TULOY PO KAYO

Maligayang bati sa iyong pagbisita. Harinawari ay masiyahan ka sa mga salitang iyong mababasa at litratong iyong makikita. Ngunit maaari rin na malungkot ka at magdalamhati, magalit o matawa, mainis o masuka, o gumulong sa katatawa. Natural lang yon, tao lang, tuloy ang basa.

Paunang Salita

Ang bawat letra, salita, pangalan, lugar at sari-saring pa-ek-ek na kabaduyan at matitinong kahulugan ay kathang-isip lamang at hindi ito ginawa para maka-sakit ng tao. Wala ding nasaktan na mga hayop at insekto habang ginagawa ang "blog" na ito. Pakisuyo lang po..."Mag-alis ng muta, bago bumangon. At huwag mahiga buong maghapon."

Pero, paminsan-minsan ay may mga "blog" din na hinango sa totoong buhay, totoong kapighatian, totoong kaligayahan, totoong kabiguan at totoong tagumpay. Paunawa lang po..."Bawal mangulangot sa jeep."

Linggo, Abril 26, 2009

¤-TAG-ULAN-¤




↓↓↓Tag-ulan sa tag-araw ang dinaranas natin ngayon. "Agua de Mayo" ay napa-aga, Abril pa lang ngayon. Nag-iba na yata ang takbo ng panahon. Araw-araw, umuulan, araw-araw, umaambon...
Madalas na madilim ito'ng langit. Ayaw magpakita ito'ng araw at init. Sa gabi nama'y kumukulog, kidlat ay nanginginig. Wala namang bagyo'ng nag-ngangalit...
Ngunit mga halaman ay waring tuwang-tuwa. Mga bulaklak nila'y lumalago, tumataba. Mga bunga nila'y dumarami'ng parang bula. Lumalaki kahit walang nag-aalaga...
Bagamat bawat ilog, agos ay nagwawala. Nagdadala ng dumi, lupit at pinsala. Lupa ay kinakain nito'ng tubig baha. Mga tao ay kaawa-awa doon sa ibaba...

↓↓♂△△♀↓↓




China Service Mall


.



.
China Service Mall

Walang komento:

Mag-post ng Komento