TULOY PO KAYO

Maligayang bati sa iyong pagbisita. Harinawari ay masiyahan ka sa mga salitang iyong mababasa at litratong iyong makikita. Ngunit maaari rin na malungkot ka at magdalamhati, magalit o matawa, mainis o masuka, o gumulong sa katatawa. Natural lang yon, tao lang, tuloy ang basa.

Paunang Salita

Ang bawat letra, salita, pangalan, lugar at sari-saring pa-ek-ek na kabaduyan at matitinong kahulugan ay kathang-isip lamang at hindi ito ginawa para maka-sakit ng tao. Wala ding nasaktan na mga hayop at insekto habang ginagawa ang "blog" na ito. Pakisuyo lang po..."Mag-alis ng muta, bago bumangon. At huwag mahiga buong maghapon."

Pero, paminsan-minsan ay may mga "blog" din na hinango sa totoong buhay, totoong kapighatian, totoong kaligayahan, totoong kabiguan at totoong tagumpay. Paunawa lang po..."Bawal mangulangot sa jeep."

Martes, Hunyo 30, 2009

□"Problematic"□




□Ohh! Ohh! Naka-simangot ka na naman. Ganyan ka ba palagi? Ay nak-koww!., masama na yan. Paasim ng paasim, parang pinutos na suman. Gusto mo ba na magmukhang kuyukot sa katagalan?...
Bawat problema ay may solusyon. Bawat ilusyon ay may imahinasyon. Tulad ng atras at ng sulong. Kung hindi ka a-"action", walang lilitaw na "reaction"...
Yun na yon!.








:Huwag sumimangot ng hindi mag-mukhang kuyukot:

□□□□□■□□□□□

"Red Min Pin"




☆Ang aso ko'ng "min pin" ay mahilig mag pa-"cute". Mahilig mag-drama, takot naman sa kulog. Kapag iniwan mo, mukha ay lumulungkot. Kapag nandyan ka na. Labas ang dila, nagkukumahog... (awww!hha..haa..aww!)
Kung tutuusin ay para din s'yang tao. Na nalipat lang sa katawan ng aso. Kung sa "loyalty award" walang katalu-talo. Basta may "food", palagi kang panalo. (kaw!ikaw!kaw!bow!wowwow...)
Ang ugali lang ng aso. Maka-teritoryo. Madamot sa pagkain, lalo sa kapwa n'ya aso. Kung kumain ay sagad!, todo-todo! Walang kabubusugan. May tao ba'ng ganito? (..gggrrri..d...aww!)
Wala naman siguro, hindi ako sigurado. Asong nasa?, katawan ng tao?. Sa sine meron, sa pagkakaalam ko. Malay natin, 'di tayo sigurado. Baka meron doon sa malaking palasyo. (aaahhw.who.oouuhh..) (gggrrrr..greed.dd..aw!) (AAWWW.WHO..OUU..)

(BOW! WoW! BOW!)

Lunes, Hunyo 29, 2009

¥"David and Goliath"¥




◎Biktima ng makapangyarihang batas. Itong dalawang batikan na walang kupas. Ang isat isa'y hindi umaatras. Kahit anong unos, hindi tumatakas...(owws, talaga¿)..
Pareho silang alipin. Tau-tauhan ng pangangailangan. Handang ibuwis ang buhay. Masunod l'ang utos ng may kagustuhan. (Sino yon?)...

Ang "MAS". Ang mas pa sa mas. Ang pinaka sa mas. Ang walang kaligayahang mas. Ang mas pa kay Hestas. (aahhh...si Hudas.)...
Hindi! Si bara-bara na may bas-bas. Pero wala siyang balbas. Na pinalilibutan ng sangkatutak na ungas. Na kapag naghubad, balat ahas. (aahh!.si Barabas!)...
Malayo sa "U" pero malapit sa "A". Kapatid ni "H", pero hindi si "Y". Galit kay "E", Pero gusto ni "M". Gamit ng "L", pero ayaw ni "B".(nalintikan na!..sirit na.)...


Hindi ko rin kilala...
(Ngek!!!)


¥?¥?¥?¥?¥

Linggo, Hunyo 28, 2009

±"Untitled "±



±Bawat likha ay may dahilan. Bawat bagay ay may pinag-gagamitan. Sa bawat butas ay may dumadaan. Sa bawat asal ay may kabuluhan..(tulad ng ano?)...
Kung ang muta ay sa mata. At ang kulili ay sa tainga. Ang kulangot ay sa ilong at sa ngipin naman ay tinga. Ano kaya ang sa kuyukot? Dapat bang sabihin pa?(wagna..wagna..)...
Kapag may ugnayan, may sistema. Kapag may proseso, may resulta.
Kapag may kumunidad, may kultura...(gano'n lang yon! Kasimple)...
Walang lumundag na hindi bumagsak. Palaka man yan o tipaklong na payat. Walang pumikit na hindi nagmulat. Kahit ka pa duling, kahit ka pa bulag..(eyy yung gulat..pa'no?)..


Eyyy..'di bahala ka na. Malaki ka na.


±±±±±±±±±±±±±±±±

Biyernes, Hunyo 26, 2009

≈"Alamat ng Pader"≈



≈Pamilyar ka ba sa ganitong alamat. Nakamulatan na natin 'to sapul ng tayo ay ipinanganak. Nababasa natin ito saan man tayo mapadpad. Kahit saang sulok, kahit saang bungad.. (Bawal Umihi dito!...doon pwede)..
Sa unang banda ay may mali dito. Yung dapat na "U", ginawa niyang "O". Gusto kong tumawa, pero napa-isip ako. Syanga pala wala ako sa aking teritoryo... (hahaha,haha..um!.gago!)..
Baybayin nga natin mga pinagmulan ng letra. Ke tagalog ka o bisaya, ilukano o bikolana. Sa "ALIBATA", ang "o" at "u" ay iisa. Ganon din ang "e" at "i" ay magka-pareha.. (uuhhuu..pwede,uhhu..)...
Alalahanin din natin na ang Pilipinas ay isla. Hindi lang iisa kundi mas higit sa marami pa. Sa bawat pagtawid, sa ibat-ibang pulo nitong balsa. Salita din ay tumatawid, nag-iiba ang tunog, naiiba ang letra..(naeeba.. ..naeebak aku..)...
Minsan ang tama sa atin, sa iba ay mali. At ang tama sa iba, sa atin ay mali. Kaya kung ikaw ay pirmi lang, sa iyong haus o "crib". Subukan mong lumabas, pumunta sa lugar na iba ang "speech". Wala kang makikitang tama, lahat sa iyo, ito ay pag-kaka-mali...(unsa man na..unsa man ni)...
Kaya ang payo ko sa iba ay lumabas. Kulang ang dalawampung-taon para ikutin ang "Pilipinas". At nang ang diskriminasyon ay mabawasan sa utak. Mga pintasero!, mga pintasera!. Subukan ninyo ang maglayag...(pag-syor oy¡)..
Huwag ng mag-isip. Lumabas ka dyan at minsan kang mag-pa-init. Maglakad-lakad sa pader ng daig-dig . Basahin ang nilalaman. May mga alamat itong bit-bit..(yun o¡..you know)...


:mula:- sa pader ni pader Damaso Minamaso.


AEIOU UOIEA AEIOU(Optimus Prime)

Huwebes, Hunyo 25, 2009

≈"WhiteSand"≈





≈Sa bayan kong sinilangan ay walang ganito. Doon kasi sa Paete ay ilog, lawa at talon na mabato. Kaya naman sa unang apak sa puting buhangin na ito. Sa utak ko'y nagtatalo, ang mga tanga at ang mga gago.(.ano ito¿ ano yun¿)...
Manghang-mangha, takang-taka. Akala ko'y babae lang ang nagdadala ng ganda. Pati pala dagat at maliliit na isla. Talaga namang mapapa-mura ka!...(hanep¡putch_¡)...
Padami ng padami mga tanong sa utak. Bakit asul ang dagat?, bakit kaya maalat? Bakit puti itong buhangin? Nasobrahan ba sa kula?, nasobrahan ba sa babad? Ano yung nasa ilalim?, parang malalaking utak..¿. (gumagalaw.. ..gumagalaw..¿¡¡¿)...
Kita ang sikat ng araw hanggang sa paglubog. Takang-taka pa rin sa buhangin na parang pulbos. Wala yata ito sa alam kong sampung-utos? Kung bakit pumipino at hindi nauubos?.. (gago!¡ gawa yan ng alon¡)...
Eiyy! ano naman itong parang mga buto? Buto ba ng hayop, buto ba ng tao? Meron pang suso na takbo ng takbo. Talangka ba yon? Na nasa loob ng suso.¿..(suso in english - shell)...
Uyy, meron pang gulaman. Lumalangoy, palutang-lutang. Meron ding bilog maraming mata at tinikan. May lubid pa na ang kulay ay halinhinan. Itim at puti lumalangoy sa karagatan..('tado ka wag mong hahawakan yan!)...



Nilagnat ako kinabukasan...
(Regards daw from Jelly F, C Archie, at Wally)

BABALA: umiwas sa mga pangalan na nabanggit. Mapanganib!


≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈

≈"Ang Kubo"≈



~Kubo sa isla nitong paraiso. Para kang prinsesa o prinsipe kapag ikaw ay nandirito. Dahil hindi ito, pangkaraniwang kubo. May banyo, may kubeta, at isang kama'ng malaki na nakaharap sa malawak na espasyo...
Ang buwan at araw ang tangi mong kaulayaw. Sa luntiang dagat lumangoy, magtampisaw. Sa higanteng talisay, ililim ang layaw. Tumugtog, sumigaw, umawit, sumayaw...
"This is life". Sarap ng buhay. Walang gastos, walang ingay. Walang tao'ng nakikipag-away. Walang asungot, walang pasaway...
Kung ako ang tatanungin ay kuntento na ako. "Okey" na sa akin ang tumira sa kubo. Kahit iisang libo ang pera ko sa bangko. Ay maigugugol ko na sa eskultura, pintura at musika ang buhay ko...

Ang buko...bow..
este!.. Ang kubo. BOWWAWOW


:mula:- sa isla buenavista -Panalo ka!



~~~~≈~~~~

Miyerkules, Hunyo 24, 2009

ㄨ"K.K.B."ㄨ




≈Ala-una na ng hapon. Ganito ang panahon. "Foggy" ang paligid, pero walang ambon. Madilim ang langit, tumatakbong walang gulong. Parang may lalabas na dambuhalang pagong...
Mga ilang minuto pa'y umulan na ng malakas. Parang hindi titigil, parang hindi magwawakas. Papalaki ng papalaki ng papalaki ang patak. Parang gustong butasin ang bubong sa lakas...
Unti-unti ng umaagos ang tubig. Sa mga kalsada maging sa gilid-gilid. "Okey" lang sana kung tubig na malinis. Kaso puro basura, tae at putik...
May patay pang pusa, daga at mga ipis. Meron pang ANO YON!, nakabalot sa "big" plastik? Lumawit pa ang paa, nakatali pa sa leeg. Lumabas ang ulo, may "masking tape" pa ang bibig...

Tsk tsk tsk tsk..
Baka na- "salvage".
Sayang na "barbie doll" sabi nitong batang makulit...

ㄨㄨㄨ≈ㄨㄨㄨ


^"No Superhero"^




Ako yung tao na mahirap makumbinse. Mataas ang "level" ko. Hindi basta-basta nadadale. Kung baga ay pwedeng ipaanod sa ilog o iwanan sa ere. Buhay pa rin na parang sinu-swerte...
Ako rin yung tao na pwedeng pagtulungan. Tadyakan, sampalin o tadtarin mo man. Pwede mo ring pagbuhusan ng galit pwede ring iyakan. Pwede mong sindihan, pwede mong paapuyan...
Pero hindi ako isang "superhero". Mas lamang lang ng konti sa mga sira-ulo. Pagsamahin mo yung tanga at gago. Idagdag mo pa si ugok at tarantado. Malamang na sigurado na yong ako...
Kung hindi mo ma-"picture" ay huwag mo ng pilitin. Isipin mo man ng isipin, hindi mo kayang arukin. Sasakit lang ang ulo mo, iyo mo na lang basahin. Mae-"enjoy" ka pa habang isip ay lumalalim...
At dito sa aking huling "stanza", mapapa-isip ka kung may punto de bista. Sasagutin ko yan ng walang kakaba-kaba. Bilib ako sa iyo!, nakabasa ka ng isang tulang walang kwenta...

:yon lang yon:
hahaha...hahaha


:-D

#"T.N.G."#




#Malalim na ang gabi, antok na pero hindi makatulog. Hindi dahil sa mainit o sa nilalamok. Kundi dahil sa gamot na ininom na pantanggal ng sipon, pantanggal ng uhog. At dahil na rin kahapon, maghapon akong tulog...
Hapon na ng magising. Gising na'y antok pa rin.
Dahil sa gamot na katiting. Hanggang ngayo'y hilo pa rin...
Gustong humiga kapag nakatayo. Pag nakahiga nama'y gustong bumangon, gustong tumayo. Hindi kaya iba ang nainom kong gamot?, hindi pang-tao kundi pang-hayop. Aba'y naku! Aba'y naka! Aba'y lalabas kang katatanga.... Tingnan ko ang "label" don sa basurahan. Baka sa aso yong nainom ko, dalawa pa naman. Naalala ko kasi nitong mga araw na nagdaan. Nagpunta nga pala ako no'ng isang araw sa"veterinarian"...
Problema'y 'di ko makita. Sge na nga lang, bahala na. Ipapaubaya ko na lang sa aking sistema. Hindi pa naman ako nag-tatae, hindi pa naman ako nagsusuka. Oobserbahan ko pa ng mga ilang oras, kung nagkamali ako kanina...


:- BWAHhhahahaha... kata-tanga... BWAHhhahahaha...


:@ :@ :@ :@ :@ asar¡




China Service Mall







China Service Mall



My Opera community - blogs and photo sharing

Martes, Hunyo 23, 2009

≈↑↓"HIGOP"↑↓≈




ㄍSobra ang init kanina. Pati ngayong gabi, walang hangin na humahalina. Mukhang may humihigop? May bagyo ba? Dito sa "Davao", ganito ang eksena....
Tahimik ang langit. Mga puno ay nagtititig. Hindi gumagalaw ang mga dahon, walang hanging umiihip...
Hindi rin ibinuhos ng langit ang ulan. Makapal na ulap, hindi ko alam kung pasasaan. Ang alam ko lang ay walang kahangin-hangin. At siguradong may bagyo kung saan...

:mula:- kay Tsong na kung tawagin ay asong-gala

≈↑↓≈↑↓≈↑↓≈↑↓≈




China Service Mall







China Service Mall



My Opera community - blogs and photo sharing

Lunes, Hunyo 22, 2009

◎"Shawarma"◎



◎Heto ang pinaka-panalo. Sigurado akong magkakasundo tayo. "Shawarma", pagkain ng arabo. Mura na sa kwarenta-i-singko...
Sa unang kain ay sinikmura ako. Mukha yatang nanibago, itong bituka ko. Sanay kasi sa kamote at "bananaque". Bihira maka-karne itong lalamunan ko...
Ang alam lang nito'y tuyò at adobo. Hindi baboy ha! Kang-kong na inadobo. Buti na lang dumadalas "shawarma" sa plato. Si insan, galing "Saudi", "shawarma" ang laging hanap nito...


Syempre kasama lagi ako. hehehe

:mula:- sa paulit-ulit na hirit ni Ado Bokong.

Patikim! Damot!


◎◎◎△◎◎◎






China Service Mall







China Service Mall



My Opera community - blogs and photo sharing

≥"North Face"≤




【Punta naman tayo sa tindahan ng sapatos. Panalo 'to!, masarap isuot. Matagal mabutas, matagal mapudpod. Malambot sa paa, magaan na pangbundok...
Ang lakas ng dating kapag "North Face" ang iyong sapatos. Kung baga sa "chick" ika'y mapapakembot. Dagdag yabang pag ito ang iyong suot. Kaya maging sa bahay, pirmi kang naka-sapatos. HAMBOG!...
Tara na pasok na! Pili na sir, sabi ng tindera. Ano po bang kulay ang inyong kursunada? Bigyan mo ako ng tatlo. Sukat lang ha! Hahaha...

:ayon:- sa masarap na sapatusing si Boy Yabang.

ㄨㄨㄨ■ㄨㄨㄨ




China Service Mall







China Service Mall



My Opera community - blogs and photo sharing

"LACOSTE"



■Ito naman ang paborito kong damitan. Hindi nga lang ako bumibili. Gusto ko lang tingnan. "Super" mahal kasi, sa "tag" ay "thousand-thousands". Malulula ka sa presyo nitong damit na pangmayaman...
Sa ukay-ukay don ako bumibili. "Fifty pesos" lang, ang "t-shirt" na "suave". Kung may 500 ka, marami ka ng mabibili. "Imported" pa nga, may "lacoste" din at "gucci"...
Sa panahon daw ngayon, kailangan maging wais. Sa pagbili ng gamit, sa pagbili ng damit. Lalo na ngayong buong mundo'y nasa krisis. Eh lalo na dito sa Pilipinas, araw-araw, buwan-buwan, taon-taon, KRISIS!...


:mula:- sa sabi ni mapormang Kris.


■■■■□■■■■




China Service Mall







China Service Mall



My Opera community - blogs and photo sharing

▲"PIZZA"▲




▲"Ito ang kainan na gustong-gusto kong puntahan. Sa sarap ng "pizza" parang ayaw mong tigilan. Madaming "cheese" at "toppings" na mapagpipilian. Ang sarap talaga, hinding-hindi pagsasawaan"...
Yon ang sabi nitong mamang naka-kurbata. May dalawa pang "box" na "pizza"-ng dala-dala. Paborito daw yon ng anak nyang si Pricila. Nakikinig lang ako sa istorya niya. Habang ako'y natatakam sa halimuyak nitong "pizza"...


:mula:- sa kwento ni Bertong magpuputo.

▲▲▲◎▲▲▲




China Service Mall







China Service Mall



My Opera community - blogs and photo sharing

◎Dunkin' Donut◎




◎Ito na talaga, walang biro, walang bola. Pagnapagod sa kakatingin ng mamahaling paninda. Dito ako nagmemerienda. Busog na sa unga. "Buy one take one" pa...
Ito na yata ang pasyalan ng lahat. "In" na "in" ang "mall" para sa mga tamad. Hindi halata, kunwari'y may hinahanap. Nag-aabang ng kakilala na mag-lilibre ng "donut"...
Gumagabi na, madilim na ang langit. Pwede ng umuwi, magsasara na ilan na lang saglit. Nasa bahay na si kuya, may pasalubong na pansit. Magkita na lang tayo, bukas na lang ulit...

mula:- sa kwento ng lakwatserang si Naki K. Tira


"◎◎◎"




China Service Mall







China Service Mall



My Opera community - blogs and photo sharing

▲"Samal Island"▲




▲Halos sing-laki lang ng "Singapore" itong "Samal Island". Kilala na ngayon na "Island Garden City of Samal". Nandito ang "Pearl Farm" at ang dating "EkRAN". Meron ding "cave" at "waterfalls" na mainam...
Marami ring "resorts" na mapapasyalan. Syempre "white beach". Kasing-puti ng kaputian. Pwede mo ring ikutan, "island hopping", uyy!, sama ako dyan. Sarraaapp!.. Sarap pasyalan....
Sa kabila nito ay may dalawang "islands". Ang "small ligid island" at "big ligid island". At paglumibot pa ay may isa pang "island", may resort na "Isla Reta" sa "Talicud Island"...
Hanggang dito lang, baka kung saan pumadpad pa. Baka maligaw pag mag da-"dive" pa. Pero "okey" din para mas masaya. Huwag lalayo baka mapunta ka ng "Indonesia"...


:kuha:- ang larawan na ito sa "small ligid island" (The Island Buenavista), habang napatawag si Eman Cadayona at Saida Cagandahan (taga-Paete) na nasa Eden Nature Park ... Sayang at hindi kami nag-abot.


▲▲▲△▲▲▲




China Service Mall







China Service Mall



My Opera community - blogs and photo sharing

Linggo, Hunyo 21, 2009

★"Happy Father's Day"★



★"Happy Father's Day" sa lahat ng "daddy", tatay at ama. Kahit gaano ka kabalasubas o kasing bait ng estatuwa. Araw mo ngayon, kaya dapat lang na magpakasaya ka. Kahit walang bumati, "okey" ka...
Aba'y ewan ko nga, kung sino ang nagpa-uso? Panahon pa yata yan ng "ancient" Ehipto. Isang bata na nagbigay ng sulat sa ama nito. Tanda ng araw para sa mga ama na ini-idolo. Pero ewan ko rin, 'di ako sigurado...
Pero 'di na importante yon. Importante nga e' araw mo ngayon. Buong-mundo, ito ang itinutugon. Kahit saang "t.v." at "radio station". Kaya "Happy Happy Father's Day" sa iyo ngayon...

:mula: sa akin na tatay din at ama sa loob ng lumipas na panahon.

★★★★↑★★★★




China Service Mall







China Service Mall



My Opera community - blogs and photo sharing

Sabado, Hunyo 20, 2009

◇"FILIPINA"◇



◇Hanggang saan ka dadalhin ng iyong halimuyak at ganda? Saan mang sulok ng mundo nakikilala ka. Maging mga dayuhan, 'di magkamaliw sa iyong gayuma. At sa paglipas ng maraming dekada. Mga pinay, lalong gumaganda...
Tumingin ka lang sa iyong likuran. Meron ng maganda na masisilayan. O kahit dyan sa kanto, dyan sa may tindahan. Antay ka lang, may bibiling dalagang mainam...
Dangan nga lamang, maging tapat ka kaibigan. Sa iyong mamahalin na pilipinang mainam. Dahil kung hindi, naku!, wag naman. Baka matulad ka sa akin. Parang kinulam ng siyam...


:mula:- sa usapan ng mga nag-iinuman sa kabilang tindahan ayon sa binatilyong syota ng baklang si Ju-ann.

◇◇◇♀♀♀◇◇◇




China Service Mall







China Service Mall



My Opera community - blogs and photo sharing

^"ILAW"^



Tan-awa kini, ilaw na maliit. Kanina pa yang paligid-ligid. Sa kampana, sa tore, sa pusali nitong langit. Ano kaya ang ibig?, ano kaya ang gustong ipahiwatig?...

^^^◎^^^

:kuha::mula:- kahapon alas-singko sa hapon habang nagkukwento ng karanasan sa buhay-buhay ang binabaeng si Nef


◆◆◆♀♂◆◆◆




China Service Mall







China Service Mall



My Opera community - blogs and photo sharing