bawal mangulangot sa jeep."

Linggo, Pebrero 20, 2011

Ngayon



Pumasok na ang taon ng kuneho. Kung ikaw ay isang intsik ay mas maiintindihan mo ito. Pero kung hindi naman ay basahin mo na lang ito. Makatutulong ito ng malaki sa pang-araw-araw na buhay mo...

Kung bakit tayo naririto ay ito ang ating karma. Ito ang kapalaran natin mula sa dating buhay na na-una. Ito ang resulta ng mga pinag-gagagawa natin nuong-noon pa. May mayaman, may mahirap, ang importante'y naging tao ka...

Ito na ang panahon na mas kilalanin ang sarili. Sa mag-kabiyak na karma na si Masama at Mabuti. Sila ay dalawang batas na sa atin ay wiling-wili. Hawakan mo sila ng maayos, kailangan ay balanse...




Fame is the thirst of youth. -Lord Baron


..Y,

Palabas



Bakit hindi na ako matawa sa palabas na patawa? Bakit hindi na ako masuka sa nakakadiri na istorya? Bakit hindi na ako maiyak sa tele-nobela na ma-drama? Bakit nga ba hindi, eh ganoon nga ba na talaga?...


Logic is logic. That's all I say. -Oliver Wendell Holmes



..Y,




Lapiz



Sagad na ako ginagamit mo pa. Paano na kung maubos ang natitira ko na hininga? Itabi mo ako para memorabilya. Upang makilala naman ako ng mga susunod pa...

Isulat mo ako ng kuwento na maganda. Kahit sa kuwento lang ako ay maalala. Kahit kaunti lang na nakakagana. Kahit ano pa basta tunay na mahalaga...

Pitong-libo at limang-daan ang letra na naisulat ko. Daang-libo na linya ang mga naiguhit ko. Sa loob ng dalawa na araw, ako ay isinagad mo. Sagad na sagad na nga nang ako ay tigilan mo...

Hiling ko lang sa iyo mahal, hawakan mo ako. At pagpahalagan sa lahat ng mga nagawa ko. Ito lang ang aking kaya, ito lang talaga ako. Dahil ako ay isa lang na lapis na iginuguhit mo...


If artists and poets are unhappy, it is after all because happiness does not interest them. -George Santayana



..Y,





Lunes, Pebrero 14, 2011

D.N.A.



Isa na bagsak, isa na lapag, isa na layon at isa na pahayag. Ano mang pumasok sa isip?, ano man ang ilalahad? Unawain mo ng mabuti at baka ito na ang iyo na hinahanap...

Huwag mo na muna na isipin ang iniisip ng iba. Ikaw na muna yan na isip mo, puso at kaluluwa. Subukan mo lamang muna na palayain ang iyo na "aura". Damdamin mo na mabuti. Pakiramdaman mo nang may halina...

Hindi muna ako magbibiro. Hindi muna ako uupo. Hindi muna ako sasagot at hindi rin susuko. Katuwiran mo at katuwiran ko ay aaralin ko ng buong-buo. Hanggang sa umabot ako sa dulo na sumagot ng taos...

Magnilay, magtimpi. Igalang ang may dalamhati. Respeto mo ay kailangan ng mga hindi nagwawagi. Ano ang magiging kuwento ng mga susunod mo na lahi? Harinawa ay makamtan mo ang kanais-nais mo na minimithi...



May the benefits of their gifts follow them from life to life. -Suki Hotu


..Y,


Huwebes, Pebrero 10, 2011

Habibi



Habi, gawa ito ng mga T'boli. Habi, panahon pa ng sumibol itong lahi. Habi, banal na likha nitong sarili. Habi, habi, habibi...


Wrinkles should merely indicate where smiles have been. -Mark Twain

..Y,


Patas



Isinuko ko ang aking kaalaman sa isang taong aking pinagkakatiwalaan. Ano man ang kahahantungan nito ay sadyang hindi ko alam. Basta ang alam ko ay may naibahagi ako sa aking sambayanan. Ang mailahad ang lahat-lahat na nalaman. Para sa may mga pusong mapagmahal sa bawat kasaysayan...

Maaaring tulad mo o maaaring tulad ko. Na may katuwiran sa pagbabago ng mundo. At sa pang-unawa ng karinawang-tao. Nasaan ka nga ba?, at nasaan ako?..

Maaari ba'ng malaman ko, lahat ng nalalaman mo? Pag-usapan natin kung may punto nga ang mga ito. Kumbinsihin mo ako na tama ka at mali ako. Ipaliwanag mo sa akin kung ano ang ano. Huwag ka lang magagalit at makikinig ako...


A leader is a dealer of hope. -Napoleon Bonaparte

..Y,

#Byahe na!#


Byahe na! Byahe na! Pwede ng mamasyal dahil lugar ay payapa na. Bumabait na ang lahat dahil ayaw na nila sa armas. Ayaw na nila ng gulo, ang gusto na nila'y mamasyal at maglayag...

Byahe na! Byahe na! Mga kapatid ko diyan sa ibang-bansa. Punta na kayo dito sa lugar na pinagpala. Punta na kayo dito sa hiwaga ng lumikha. Punta na kayo dito sa
lugar ng mga diwata..



We create our fate every day... most of the ills we suffer from are directly traceable to our own behavior. -Henry Miller

..Y,