TULOY PO KAYO

Maligayang bati sa iyong pagbisita. Harinawari ay masiyahan ka sa mga salitang iyong mababasa at litratong iyong makikita. Ngunit maaari rin na malungkot ka at magdalamhati, magalit o matawa, mainis o masuka, o gumulong sa katatawa. Natural lang yon, tao lang, tuloy ang basa.

Paunang Salita

Ang bawat letra, salita, pangalan, lugar at sari-saring pa-ek-ek na kabaduyan at matitinong kahulugan ay kathang-isip lamang at hindi ito ginawa para maka-sakit ng tao. Wala ding nasaktan na mga hayop at insekto habang ginagawa ang "blog" na ito. Pakisuyo lang po..."Mag-alis ng muta, bago bumangon. At huwag mahiga buong maghapon."

Pero, paminsan-minsan ay may mga "blog" din na hinango sa totoong buhay, totoong kapighatian, totoong kaligayahan, totoong kabiguan at totoong tagumpay. Paunawa lang po..."Bawal mangulangot sa jeep."

Sabado, Disyembre 24, 2011

Maligayang Pasko

 

 

moc8

 

Maligayang Pasko sa inyong lahat.

Harinawa ay masaya palagi ang inyong dinaranas.

Harinawa ay ligtas kayong palagi sa inyong hinaharap.

Harinawa sa buhay ninyo ay matupad ang lahat-lahat….

 

Panahon na naman ng hingi-an at bigayan.

Uso na rin ang inggitan at agawan.

Sa sinuwerte ay tawanan, sa mga pikon ay iyakan.

Dahil sa nakabalot na regalo na hindi pa alam kung ano ang laman….

 

Meron akong sasabihin na pwede mong kalimutan.

Kalimutan mo ang magbigay, mang-hingi ka na lamang.

Tingnan lang natin kung tayong lahat ay magka-ganyan.

Walang nagbibigay puro na lamang hingi-an…

 

Matutong magbigay, matutong tumulong.

Nang hindi sapilitan kung ano lang ang naaayon.

Magbigay ng natatama kung wala ay darating din doon.

Importante ay alam mo na ang gagawin para sa susunod na taon…

 

Maligayang Pasko muli sa inyong Lahat…

 

 

 

 

 

 

 

 

Pero kung wala pa rin ay sige lang ayos lang iyon.

Miyerkules, Disyembre 14, 2011

*Kalayaan*

 

DSC04006

May alagang ibon itong kaibigan kong pari.

Hindi ko lang maintindihan kung bakit ikinukulong niya palagi.

Hiling ko lang sa kanya ay palayain kahit sa loob lang ng bahay.

Para naman makalipad-lipad at umayus-ayos ang kanilang pamumuhay.

 

Ngunit mas pinili niya na ikulong na lang sa hawla.

Para makapagdasal siya ng maayos, ave Maria Purisima.

Dahil baka rin daw may masira sa mga kagamitan niya.

Kaya mas mabuti na yan na diyan na lang sila.

 

Nasaan kaya ang tunay na katotohanan?

Dahil kung wala ito ay walang tunay na kalayaan.

Paano pa kaya ang tao kung nabubuhay sa kamangmangan?

Walang pinagkaiba tulad ng mga ibon sa kulungan.

 

Sayang ang buhay, sayang ang pagkakataon.

Sayang ang mga huni nitong mga abang ibon.

Sayang ang pagkatao kung pang-unawa ay nakabaon.

Sayang talaga kung sa sarili lamang nakatuon.

 

..Y,

Huwebes, Disyembre 1, 2011

Laguna de Bay

 

05272011426

 

Pawala na ang likas na ganda nitong lawa ng Laguna.

Maging ang ang nakapalibot dito ay wala na ang ganda.

Sino ang mag-aakala na tubig nito ay malinaw pa.

Pero noon yoon, tingnan mo ngayon at nagliliga-ligata pa…

 

Hala sige! papangitin pa natin.

Tutal yan ang gusto ninyo, e ‘di ito na ang pairalin.

Padumihin, pasamain, tapunan palagi natin.

Para kamuhian tayo ng mga taong pamamanahan natin…

 

Lahat-lahat ay dito na natin itapon.

Pati mga patay na hayop o maging tao pa man yon.

Dito na rin tayo tumae at dito na rin tayo magsasabon.

Dito na rin tayo maliligo at dito na rin tayo iinom…

 

chobet

The government and me….. in love. –Tears for Fears

Sibilisasyon

 

03152011261

Saan ka makakakita ng ganitong klaseng damit?

At sino naman ang gumawa ng ganitong klaseng damit?

Kung noong araw pa, ito ay ginagamit.

Sibilisado ang lugar, malamang maunlad at malinis….

 

At ng aking malaman, ako ay nagtataka.

Dito pala sa Pilipinas, ito ay makikita.

Gawa ng katutubo hindi ng makina.

Makikita mo rin ito sa mga museo ng America…

 

Sa bawat butil at hibla ng tela.

Banaag ang yaman nitong makulay na kultura.

Kamangha-mangha, kataka-taka.

Sa bawat ditalye ay mayroong istorya…

 

..Y,

03152011260

Know your history. –Bob Marley