TULOY PO KAYO

Maligayang bati sa iyong pagbisita. Harinawari ay masiyahan ka sa mga salitang iyong mababasa at litratong iyong makikita. Ngunit maaari rin na malungkot ka at magdalamhati, magalit o matawa, mainis o masuka, o gumulong sa katatawa. Natural lang yon, tao lang, tuloy ang basa.

Paunang Salita

Ang bawat letra, salita, pangalan, lugar at sari-saring pa-ek-ek na kabaduyan at matitinong kahulugan ay kathang-isip lamang at hindi ito ginawa para maka-sakit ng tao. Wala ding nasaktan na mga hayop at insekto habang ginagawa ang "blog" na ito. Pakisuyo lang po..."Mag-alis ng muta, bago bumangon. At huwag mahiga buong maghapon."

Pero, paminsan-minsan ay may mga "blog" din na hinango sa totoong buhay, totoong kapighatian, totoong kaligayahan, totoong kabiguan at totoong tagumpay. Paunawa lang po..."Bawal mangulangot sa jeep."

Miyerkules, Hunyo 24, 2009

^"No Superhero"^




Ako yung tao na mahirap makumbinse. Mataas ang "level" ko. Hindi basta-basta nadadale. Kung baga ay pwedeng ipaanod sa ilog o iwanan sa ere. Buhay pa rin na parang sinu-swerte...
Ako rin yung tao na pwedeng pagtulungan. Tadyakan, sampalin o tadtarin mo man. Pwede mo ring pagbuhusan ng galit pwede ring iyakan. Pwede mong sindihan, pwede mong paapuyan...
Pero hindi ako isang "superhero". Mas lamang lang ng konti sa mga sira-ulo. Pagsamahin mo yung tanga at gago. Idagdag mo pa si ugok at tarantado. Malamang na sigurado na yong ako...
Kung hindi mo ma-"picture" ay huwag mo ng pilitin. Isipin mo man ng isipin, hindi mo kayang arukin. Sasakit lang ang ulo mo, iyo mo na lang basahin. Mae-"enjoy" ka pa habang isip ay lumalalim...
At dito sa aking huling "stanza", mapapa-isip ka kung may punto de bista. Sasagutin ko yan ng walang kakaba-kaba. Bilib ako sa iyo!, nakabasa ka ng isang tulang walang kwenta...

:yon lang yon:
hahaha...hahaha


:-D

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento