TULOY PO KAYO

Maligayang bati sa iyong pagbisita. Harinawari ay masiyahan ka sa mga salitang iyong mababasa at litratong iyong makikita. Ngunit maaari rin na malungkot ka at magdalamhati, magalit o matawa, mainis o masuka, o gumulong sa katatawa. Natural lang yon, tao lang, tuloy ang basa.

Paunang Salita

Ang bawat letra, salita, pangalan, lugar at sari-saring pa-ek-ek na kabaduyan at matitinong kahulugan ay kathang-isip lamang at hindi ito ginawa para maka-sakit ng tao. Wala ding nasaktan na mga hayop at insekto habang ginagawa ang "blog" na ito. Pakisuyo lang po..."Mag-alis ng muta, bago bumangon. At huwag mahiga buong maghapon."

Pero, paminsan-minsan ay may mga "blog" din na hinango sa totoong buhay, totoong kapighatian, totoong kaligayahan, totoong kabiguan at totoong tagumpay. Paunawa lang po..."Bawal mangulangot sa jeep."

Biyernes, Hunyo 3, 2011

〗grrr〖



Hirap na hirap na ako para kayo ay buhayin. Halos gumapang na ako para kayo ay paligayahin. Inialay ko na ang lahat-lahat, lakas ko at damdamin. Tapos ito lang ang isusukli ninyo sa akin...

Halos lumuha na ako ng dugo para lamang sa inyo. Puyat na puyat ako para may makain lang kayo. Hirap na hirap na ako!, hirap na hirap na ako!!.
Ngayon ay ito pa ang igaganti ninyo!...

Puro na lang trabaho, hirap na hirap na ako!. Para kumita ng pera para lang sa inyo!. Para kagustuhan n'yo ay masunod ng hustong-husto. Tapos heto pa!, kinukulangan pa kayo!...

Huhuhuhu...
Huhuhuhu...
Ang tanga-tanga ko!!..


GAGO!
Utang na loob. Huwag kang magpaka-pagod. Hindi ka nabuhay para sa pamama-oy ay malunod. Mahalin ang sarili para huwag sa iba ay isisi. Huwag idahilan ang iba kung bakit hindi ka napabuti...

Stupidity.


..Y,





Walang komento:

Mag-post ng Komento