TULOY PO KAYO

Maligayang bati sa iyong pagbisita. Harinawari ay masiyahan ka sa mga salitang iyong mababasa at litratong iyong makikita. Ngunit maaari rin na malungkot ka at magdalamhati, magalit o matawa, mainis o masuka, o gumulong sa katatawa. Natural lang yon, tao lang, tuloy ang basa.

Paunang Salita

Ang bawat letra, salita, pangalan, lugar at sari-saring pa-ek-ek na kabaduyan at matitinong kahulugan ay kathang-isip lamang at hindi ito ginawa para maka-sakit ng tao. Wala ding nasaktan na mga hayop at insekto habang ginagawa ang "blog" na ito. Pakisuyo lang po..."Mag-alis ng muta, bago bumangon. At huwag mahiga buong maghapon."

Pero, paminsan-minsan ay may mga "blog" din na hinango sa totoong buhay, totoong kapighatian, totoong kaligayahan, totoong kabiguan at totoong tagumpay. Paunawa lang po..."Bawal mangulangot sa jeep."

Linggo, Mayo 30, 2010

Sigarilyo






Oo, nagsisigarilyo ako. Nagyoyosi ako at nananabako. Kulang ang buhay ko kapag hindi nakasigarilyo. Ang usok nito sa akin ay isang karinyoso...

Hindi ko na sasabihin kung ba't humantong sa ganito. Hindi ko na rin babalikan kung bakit ako natuto. Hindi ko na rin sisisihin si Philip Morris at Marlboro. Ang alam ko lang ay napa-liligaya ako ng mga ito..

Nababawasan daw ang buhay ng dalawang minuto. Sa bawat sindi ng isang stick nitong sigarilyo. Ayos lang sa akin kahit gawin mo pang tatlo. Kaysa naman dalhin ko sa misery ang sariling buhay ko...

Hindi na importante kung mauna ako sa iyong mamatay. Importante'y nagampanan ko ang mga gusto ko sa buhay. Wala akong inapi, wala akong pinatay. At mas lumawak ang isipan ko sa daloy nitong buhay...

Utang natin ang agham sa mga naunang siyentipiko. Sa mga imbentor at magagaling na arkitekto't pulitiko. Halos lahat ng magagaling ay naka-panigarilyo. Kaya't sa bawat pagtuklas at pag-unlad ay saksi ang usok ng tabako...

Waring gustong mong baguhin itong kinabukasan. Ngunit alamin mo muna ang buong kasaysayan. Kung papa'no ang mundo ay hinubog ng sang-katauhan. Mga ninunong nagbigay at naglahad nitong kaalaman. Sa usok ng sigarilyo'y may naisip silang mas maiinam...

Kung maari lang sana ay huwag na nating pagtalunan. Lalayo na lang ako, hindi kita pauusukan. Naiintindihan kita, lubos kitang nauunawaan. Huwag ka ng mag-alala, wala akong pagsisisihan...



B-)


He begins to die who quits his desires. -English Proverb




Martes, Mayo 18, 2010

Sa Kuko ng mga Bakla




Hinuhubog ang pagiging mabuti. Hinuhubog din ang pagiging masama. Kahit ito'y minabuti o hindi sinasadya. Lalabas at lalabas ìto nang hindi mo inaasahan. Makikita mo sa bawat tao mong masasamahan..

Malalim ba? O sige babawan natin. Kapag suminghot ka ng suminghot asahan mong may kulangot. At kapag ikaw ay napaka-pala-utot. Palaging masikip ang iyong isinusuot...

Ikaw? Saan ka espesyalista? Ano ang iyong ikinabubuhay? Saan ka ba suma-saya? Kung sa nubenta porsyento sa "sex" ka umaasa? Naku! delikado yan, sa kapwa ay perwisyo ka...

Heto na ang hiling mo na ako'y mag-istorya. Tungkol sa karanasan ko simula nang magka-isip pa. Hiramin ako no'ng ako ay sanggol pa. Lumaki sa kalapit-bahay hanggang mag-elementarya...

At nang mag-sekondaryo, syempre binata na.(poging-pogi) Maraming bakla ang sa akin ay ganang-gana. Kaya hindi maiwasan na malimit mamulestiya. Kung pwede nga lang pumatay, sampung bakla ang may lapida...

Hindi ko na babanggitin kung may pari o guro. O manggugupit at nagtitinda ng paso. O mananahi at pulitikang bugok. Oportunista silang lahat sa magandang luto ng diyos...

Sabi nila ganoon daw talaga ang buhay. Kapag minamalas ka ay kakainin ka ng buhay. Saan man ako mapadpad ay may baklang umaakbay. Lalo na no'ng nag-kolehiyo ako, putang-ina! gusto ko nung pumatay...

At ngayon ay kwarenta y dos anyos na ako. Ligtas na ako sa mga baklang abusado. Hindi ko nila-lahat na lahat ng bakla ay manyakis na gago. Ang alam ko lang, basta bakla, titi ang nasa ulo...




PAUMANHIN SA LAHAT NG BAKLA: ang magalit jejeje


PAUNAWA: Patnubay ng mga magulang ay kailangang-kailangan.





:-P

Miyerkules, Mayo 5, 2010

Ibong-sayaw




Lipad na! ibong mananayaw. Lasapin mo ang ligaya, lasapin mo ang layaw. Sinusubaybayan kita ng halos araw-araw. Ito na ang panahon na tawagin kang sayaw-sayaw...

Lipad! Lipad! Sa hangin ay umindak. Nilikha ka para igalaw mo ang dalawa mong pakpak. Paikut-ikot na ang nanay mo inaantay una mong lipad. Huwag kang mangangamba kung ikaw man ay bumagsak...

Balang-araw, balang-bukas. Ikaw na ang gagawa ng sarili mong pugad. Hahanap ng kapareha sa pagsasayaw ng walang kasing wagas. At muling isasalin ang espiritu ng paglipad...


Lipad!, sayaw!, inaalok ka na ng hangin. Tingnan mo ang paligid sa talas ng iyong paningin. Ano ang hitsura ng buhay kapag nasa itaas ang tingin? At harinawa'y makabalik ka ng maayos na masaya at buo pa rin...



"Fake it, fake it, until you make it." -Dr from India


^