TULOY PO KAYO

Maligayang bati sa iyong pagbisita. Harinawari ay masiyahan ka sa mga salitang iyong mababasa at litratong iyong makikita. Ngunit maaari rin na malungkot ka at magdalamhati, magalit o matawa, mainis o masuka, o gumulong sa katatawa. Natural lang yon, tao lang, tuloy ang basa.

Paunang Salita

Ang bawat letra, salita, pangalan, lugar at sari-saring pa-ek-ek na kabaduyan at matitinong kahulugan ay kathang-isip lamang at hindi ito ginawa para maka-sakit ng tao. Wala ding nasaktan na mga hayop at insekto habang ginagawa ang "blog" na ito. "Mag-alis ng muta, bago bumangon." At huwag mahiga buong maghapon.

Paminsan-minsan ay may mga "blog" din na hinango sa totoong buhay, totoong kapighatian, totoong kaligayahan, totoong tagumpay, at totoong kabiguan. "Bawal mangulangot sa jeep."

Tuesday, April 24, 2012

OS

 

 

Capture111

 

Matagal-tagal din akong nawala at hindi nakasulat.

Na-“busy” ako sa pagkalikot nitong aking “laptop”.

Nagkameron ako ng “interest” sa “memory”, “disk” at “hard drive”.

Dito ko na rin nalaman kung ano yong “software” at “windows live”.

 

VistaCool118763

 

At ito na nga ang aking “computer’s game”.

Puntahan ang lahat at pagbuting-tingin.

Walang takot na mag”click” hangang magkamali at kabahan na rin.

At heto na nga at nabura ko itong aking “windows 7”'.

 

Desktop08109245

 

Natural lang ang magka-error, okay lang yan, ayos lang yun.

Huwag ring matakot gumastos dahil dag-dag kaalaman na rin yon.

Dahil sa kabilang banda mas lalawak ang “imagination”.

Mas na mas na ang lahat, dahil nakilala ko si “Ubuntu”, you know, alam mo na yun.

 

Pero hindi naman umabot na ako pa ay gumastos at ma-“dare”.

Marami namang paraan na pag-ibayuhin pa ang dunong na “with care”.

Kaya tuloy sa pagkilala kung ano ito at kung ano yoon. “just play”.

Magandang paghahanda yun para sa bagong “Mac Book Air”.

 

80_Black_and_White_HD_Wallpapers_1920_X_1200__-33 (1)

 

Knowing is not enough, we must apply.

Willing is not enough, we must do. -Bruce Lee

wallpaper_ubuntu

Friday, March 16, 2012

Galit (Anger)

 

 

Capture22

 

Kung kailan ka pa nagpapakabait ay siya ka naman na inu-usig ng galit.

Kapag nagpakumbaba ka sa kapwa mo tao ay lalo ka lang nilang ginagilit.

Hindi ko maintindihan kung sasabayan ko ng pagngangalit.

O hahayaan ko na lang silang walang muang sa pag-ibig.

 

Mayroon akong isang kaibigan na gustong maghiganti.

Inalipusta ang kanyang pagkatao nitong nakararami.

Gusto niyang pumatay, gusto niyang gumanti.

Gusto niyang ibuhos ang galit niyang napaka-tindi.

 

Kasukdulan na ang kanyang nararamdaman.

Sinakop na ng mga demonyo ang kanyang kaibuturan.

Wala na siyang pakialam, handa na siya sa kasamaan.

Handa na siyang maghasik ng galit sa kamunduhan.

 

Ano man ang paliwanag ko ay di na niya alintana.

Ano man ang pigil ko ay wala na siyang pang-unawa.

Nagngangalit ang panga, mga mata ay namumula.

Wala na, wala na., handa na s’yang talaga.

 

At sa isang iglap ay sumabog at pumutok.

Hindi alintana ang damay ng nasa palibot.

Lahat ng pangarap niya’y ibinaon na sa limot.

Winakasan ang lahat dahil lang sa galit na sumakop.

 

 

Think before you click. –TJD/HS, GMA News

 

 

..Y,

Thursday, February 9, 2012

Walang Hanggan na Pag-ibig

Amaina2


ito si ama at ina. Marami sila’ng supling at ang mga anak  nila ay may mga kanya-kanya ng buhay. Kaya sa kanila’ng bahay kahit dadala-dalawa na lang sila ay masaya pa rin sila’ng  nagsasama. Ito’ng si ama kahit mabagal ng kumilos ay malakas pa rin kung pagkalalaki ang pag-uusapan. Madalas siya’ng kumain ng paka-u-kaunti, alas diyes sa gabi, alas-dose sa gabi at alas-dos sa madaling-araw madalas si ama gumigising para kumain. Kaya naman si ina ay madalas din na nagigising para magluto sa ganito’ng mga oras. Minsan makaka-amoy ka ng nilulutong adobo sa dis-oras ng gabi. O kaya’y makaka-amoy ka ng tyampurado at pritong-tilapia sa madaling-araw. 
“ Napadadakila ni ina.” Mga salitang sumagi at bumalagbag sa pader ng aking isipan. At habang sunod-sunod na rin ang mga tanong sa aking utak ay nangingiti na lamang ako.
Bagamat ang kadakilaan na ito ay may katumbas na  pag-aangkin. Noong nakaraan na taon ay ipinagpagawa sila ng magandang bahay ng isa sa kanila’ng mga anak. Bago lahat maging mga kasangkapan. Tuwang-tuwa sila ama at ina sa ipinundar ng anak, ngunit sa paglipas ng mga ilang araw ay minabuti nila na sa lumang-bahay na lang manirahan. At ganoon na nga ang nangyari. Bumalik sila sa lumang-bahay. At sa kanilang pagbabalik ay marami ang natuwa, natuwa rin pati mga bata dahil may mabibilhan na silang muli ng masarap na iced-candy at dahil na rin sa pagbubukas ng sari-sari store ni ina, dada nga kung siya ay tawagin ng mga ito. Madalas din na may pumapasyal kila ama at ina na kung sino-sino lang para lamang makikain, pero kay ina ay maliit na bagay lang yun, natutuwa na rin marahil dahil may nakakakwentuhan sa bawat araw na lumilipas. At sa pagsapit naman ng gabi, ang lumang-bahay ay nababalot  na ng wagas na pagmamahalan.

“Walang halaga ang karangyaan, kung pag-ibig na ang naninimbang, dahil walang katumbas ang kadakilaan ng pag-ibig. Dahil si ama ay kay ina, at si ina ay kay ama.”

Thursday, February 2, 2012

February 2012

 

01282012561

 

Pebrero na pala bago ko lang napuna.

Ano ang susunod na gagawin, maaring ba’ng sabihin mo na sana.

Ano ang ipipinta, ano ang ikukulay sa kanila?

Ibababa ko ba sa bundok o ipapasyal sa Luneta?

 

At mga munting anghel ay bubulong-bulong.

Tuloy lang, tuloy, ipinta mo mag-hapon.

Huwag kakaligtaan, kagandahan ay sasalubong.

Ngingiti ang lahat sa dahan-dahan mo’ng pag-ahon.

 

..Y,