TULOY PO KAYO

Maligayang bati sa iyong pagbisita. Harinawari ay masiyahan ka sa mga salitang iyong mababasa at litratong iyong makikita. Ngunit maaari rin na malungkot ka at magdalamhati, magalit o matawa, mainis o masuka, o gumulong sa katatawa. Natural lang yon, tao lang, tuloy ang basa.

Paunang Salita

Ang bawat letra, salita, pangalan, lugar at sari-saring pa-ek-ek na kabaduyan at matitinong kahulugan ay kathang-isip lamang at hindi ito ginawa para maka-sakit ng tao. Wala ding nasaktan na mga hayop at insekto habang ginagawa ang "blog" na ito. Pakisuyo lang po..."Mag-alis ng muta, bago bumangon. At huwag mahiga buong maghapon."

Pero, paminsan-minsan ay may mga "blog" din na hinango sa totoong buhay, totoong kapighatian, totoong kaligayahan, totoong kabiguan at totoong tagumpay. Paunawa lang po..."Bawal mangulangot sa jeep."

Sabado, Enero 31, 2009

Enero


Huling araw nitong Enero. Ilang minuto na lang ay Pebrero. Sa taon ng kalabaw, krisis nang buong mundo. May bagong pangulo, doon sa kabilang dako. Africano ang ama, ina ay amerikana, na kung tawagin ng karamihan ay Obama. Bagsak ang ekonomiya ng makapangyarihang Amerika. Damay pati maliliit, maging ang kinatatayuan ko. Natutumbang isa-isa na parang domino. Ngunit may isang bansa, lupain nitong tsino, umaangat, umuunlad. Matatag at di magupo. Masarap daw manirahan doon sa Europa, sabi nitong pinay na mestizang maganda. Na namumula ang buhok dib-dib alkansya. Mainam ang buhay, para daw siyang reyna. Limang minuto! Pebrero na!



China Service Mall

Baluto


Matatagpuan sa mga isla ng Dabaw. Bahay na pang-dagat nitong mga Sama at Badjao. Gawa sa kawayan o kaya'y anahaw. Arkitekturang Pilipino, ulanin man o umaraw.








China Service Mall

Binotok


Bahay-kubo ng Ata Manobo. Matatagpuan sa bulubundukin ng Apo. Matatag, matayog, tulad ng bato. Arkitekturang pilipinong-pilipino.








China Service Mall

Sabado, Enero 17, 2009

★"SaBatisMo"★


Salamat... Bukas Sabado. Walang pasok! Akin ang mundo. Pupunta ako sa bundok ng Talino. At lalangoy sa batis ng uwido.
At sa aking paglalakad, kasalubong ko, alagad ng batas. Tinanong ko s'ya, kung saan ang landas? Patungo sa batis na walang dahas.
Diretso lang aking kaibigan. Magmula sa kanto, lumiko ka ng kanan. Sa dulo, merong simbahan, sa likod, ando'n lang ang daan.
Maraming... marami pong salamat. Naka-bihis kayo, saan po ba ang lakad? May kasiyahan, ako'ng pang-bungad. Baka kasi may mang-gulo sa kalsadang malapad.
O sige po, salamat pong muli. Tuloy ang lakad habang nangingiti. Sa ganda ng lugar. Ayaw ko munang umuwi.
At sa aking pag-liko. May batang naka-upo. Humihingal, yumu-yuko. Waring merong itinatago.
Inalok ko siya ng tubig. Tumanggi s'ya't sabay umalis. Sagot lang n'ya'y Bomba! Bomba!, para sa malapad na kalsada.
Palabirong bata, malikot ang isip. Nagpatuloy ako sa aking ninanais. May isang binata, sa akin ay papalapit. May dala-dalang mahabang bit-bit.
Bumati s'ya sa akin. Saan daw ako papatungo? Tugon ko ay sa batis. Sa batis ng pag-suyo.
Ngumiti s'ya sa akin, may gusto pang sabihin. Meron daw s'yang awitin. Tug-tog..., palit pagkain.
At sa himig nitong payak. Puno ng dusa at habag. Awitin na mas mainam. Kaysa baril at tabak.
Na-antig ako sa inawit niya. At sa ibinigay ko, mukha niya ay sumigla. Ang simbahan, natatanaw ko na. Malapit na ako sa batis ni Majika.
At sa likod nitong simbahan. May isang dalaga sa 'di kalayuan. Sa sayaw niyang wari mo'y lumilipad. Walang saplot, hubo't hubad.
At ako'y kanyang nakita. Lumapit s'ya't nag-pakilala. Isa daw s'yang prinsesita. Lumuhod daw ako't humalik sa paa.
At gano'n!, gano'n na nga!. Nakalampas, pasang-awa. At burol nitong tadhana. Kasalubong ko, isang matanda.
At sa unang pahingahan. Ang matanda ay nag-bigay alam. Sa gilid ng talon, doon ka dumaan. Sa ma-bulaklak na akyatan.
At sa tuk-tok ng talon. May halaman na pula ang dahon. Iyong ka'nin, bulaklak na umusbong. Umupo'ng saglit. Tanawin ang nayon.
At sa aking pag-tayo! Mayro'ng usok sa kabilang dako. At sa aking likuran. May diwata na naka-turo!
Bumilis! Tibok ng puso. Aatras ba o papatungo? Sampung hakbang pa-palayo o sampung hakbang sa Batis ng Pag-ibig Mo.


PBA09nps9n85

△"Mukha ng Ala-ala"△


Tuwing ako ay nag-iisa,. Naa-alala kita. Lalo pag ganitong malamig, ako'y kinikilig. Hindi mapakali, di rin mapalagay. Dahil ba sa mukha mo at makinis na kamay. Naa-alala ko ang walang humpay mong salita. Tinig na uma-agos sa isip kong balisa. Habang mga mata ko'y gusto nang lumuha. Sa makabog dibdib na talinhaga. Palagi ka sa aking panaginip. Ang iyong mga matang sa akin ay nakatitig. Sa daan na makipot at masikip. Nandoon ka, kumakaway, sumisitsit. Naa-alala ko tuloy malamig nating kama. Humihiyaw na bulong sa isip ko'y buo pa. Habang ang kidlat, tahimik na guma-gaya, sa dalawang hubad na pinag-iisa. Naaalala ko..., naaalala ko..., naaalala ko lang..., o aking sinta.



China Service Mall

☆"Kapatid"☆


Ning-ning sa lilim, kurap sa dilim. Mag-tampisawan sa liwanag nitong buwan na malambing. Pakurap-kurap itong mga bituin, waring may ibig pa silang sabihin. Kapatid... Kislap mo'y kislap ko rin.








China Service Mall

△"Pagmaliw"△


Gusto kong muling masilayan ang iyong kagandahan. Nauuhaw, mula sa iyong kabaitan. Gutom sa pagmamahal mong sukdulan.









China Service Mall

★"Ang Alagad ng Sining"★


Nangungusap ang pag-asa na ituloy ang ligaya. Sa paglikha, paglilok at pagpinta. Makabuluhan, makatuturan, sa maka-tindig hiblang mula sa Lumalang. Kilos at galaw ay hindi karaniwan, kaluluwa kong may kapangyarihan, na hindi kayang gawin, ni ano o sino man.








China Service Mall

<"Kapwa Tao">


Malupit ka bang tao?, sa makitid na mundo, sa mga kapwang yagit na katulad nito. Meron ka bang awa?,kahit pa mag-sumamo. O nasisiyahan ka lang?, sa mga ganitong senaryo. Sapagkat mas mapalad ka! Marangya at mabango.









China Service Mall

ㄨPusakalㄨ


Pusakal kung ako'y tawagin, doon sa amin. Walang nagmamahal, ni sino man sa akin. Walang ama, walang ina. Ano ako? Iyong sabihin. Nagtatago, nagdadayo, nagpapaka-layu-layo, sa mundo mo. Walang pinag-aralan, sub-sob ang ulo sa lupain. Lupaing hindi naman sa akin. Walang ama, walang ina. Ano ako? Iyong sabihin. Nagtatago, nagdadayo. Nagpapaka-layu-layo, sa mundo mo.
Sinong makikinabang? Ako ba o ikaw? Talino't kamangmangan, syudad o kabundukan.. Walang ama, walang ina. Ano ako? Iyong sabihin. Nagtatago, nagdadayo. Nagpapaka-layu-layo, sa mundo mo...
Saan pagtatagpuin? Nitong laro ng salaysaying... kasaysayan.









China Service Mall




onclick="top.location='http://www.wutravel.com/?&a_aid=a70c1926&a_bid=0a69d403'">

Search 30+
travel sites
at ONCE!















**Utol**

Kapatid, kapatid, bangon kapatid. Imulat ang mga matang nakapikit. Pansinin mo ang paligid. Gamitin ang isip. Hayaang puso ay tumibok ng mabilis. Kapatid, kapatid, dapa! kapatid. May apoy na sa hangin ay dumadaplis. Wag ka munang tatayo. Pigilin ang luha at siphayo. Lilipas rin ang gulong tinatamo. Kapatid, kapatid. Takbo! kapatid. Mga paa ay ikilos ng walang patid. Isara ang pandinig. Wag lilingon, wag iimik. Hangga't hindi nararating lugar na tahimik. Kapatid, kapatid. Sigaw! kapatid. Tuwa at ligaya ay ipabatid. Humupa na ang galit. Bughaw na ang langit. May bagong parating. Unos ng pag-ibig.







China Service Mall

China Service Mall


China Service Mall


China Service Mall






China Service Mall