TULOY PO KAYO

Maligayang bati sa iyong pagbisita. Harinawari ay masiyahan ka sa mga salitang iyong mababasa at litratong iyong makikita. Ngunit maaari rin na malungkot ka at magdalamhati, magalit o matawa, mainis o masuka, o gumulong sa katatawa. Natural lang yon, tao lang, tuloy ang basa.

Paunang Salita

Ang bawat letra, salita, pangalan, lugar at sari-saring pa-ek-ek na kabaduyan at matitinong kahulugan ay kathang-isip lamang at hindi ito ginawa para maka-sakit ng tao. Wala ding nasaktan na mga hayop at insekto habang ginagawa ang "blog" na ito. Pakisuyo lang po..."Mag-alis ng muta, bago bumangon. At huwag mahiga buong maghapon."

Pero, paminsan-minsan ay may mga "blog" din na hinango sa totoong buhay, totoong kapighatian, totoong kaligayahan, totoong kabiguan at totoong tagumpay. Paunawa lang po..."Bawal mangulangot sa jeep."

Huwebes, Enero 14, 2010

"2010"




Sa kanto ng kalsada, ganito palagi ang eksena. Araw-araw, tuwing umaga. Nakatumpon itong basura.

Saan kaya nanggaling? Saan kaya dadalhin? Sino ang nag-imbento na ito ay padamihin?

Maganda ba itong pamana para sa mga apo natin? Malamang sa hinaharap, marami silang poproblemahin.

Darating ang panahon kalawakan ay makakatikim. Nang sangkatutak na basurang pinagpyestahan natin.

Hindi nakapagtataka balat ng mcdonald sa Andromeda. O supot ng jollibee sa mga kalapit na planeta. Sirang gulong, sirang tv sa pusod ng supernova. Magsasawa sa katatapon sa lawak nitong galaktika...

Hala sige! TAPON pa!.

Linggo, Enero 10, 2010

¤ "seven" ¤




Ito na ang pang-pito mula sa naunang anim na nabanggit ko. Kung hindi mo alam kung ano ang sinasabi ko? E 'di mo nabasa ang mga nakaraang "blog" ko. Pern okey lang yon, tuloy lang ang basa, padayon...

"Learning" kung baga. Pag-aralan ang buhay na hindi itinuturo sa eskwela. Tulad ng tatlong siopao na aking dala-dala. Na aking ilalagay sa tatlo ring eksena...

Ilalagay ko ang isa sa isang timbang tubig. Ang isa naman ay ilalagay ko sa "freezer" nitong "fridge". At ang isa nama'y ilalagay ko sa ibabaw nitong "cabinet". Iiwanan ko ng pitong araw at titingnan kung may nagawa akong "breed"...

At lumipas ang pitong-araw. Siopao ko sa tubig nadurog, nalusaw. "Okey" lang yo'ng nasa "fridge" pwedeng-pwede pang ma-chow-chow. Ngunit ito'ng nasa ibabaw ng "cabinet" inuod na at umalingasaw...

Sa tatlong siopao ay may buhay na lumitaw. Sino ang lumikha sa mga uod na ga-galaw-galaw? "Science" ba 'to? O isang "magic" ng taga-macao? O dahil sa batas? Mahiwagang batas ang sya'ng pumukaw...

Kung ikaw ay tumalon, sigurado, babagsak ka. Pwera na lang kung may "gadget" o pilosopo ka pa. Kapag ikaw ay kumain, sigurado, tatae ka. At kapag ikaw ay natulog, gising ka kanina...

Kapag ika'y naiinis, nag-bi-"build" ka ng galit. Mamumula ang 'yong mukha, maglalabasan mga litid. At kung ika'y masaya, masaya rin itong paligid. Walang masasamang elemento na sa katawan mo ay naka-dikit...

Meron pa'ng kapatid itong si galit at inis. Walang iba kundi, si Inggit na masungit. Kapag itong si Inggit ay di mapigilan at di mapiit. Balik ka sa "anger" at 'di ka matuto nitong "absolute happiness"...

Kaya mo ba'ng sumaya kahit na walang pera? Kung nasa iyo na ang lahat, bakit di ka maka-ngiti o maka-tawa? Kahit anong pahid, "wringkles" mo ay lumalabas. "Well" pag-aralan na lang natin, kung may milagro ba o may batas...


~

Sabado, Enero 2, 2010

' tungong payti '




Kalalapag lang sa pusod ng maynila. Napangiti ako iba na ang hitsura. Iba na ang sakayan patungo sa Laguna. Atat na ako sa Paete, gusto ko ng makita...

Sumakay na lang ng bus patungong Baclaran. At saka nag-jeep papuntang Alabang. Parang ang haba ng byahe trapik pa sa daan. Pasko nga pala kaya maraming naglabasan...

Pagbaba ng jeep, ihing-ihi ako. Anak ng teteng!, saan b'ang CR dito. Ahh hayun may nakita na ako. Meron pang nakapaskil 'IHI dos TAE limang piso...

Gutom na ako ng umulpot itong 'bus'. Wala ng upuan siksikan parang sardinas. Mga pasahero ay 'from all walks of life'. Sabay sambit ng kundoktor, Sta.Cruz! Sta. Cruz! Tayo! na lang brad...

Eto na, ano pa nga baga. Sakay na kay St. Rose sa Calamba ay dadaan pa. Mga ilang minuto pa'y may sumakay na matrona. Nangangaral, nagsasalita. Ano yun nagbobola?...

At pagsapit ng Los-baños ay may pumalit na isa. Namimigay ng sobre. Pakilagyan daw ng pera. Dahil sabi daw ng diyos 'Kapatid!, magbigay ka.'. At sila na ang bahala, ipapanalangin ka nila...

Espiritu ko'y gustong tumawa ng todo. Sa mabagal na byahe na-entertain ako. Tama na yan kapatid, huwag mong gamitin si Kristo. Uminit na ang ulo nitong matandang pasahero...

Tuloy lang ang byahe, lampas na sa Ba-i. May nadaanan pa akong mga pato'ng higante. May dambuhalang unggoy, mataas pa sa tore. Nasa Pila na ako, inip pa rin sa mahabang byahe...

Bumaba na ako sa may Pagsawitan. Kumain ng burger kahit konti ayos na yan. May lumapit na galang-aso, ibinigay ko ang laman. May padaan nang jeep 'payti..payti' kaibigan...

Mama, mama, magkano po ang payti. Bente-syete, a bente-singko. 'Bagong-sakay ka ba ha nene?' Dumukot na rin ako 'heto ang sa akin, Paete'. Pagsanjan na pala, malapit na, konti pang byahe..

Lumban, Kalayaan. May Longos pang dadaanan. At mga ilang minuto pa'y, kita sa hydro ang simbahan. Malapit na nga ako upang muling masaksihan, upang muling maka-apak sa lupa kong pinagmulan...



_