TULOY PO KAYO

Maligayang bati sa iyong pagbisita. Harinawari ay masiyahan ka sa mga salitang iyong mababasa at litratong iyong makikita. Ngunit maaari rin na malungkot ka at magdalamhati, magalit o matawa, mainis o masuka, o gumulong sa katatawa. Natural lang yon, tao lang, tuloy ang basa.

Paunang Salita

Ang bawat letra, salita, pangalan, lugar at sari-saring pa-ek-ek na kabaduyan at matitinong kahulugan ay kathang-isip lamang at hindi ito ginawa para maka-sakit ng tao. Wala ding nasaktan na mga hayop at insekto habang ginagawa ang "blog" na ito. Pakisuyo lang po..."Mag-alis ng muta, bago bumangon. At huwag mahiga buong maghapon."

Pero, paminsan-minsan ay may mga "blog" din na hinango sa totoong buhay, totoong kapighatian, totoong kaligayahan, totoong kabiguan at totoong tagumpay. Paunawa lang po..."Bawal mangulangot sa jeep."

Miyerkules, Hunyo 22, 2011

~ si no ~



Ipakita mo man sa akin ang mga bagay na hindi dapat na makita. Tulad ng mga karumaldumal na gawain ng mga uhaw sa dusa. Tulad ng pagpatay, panggagahasa at terorista. Hindi kailan man malalason ang isip ko at kaluluwa...

Iparinig mo man sa akin ang mga hindi magagandang halimbawa. Murahin mo man ako ng mga masasakit na salita. Sigawan mo man ako hanggang sa mamula ang iyong mukha. Hindi kailan man malalason ang isip ko't kaluluwa...

Saktan mo man ako at alipustain. Batuhin mo man ako o pagsampal-sampalin. Durugin mo man ang puso ko at aking damdamin. Isip at kaluluwa ko'y hindi mo kailanman kayang lasunin...

Sapagkat ako ay matatag hindi balasubas. Wala sa lahi ko si Barabas at si Hestas. Hindi ako kaya ng isangdaang Hudas. Isama mo pa ang kampon ng mga demonyong mandurugas...

Hindi ako anghel karaniwan lang na tao. Tanging hangad ko lang ay matuto ng matuto. Malaman ang lahat na makakabuti sa iyo. Ang tulungan na gumawa na mapabuti ang mundo...

Hindi ako banal pero hindi ako gago. Hindi ako hangal pero hindi ako bobo. Hindi ako brutal pero hindi ako loko. Hindi ako ang Maykapal pero hindi ako ang demonyo...


I count him braver who overcomes his desires than him who conquers his enemies; the hardest victory is the victory over self. -Aristotle




..Y,




→ panag-inip ←



Nagising ako mula sa isang masamang panaginip. At sa aking pagmulat ako ay nag-isip-isip. Isa ba ito'ng babala mula sa aking pagkakapikit? O kabaligtaran ng mundo ko'ng salat sa pag-ibig?...

Sinaksak mo ng tinidor ito'ng kaliwa ko'ng mata. Sa utos ng kapatid mo'ng mukhang balyena. At may isa ka pang kapatid na sa magulang ko'y nag-iistorya. Ito daw anak kong panganay ay may malaking problema...

Ina, diyan po muna ang apo ninyo. Ako po muna ay aalis at may gagamutin ako. Itong mayor ng bayan ay may magandang payo. Uminom daw ako at kumain nitong sariwang buko...

At si ama ay nakatitig lang sa akin. Habang tinatanong siya ng kapatid kong nakakatanda sa akin. Tuloy ako ng lakad hindi ko sila pinapansin. At sa mga oras na iyon ako na nga ay nagising...

Umaga ng alas kwatro y medya. Tumutunog ang kampana habang may nagsasallah. Tumitilaok na ang manok habang iba'y sumusunod na. Gising na ang mundo ngunit waring ako ay tulog-na-tulog pa...

Hunyo disi-nuebe linggo ng umaga. Marami ng trisikel na dumaraan sa kalsada. Mga nakabihis ang sakay mukhang magsisimba. Habang ako ay naka-upo, habang isip ko'y kumakanta...

At isa lang ang sumagi sa isip ko. Bakit ako sinaksak nitong aking sinisinta?





We must accept finite disappointment, but we must never lose infinite hope. -Martin Luther King


..Y,



≈ daang-agos ≈



Saan kaya ito patungo? Landas ba ito ng tagumpay o ng pagkabigo? Ano man ang mangyari tuloy pa rin walang liko. Tuloy ang agos dahil ang puso'y buong-buo...

Walang dapat katakutan sa bawat daraanan. Dahil bawat daan ay may patutunguhan. Ano man ang danasin ay may kahihinatnan. Alin man dito ay makakamit ang inaasam...

Basta tuloy lang sa agos huwag mahihibang. Kung sino man ang pipigil ay huwag papakinggan. Sapagkat ito ay laban mo hawak mo lahat ng kailangan. Huwag kang pagigiba hindi ito sapalaran...


You have come into a hard world. I know one easy place in it, and that is the grave. -Henry Ward Beecher



..Y,



⊙ liban ang ligaya ⊙




Huwag ka ng malungkot palaging nariyan ang pag-ibig. Huwag mo lang iisipin na sa iyo ay wala ng umiibig. Makapangyarihan ang batas, ang batas ng pag-ibig. Huwag mo lang punu-an ang puso mo sa pait...

Maging matatag huwag patitinag. Mula sa hamon ng mundo ikaw ay magpalakas. Ihanda ang sarili sa bawat hinaharap. Hindi sa iyo ang daigdig, hindi sa iyo ang lahat...

Magpakatatag, magpakatatag. Hindi lahat ng oras ikaw ay nakasadsad. Hindi lahat ng araw ikaw ay ilalaglag. Mag-isip ka ng mabuti at puso ay papanatag...

Walang tao'ng naghihirap na gumagawa ng mabuti. Walang kapahamakan sa tao'ng maingat na nagsisilbi. Walang taong-tanga na kumakain ng tae. Walang tao'ng hangal na 'di nagmamahal sa sarili...

Dahil ang nagmamahal sa sarili ay magpagmahal din sa iba. Alam niya ang makabubuti maging sa iyo at sa kanya. Alam niya ang tama at kung alin ang mas maganda. Alam niya ang ikinikilos ng kabiguan at pag-asa..

If you are wise, live as you can; if you cannot, live as you would. -Baltasar Grasier



..Y,





Huwebes, Hunyo 9, 2011

¤ Basa ¤ (read)




Sa bawat aklat na binubuklat ay may letrang makikita. At sa bawat letrang makikita ang utak ay mag-babasa. At sa bawat pag-basa, isip ay gumagana. At pag-gumana ang isip, puso ay makadarama...

Kung ang puso ay may damdamin. Matututo siyang umibig. Matututo siyang magmahal at matututong magalit. Kaya itong puso ay kailangan ang isip, upang ang katuwiran ay mangibabaw, manaya at manaig...

At iisa lang sa mga nilikha ang may kakayahan na gumawa ng ganito. Kaya sila ang na-ngi-ngi-babaw dito sa ating mundo. Bagamat natututo ay kulang pa rin ang pang-unawa ng mga ito. Dahil sa paparami pa'ng kadahilanan ayon sa pangangailangan ng mga ito...

Marahil siguro ay kulang pa sa basa. Dagdagan pa siguro ng isip upang mapakinabangan pa. Sa iba namang pamamaraan na hindi nakakasakit ng iba. Sa larangan naman ng halaga, karma at kunsensya...

Wala lang naman, sumagi lang sa isipan. Malay din natin baka makatulong rin naman. Malay din natin kahit sabihin mo'ng ewan na d'yan. Malay din natin kahit na ito'y siguro lang...

Baka sakali habang binabasa mo ito ay ikaw na ang tagumpay na inaasam...



Do not pray for easy lives. Pray to be stronger men. -John F. Kennedy

It is not merely cruelty that leads men to love war, it is excitement. -Henry Ward Beecher



Beware how you take away hope from another human being. -Oliver Wendell Holmes




..Y,


Biyernes, Hunyo 3, 2011

〗grrr〖



Hirap na hirap na ako para kayo ay buhayin. Halos gumapang na ako para kayo ay paligayahin. Inialay ko na ang lahat-lahat, lakas ko at damdamin. Tapos ito lang ang isusukli ninyo sa akin...

Halos lumuha na ako ng dugo para lamang sa inyo. Puyat na puyat ako para may makain lang kayo. Hirap na hirap na ako!, hirap na hirap na ako!!.
Ngayon ay ito pa ang igaganti ninyo!...

Puro na lang trabaho, hirap na hirap na ako!. Para kumita ng pera para lang sa inyo!. Para kagustuhan n'yo ay masunod ng hustong-husto. Tapos heto pa!, kinukulangan pa kayo!...

Huhuhuhu...
Huhuhuhu...
Ang tanga-tanga ko!!..


GAGO!
Utang na loob. Huwag kang magpaka-pagod. Hindi ka nabuhay para sa pamama-oy ay malunod. Mahalin ang sarili para huwag sa iba ay isisi. Huwag idahilan ang iba kung bakit hindi ka napabuti...

Stupidity.


..Y,





■ arak atak ■



Alak daw ang sagot sa tuwing may kalungkutan. Alak din daw ang sagot kapag may kasiyahan. Alak din daw ang sagot kapag may katarantaduhan. Problema lang ay kung may pambili o meron pa ba'ng mabibilihan...

Alak, alak, alak pa at alak. Sigaw nitong si Juan na kanina lang ay kukurap-kurap. Alak, alak, put...tangna, alak!. Katatahimik kanina, ngayo'y kagagalas...

At saglit pa'y si Juan umiiyak. Parang batang inagawan ng tsinelas. Nagbago ang anyo sa paghagulgol ng hayupak. Ito palang si Juan ay may istoryang masaklap...

Tagay, sige tagay. Lunurin natin ang hinagpis nitong buhay. Sge kuwento, sge salaysay. 'tang-na talaga itong buhay...

Pero wala pa rin, hindi mapigilan. Paingay ng paingay ito'ng lasenggong si Juan. Tagay ng tagay, 'di mapigil walang humpay. Hanggang sa madasmag at mawalan na ng malay...

He begins to die who quits his desires. -English Proverb



..Y,