TULOY PO KAYO

Maligayang bati sa iyong pagbisita. Harinawari ay masiyahan ka sa mga salitang iyong mababasa at litratong iyong makikita. Ngunit maaari rin na malungkot ka at magdalamhati, magalit o matawa, mainis o masuka, o gumulong sa katatawa. Natural lang yon, tao lang, tuloy ang basa.

Paunang Salita

Ang bawat letra, salita, pangalan, lugar at sari-saring pa-ek-ek na kabaduyan at matitinong kahulugan ay kathang-isip lamang at hindi ito ginawa para maka-sakit ng tao. Wala ding nasaktan na mga hayop at insekto habang ginagawa ang "blog" na ito. Pakisuyo lang po..."Mag-alis ng muta, bago bumangon. At huwag mahiga buong maghapon."

Pero, paminsan-minsan ay may mga "blog" din na hinango sa totoong buhay, totoong kapighatian, totoong kaligayahan, totoong kabiguan at totoong tagumpay. Paunawa lang po..."Bawal mangulangot sa jeep."

Miyerkules, Hunyo 24, 2009

#"T.N.G."#




#Malalim na ang gabi, antok na pero hindi makatulog. Hindi dahil sa mainit o sa nilalamok. Kundi dahil sa gamot na ininom na pantanggal ng sipon, pantanggal ng uhog. At dahil na rin kahapon, maghapon akong tulog...
Hapon na ng magising. Gising na'y antok pa rin.
Dahil sa gamot na katiting. Hanggang ngayo'y hilo pa rin...
Gustong humiga kapag nakatayo. Pag nakahiga nama'y gustong bumangon, gustong tumayo. Hindi kaya iba ang nainom kong gamot?, hindi pang-tao kundi pang-hayop. Aba'y naku! Aba'y naka! Aba'y lalabas kang katatanga.... Tingnan ko ang "label" don sa basurahan. Baka sa aso yong nainom ko, dalawa pa naman. Naalala ko kasi nitong mga araw na nagdaan. Nagpunta nga pala ako no'ng isang araw sa"veterinarian"...
Problema'y 'di ko makita. Sge na nga lang, bahala na. Ipapaubaya ko na lang sa aking sistema. Hindi pa naman ako nag-tatae, hindi pa naman ako nagsusuka. Oobserbahan ko pa ng mga ilang oras, kung nagkamali ako kanina...


:- BWAHhhahahaha... kata-tanga... BWAHhhahahaha...


:@ :@ :@ :@ :@ asar¡




China Service Mall







China Service Mall



My Opera community - blogs and photo sharing

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento