TULOY PO KAYO

Maligayang bati sa iyong pagbisita. Harinawari ay masiyahan ka sa mga salitang iyong mababasa at litratong iyong makikita. Ngunit maaari rin na malungkot ka at magdalamhati, magalit o matawa, mainis o masuka, o gumulong sa katatawa. Natural lang yon, tao lang, tuloy ang basa.

Paunang Salita

Ang bawat letra, salita, pangalan, lugar at sari-saring pa-ek-ek na kabaduyan at matitinong kahulugan ay kathang-isip lamang at hindi ito ginawa para maka-sakit ng tao. Wala ding nasaktan na mga hayop at insekto habang ginagawa ang "blog" na ito. Pakisuyo lang po..."Mag-alis ng muta, bago bumangon. At huwag mahiga buong maghapon."

Pero, paminsan-minsan ay may mga "blog" din na hinango sa totoong buhay, totoong kapighatian, totoong kaligayahan, totoong kabiguan at totoong tagumpay. Paunawa lang po..."Bawal mangulangot sa jeep."

Huwebes, Abril 30, 2009

★Eden Nature Park★




★Naka-lugar sa balikat ng bundok. Sariwa ang hangin, masarap matulog. Walumpung hektarya, iyo'ng malilibot. Kulang ang isang araw para ito ay maikot...
Mahilig ka ba sa "lettuce"?, o "salad"? May sarili silang taniman "hydroponic" ang tawag. Sa "Vista Restaurant", "Buffet" man o "Alacarte". Masarap kumain. Kalasap-lasap...
Maraming pasyalan "aviary" o sa "deer park"., "horse-back riding" o sa "skyrider" lumipad. May "prayer garden", "lola's garden" pwede kang maglakad-lakad. Sa kalikasang nilikha ni "God"...
Meron din sila dito'ng "Eden Art Center", Pwede kayo'ng matuto magpinta ng 'yong "partner". "Epoxy Sculpture" pwede mo ring ma-"learn", si Obet ang magtuturo, walang bayad, "special offer"...
Kung gusto mo naman na makita ang lahat. Merong "shuttle tour", may "tour guide" na nagpapaliwanag. Dadaanan nyo'ng halos, lahat ng pasilidad. Kaya tayo na! Sa "Eden Nature Park".

★★★★★






China Service Mall


.



.
China Service Mall

¤"SKYRIDER"¤




★Sakay! Sa "Skyrider", lipad! Sa nauuso'ng libangan ng mga gusto'ng lumipad. Kita ang "Davao Gulf", wari mo'y abot palad. Sa ganda ng tanawin, sa "Eden Nature Park...
Isa lang ito sa marami'ng pasyalan. Kung ikaw ay nabubugnot. Ito ang kasagutan. Mamasyal, maglakbay. "Davao" ay puntahan. Sigurado'ng maaaliw, 'di mo pagsisisihan...

★★★★★







China Service Mall


.



.
China Service Mall

Miyerkules, Abril 29, 2009

★Davao★




★Ang lupa'ng pangako. Lugar ng matitipuno. Maririkit at mapanibugho...
Matatayog na puno. Haring agila ang sugo. Mga bundok na malago. Mababango'ng bulaklak sa buho...
Masasarap na pagkain. Mga murang bilihin. Matatamis na kakanin. Babaeng malalambing...
Malinaw na karagatan. Puti'ng buhanginan. Malinis na languyan. Maaliwalas na pasyalan...

★★★★★





China Service Mall


.



.
China Service Mall

Martes, Abril 28, 2009

¤-BASURA-¤




★Ingat tayo ngayon sa pagtapon ng basura. Marami nang sakit ang nakukuha. May luma, may bago, na nakakahawa. Delikado! Nakakamatay pa...
Ihiwalay ang nabubulok at 'di nabubulok. 'Wag pagsamahin, plastik, papel at iba pa'ng pambalot. I-"recycle" natin ang pwede pang maayos. Upang ang "Mother Earth" ay 'di mag-hikahos...
Turuan natin ito'ng mga bata. Lalo na ito'ng mga matatanda. Dahil nasanay tayo na mag-sunog na kusa. Usok ng "plastic", sa kalusuga'y masama...
Sa bawat pag-unlad ay may basura'ng katapat. Gabundok na basura, and'on sa Payatas. Kinakalkal ng mamamayang payak. Kalunos-lunos, hindi kagalak-galak...
Ano ang dapat gawin? Walang dapat sisihin. Manapay kumilos, layunin ay gawin. Maki-alam, sa bawat usapin. Upang mundo'y maging ganap. Masarap na buhay, ating kamtin.

↑↑★▲△△▲★↑↑




China Service Mall


.



.
China Service Mall

Lunes, Abril 27, 2009

¤-Noli Me Tangere-¤





↓↓↓ "Huwag mo akong salingin"., ang payo ng karamihan. Huwag daw munang humawak o humalik man lang. Beso-beso kaya?, bawal din yan. O ang makipag-kamay ay nasa alinlangan...
Bago daw itong sakit na nakukuha sa baboy. Nahaluan pa ng sakit mula sa tao at manok. Doon sa "Mexico" kumakalat, 'di maarok. Sa "Canada" at "America" mga tao ay nangatatakot...
Doon sa "China" mahigpit na sa "airport". Maging dito sa Pilipinas ay 'di ka basta makakapasok. Lalo kung ika'y galing sa lugar na natumbok. Dadaan ka sa "thermo scan", lagnat ay sinusubok...
Karne'ng baboy ay humina ang benta. Apektado nito'ng balitang 'di maganda. Mga tao ngayo'y nangag-aalala. Kaya tiis muna sa gulay at tinapa...
"Safe" naman daw kumain ng karne. Dangan nga lamang buti raw na dumiskarte. Mabuti na raw yong nag-iingat, upang 'di madale. Suguraduhing umiwas, makasama sa huling byahe...


×↓↓↓××↓↓↓×




China Service Mall


.



.
China Service Mall

¤-ADARNA-¤





★Meron'g kuwento tungkol sa ibong Adarna. Nakapagpapagaling ng may sakit ang tinig niya'ng maganda. Ngunit sa gubat kapag siya'y kumanta. Aantukin ka kapag narinig mo siya...
Kailangan daw ay 'wag kang matutulog. Sugatan ang balat upang humapdi at kumirot. Pigaan ng kalamansi ng 'di makatulog. Magiging bato ka kapag napatakan ng ipot...
Nakalimutan ko na kung sino ang may akda. Nito'ng magandang kuwento na alay sa madla. Paborito'ng basahin nito'ng mga bata. Baka kilala mo siya. Pwede mo ba'ng ilathala...

★☆♀△△♂☆★




China Service Mall


.



.
China Service Mall

Linggo, Abril 26, 2009

¤-TAG-ULAN-¤




↓↓↓Tag-ulan sa tag-araw ang dinaranas natin ngayon. "Agua de Mayo" ay napa-aga, Abril pa lang ngayon. Nag-iba na yata ang takbo ng panahon. Araw-araw, umuulan, araw-araw, umaambon...
Madalas na madilim ito'ng langit. Ayaw magpakita ito'ng araw at init. Sa gabi nama'y kumukulog, kidlat ay nanginginig. Wala namang bagyo'ng nag-ngangalit...
Ngunit mga halaman ay waring tuwang-tuwa. Mga bulaklak nila'y lumalago, tumataba. Mga bunga nila'y dumarami'ng parang bula. Lumalaki kahit walang nag-aalaga...
Bagamat bawat ilog, agos ay nagwawala. Nagdadala ng dumi, lupit at pinsala. Lupa ay kinakain nito'ng tubig baha. Mga tao ay kaawa-awa doon sa ibaba...

↓↓♂△△♀↓↓




China Service Mall


.



.
China Service Mall

¤-MARKET-¤





★Ang "market" sa Pilipinas ay palengke kung tawagin. Andito lahat ang pagkaing lulutuin. Isda, baboy, baka at gulay na mula sa bukirin. Meron ding tsinelas at damit na mumurahin...
Sa tabi ng bangketa ay may pagkain na tutuhugin. Tulad ng "fishball" at "squidball" na kay sarap kainin. May palamig na pantulak, matamis man o maasim...
Paborito ng bata at matanda, may ngipin o wala. Babae, lalaki, tumboy man o bakla. Ito'ng itlog na nilaga. Pamatid gutom sa sikmura'ng nagwawala...
Marami ring pang-sahog tulad ng toyo at suka. May bawang, sibuyas at siling mahaba. Pang marinada sa bangus na isda. O pang-adobo na paborito ng madla...
Dagsa ang tao pag sabado o linggo. Maraming mamimili, pang-isang linggong konsumo. Lalo na kung may papalapit na bagyo. Kailangang bumili at magmamahal na ito...
★△▲♀♂▲△★





China Service Mall


.



.
China Service Mall

Sabado, Abril 25, 2009

¤-EMERITUS-¤





★Tulad mo'y si pilosopo Tasyo. Kinikità mo'y kakaiba kaysa mga palalò...
Maari ba'ng ibahagi mo isipan mo'ng malagò. Sa mga mang-mang at ignorante'ng kadugo...
Ano ang nakikita? Ano ang nadarama? May prediksyon ka ba mula sa sampung-dekada?...
Ano ang sasapitin? Ano ang daranasin? Kapag nag-patuloy ganid sa paligid natin...
May mga tao'ng magaling lang mag-salita. May mga tao'ng magaling lang sa gawa. Kaya kadalasan, hindi magka-tugma. Away! Madalas, napapala...
Ang iba'y nabubuhay para sa sarili. May iba namang nabubuhay para mag-silbi. Ika mo nga'y ito talaga ang nangyayari. Paikot-ikot lang. Tanggapin mo na kasi...
Ngunit ewan nga ba't 'di mapakali., isip at puso, ano nga ba ang silbi? Tibok lang ba ng tibok at mag-isip sa isang-tabi?...

★△◇○△▲△☆




China Service Mall


.



.
China Service Mall

¤-IBON-¤





◇Nakadapo sa dambuhalang puno. Wala namang dahon at bunga'ng tumutubo. Hindi makatuka, hindi makasubo. Gutom ay hindi matanto...
Nilapastangan mga puno sa kagubatan. Kaya ito'ng mga ibon, wala ng matir-han. Nabulabog, inagawan, ng paraiso'ng kanilang inaasam...
Paunti ng paunti, paubos ng paubos. Pawala ng pawala, mga ibon sa bundok. Ano na ang kapalaran? Na sa kanila ay susunod...


△▲△▲△▲△▲△




China Service Mall


.



.
China Service Mall

¤-MASKARA-¤





⊙Ayaw magpakilala. Ayaw magpakita. Mukha ay itinatago sa likod ng maskara...
Ano ang dahilan? Ano ang nadarama? Nalulungkot ba o natatawa? Mukha ay itinatago sa balana...

△○○□□○○△




China Service Mall


.



.
China Service Mall

Huwebes, Abril 23, 2009

¤"MANGKUKULAM"¤





☆Tototo ba ito? O kathang-isip lang. Tulad ng kapre at ng tikbalang. Duwende at manananggal. Nuno at mambabarang...
Babae'ng puti sa iyong likuran. Umangat ang paa. At sa kisame ay gumapang. Mahaba ang buhok, mukha ay matapang. Kukuhitin ka sa gitna ng kadiliman...
Kabayo ang ulo, tao ang katawan. Sa gabi ay pumapadyak do'n sa kagubatan. Mabalahibo, buhok ay kumikinang. Mapula ang mata nito'ng maitim na tikbalang...
Sa dambuhalang puno ay merong kapre. Malakas manigarilyo sa tabako nya'ng sindi. Palipat-lipat sa sanga ng balite. Nag-aabang ng magagandang babae...
May lumilipad sa 'di kalayuan. May pak-pak ng paniki. Akala mo'y bakawan. Ngunit kapag ito'y iyo'ng nilapitan. Duguan ang bibig. Putol ang katawan...
May maliliit na tao sa tabi ng ilog. Mahahaba ang balbas, abot hanggang tuhod. Sumbrero ay matutulis, mahapdi pag naka-tusok. Lalagnatin ka. Kamay ay mabubulok...
Balita ito sa bawat isla ng probinsya. Kung ikaw ay aalis, 'wag kalimutang mag-sama. Mababa na yong tatlo, marami na yong lima. At kung talagang matapang ka, pwede ka ring mag-isa. Magdala lang ng bawang, para pang-kontra...
Pero ang lahat ng iyon ay likha lang ng isip. Panakot lang yon sa mga batang makukulit. 'Wag na 'wag mo lang ito'ng iwawaglit. Dahil ang mangkukulam ang tunay sa lahat ng nabanggit. Huwag kang pahihipo. Huwag kang patatapik...

♀○◇□△△□◇○♂





China Service Mall


.



.
China Service Mall

≈"DIVING"≈





★≈↓Tara "dive" tayo! Sa "Buenavista Island" tayo tutungo. Sa "big ligid" sisisid tayo. Pupuntahan natin ang kaka-ibang mundo...
Sa ilalim ng dagat ay iba ang kulay. Ang asul at pula ay may "lumina" na taglay. 'Di mo iisipin na ito ay buhày. Suma-sayaw-sayaw, kuma-kampay-kampay...
Malusog pa ito'ng "Philippine deep". Mga nakatira'ng isda sa iyo ay lumalapit. May malalaki, may maliliit. Wari ba'ng tuwang-tuwa sa ayos ng "reef"...
Para kang si "Peter Pan" kapag sumi-sisid. Sa "diving gear" mo'ng suot, naka-lilipad sa tubig. 'Wag ka lang pupunta sa malalim na yungib. May pating!, baka hindi ka makabalik...
Kailangan 'pag mag-"dive"., kayo ay dalawa. "Buddy" ka niya, "buddy" mo siya. Kasi kailangan "safety first" muna. Delikado, mahirap huminga...
Tamang-tama lang lalim na "50ft.". Masakit na sa tenga doon sa "80ft.". Para nang sasabog kapag sa "100ft." 'Wag ng bababa at ka-nginig-nginig. Baka lamunin ka na doon sa "thousand feet"...
Dito lang tayo sa "coral reef". Kunan ng "pictures" makulay na paligid. Iba't iba'ng korte, iba't iba'ng hugis. Kung sa mata pa'y parang katatamis...
Kahiwagaan ang una'ng maiisip. Hindi maipaliwanag ang ganda sa dib-dib. Matalinghaga sa ilalim ng tubig. Wala'ng kasuya-suya. Hindi'ng hindi ka maiinip..

★〃≈~↓≈↓~≈〃★


.





China Service Mall


.



.
China Service Mall

Miyerkules, Abril 22, 2009

¤-"GLOBAL WARMING"-¤





±▲ Iba na ito'ng takbo ng panahon. "Summer" ngayon, ngunit uma-ambon. Sa gabi nama'y kumukulog, kumikidlat. At umuulan sa mag-hapon...
Dahil daw ito sa "global warming". Ang kalikasan daw ay na-abuso natin. Pag-gamit ng kuryente ay tipid-tipirin. Para sa kinabukasan ng mga anak natin...
May mga gubat na biglang nasusunog. May mga lugar, binabaha, lumulubog. Mga alon sa dagat, mataas pa sa bantayog, dala ay "tsunami" sa lunsod ay sasalpok...
Lumilindol sa iba'ng lugar. Lupa ay nag-iibang asal. Bulkan ay nag-luluwal ng kumukulong lahar...
Mga dambuhalang isda ay nanga-mamatay. Sa tabing pampang sila'y naka-hanay. Nangangamoy, naninigas at wala nang kabuhay-buhay...
Ano kaya ang dapat gawin? Patuloy ba tayo sa bawat hinaing. "Dead ma" na lang at 'wag pansinin. Kaya ba ng dasal na ito ay sagutin...

△▲←↑↑↓↓↑↑→▲△







China Service Mall


China Service Mall


China Service Mall


.



.
China Service Mall

¤- "MOVIE MARATHON" -¤


◆ Tara na! Manood na tayo ng palabas na magaganda. Ihanda na ang lamesa at pagkaing tsitsiria...
Maghapon, magdamag na mag-papasasa. "Action", "comedy" ang unahing ipa-kita. "Music video" ang pinakang pahinga...
Meron ding "corny" na hindi maganda. Meron ding galing "India" at "China". Karate-han habang lumilipad-lìpad pa...
"Special effects" ay 'di mawari. Kahit ito'ng bala, pag-ipinutok, nahahati. May naglalaho sa hangin o sa ere. Parang "magic" na kasing bilis ng elesi...
Ito namang bida kahit nag-iisa. Kaya'ng labanan ang libo-libo'ng kumo-kontra. Walang kwento, walang istorya. Pang "action pack" lang talaga...
Meron ding "cartoons" na pambata. Meron ding "x-rated" na pang-matanda. May pang "horror" para sa syota. O dokumentaryo mula sa ibang bansa...
Kaya tara! Tayo na! Simulan na at "movie marathon na...
★★△△♀♂△△★★

.







China Service Mall


China Service Mall


China Service Mall


.



.

Martes, Abril 21, 2009

¤- LARO'NG BUKID -¤





▲ Simple lang ito'ng laro sa bukid. Sa sira'ng gulong. Ayos na ang paligid. Pagulong-gulong sa kalsada'ng bago'ng bihis...
Akyatan ng akyatan. Habulan ng habulan. Piko man o tubigan. Laro nila'y 'di pagsasawaan...
Uuwi lang pag tinawag ni nanay. Habang si tatay ay naghahakot ng palay. Tutulong muna sa gawaing-bahay. Saka maglalaro pagkatapos mag-sampay...
Iba ang kilos nito'ng bata sa bukid. Matatag ang mga buto. Isip ay matuwid. Alam bawat kilos kahit madilim ang paligid. At pag gabi'y may buwan, ang laro'y "hide and seek"...
Wala sila'ng drayber, wala sila'ng yaya. Walang nagmamasid. Walang nag-aalaga. Sila-sila lang ito'ng namamahala. Sa mundo nila, sila ang bida...

▲▲▲△♀♂△▲▲▲







China Service Mall


China Service Mall


China Service Mall


.



.

¤- LARO'NG SYUDAD -¤





⊙Paraiso ng bata ang laruan sa syudad. Sari-sari ang laro. Kulang ang isang oras. Libang na libang sa bawat tahak. Ligaya nila'y hindi maipaliwanag...
Tuwang-tuwa ang kahit sino'ng bata. Laro ng laro para'ng 'di mag-sasawa. Walang kapaguran sa dula'ng pambata. Kahit sa gutom, hindi pa-a-an-tala...
Inis na inis na itong si yaya. Gusto ng umuwi. Gusto ng mahiga. Pagod na raw siya sa kaka-tingala, at sa kaka-utos nito'ng palalo'ng bata...
Tuloy sa laro, walang pakialam kahit kanino. Iiyak pag pinigilan mo. Kaya ito'ng drayber nag-teks na sa amo. Kay nagwawala na ito'ng bata'ng abusado. Hanggang saan? Hanggang kailan? Titiisin, pagbibigyan. Ito'ng bata'ng para'ng buang. Ito'ng bata'ng wala pang ka-mu-ang-mu-ang...

△△△△♀♂△△△△








China Service Mall


China Service Mall


China Service Mall


.



.