TULOY PO KAYO

Maligayang bati sa iyong pagbisita. Harinawari ay masiyahan ka sa mga salitang iyong mababasa at litratong iyong makikita. Ngunit maaari rin na malungkot ka at magdalamhati, magalit o matawa, mainis o masuka, o gumulong sa katatawa. Natural lang yon, tao lang, tuloy ang basa.

Paunang Salita

Ang bawat letra, salita, pangalan, lugar at sari-saring pa-ek-ek na kabaduyan at matitinong kahulugan ay kathang-isip lamang at hindi ito ginawa para maka-sakit ng tao. Wala ding nasaktan na mga hayop at insekto habang ginagawa ang "blog" na ito. Pakisuyo lang po..."Mag-alis ng muta, bago bumangon. At huwag mahiga buong maghapon."

Pero, paminsan-minsan ay may mga "blog" din na hinango sa totoong buhay, totoong kapighatian, totoong kaligayahan, totoong kabiguan at totoong tagumpay. Paunawa lang po..."Bawal mangulangot sa jeep."

Linggo, Pebrero 20, 2011

Ngayon



Pumasok na ang taon ng kuneho. Kung ikaw ay isang intsik ay mas maiintindihan mo ito. Pero kung hindi naman ay basahin mo na lang ito. Makatutulong ito ng malaki sa pang-araw-araw na buhay mo...

Kung bakit tayo naririto ay ito ang ating karma. Ito ang kapalaran natin mula sa dating buhay na na-una. Ito ang resulta ng mga pinag-gagagawa natin nuong-noon pa. May mayaman, may mahirap, ang importante'y naging tao ka...

Ito na ang panahon na mas kilalanin ang sarili. Sa mag-kabiyak na karma na si Masama at Mabuti. Sila ay dalawang batas na sa atin ay wiling-wili. Hawakan mo sila ng maayos, kailangan ay balanse...




Fame is the thirst of youth. -Lord Baron


..Y,

Walang komento:

Mag-post ng Komento