TULOY PO KAYO

Maligayang bati sa iyong pagbisita. Harinawari ay masiyahan ka sa mga salitang iyong mababasa at litratong iyong makikita. Ngunit maaari rin na malungkot ka at magdalamhati, magalit o matawa, mainis o masuka, o gumulong sa katatawa. Natural lang yon, tao lang, tuloy ang basa.

Paunang Salita

Ang bawat letra, salita, pangalan, lugar at sari-saring pa-ek-ek na kabaduyan at matitinong kahulugan ay kathang-isip lamang at hindi ito ginawa para maka-sakit ng tao. Wala ding nasaktan na mga hayop at insekto habang ginagawa ang "blog" na ito. Pakisuyo lang po..."Mag-alis ng muta, bago bumangon. At huwag mahiga buong maghapon."

Pero, paminsan-minsan ay may mga "blog" din na hinango sa totoong buhay, totoong kapighatian, totoong kaligayahan, totoong kabiguan at totoong tagumpay. Paunawa lang po..."Bawal mangulangot sa jeep."

Sabado, Disyembre 25, 2010

®putcha®



Muli akong umapak sa sahig na kawayan. Muling pumasok sa isip ala-ala ng nakaraan. Musika at kasiyahan, maging ang kalungkutan. Sabay-sabay silang pumapasok dito sa aking kaibuturan...

Pasko na pala alas-dose na ng umaga. Nagkakalampagan na ang mga plato, tara kainan na. Tinig nang sa kabilang-bahay maririnig, kain na!, tagay na! Maiingay, magagalas, pasko na nga palang talaga. Nagkalat na ang mga lasing, "peace man" sabi ng lasing na sisiring-siring. Aaayyous lang yun p're, "peace man" rin. Krismas kasi ngayon kaya drenk lang ng drenk. Kaso nakakasawa na pare, taun-taon na lang e ganito palagi. May batman may robin, may robin may batman. Meron pang "singing contest" paulit-ulit na lamang. E ano'ng magagawa mo!, e lakas tama ka na naman. Sge na lang inom, sige nga patagay nga dyan! Putcha ang lakas na ng tama ko! Putcha pare patugtugin mo naman 'to. "Relax" ka lang dyan p're, o heto o sindihan mo. Panget naman ng lasa 'tong yosi mo! Lasa ng lupa wala ka ba'ng "marlboro"?. Anak ka ng teteng at may nalalaman ka pang boro-boro. Pagtyagaan mo na lang yan. Putcha!, ang arte mo. Putcha may tsik o!, ang ikli ng syort. P'rang si Ann Curtis yun swabeng-"t.v. host". Pero pustahan tayo p're, mukha yang kulangot. Heto pare si mister porma. Dadaan yan dito tingan mo todo pustura. E-eksena na yan pare, si-simba...




..Y,




Blessed be he who expects nothing, for he shall never be disappointed. -Alexander Pope


Miyerkules, Disyembre 22, 2010

Ang Panaginip



Papikit na ang mata, palalim na ng palalim. Naglalakbay na ang isip padilim na ng padilim. At sa isang iglap ay tuloy-tuloy na ang sari-saring salin-salin...

Bawat panaginip ay iyong nam-namin. Dam-damin mo bawat eksena bawat adhikain. Dahil hindi na ma-u-u-lit pa kahit iyo pang pilitin. Isulat mo agad mula sa iyong pag-gising..

Ang panaginip ay hindi mo kayang diktahan. May sarili siyang daloy na hindi mo kayang pigilan. Hindi mo kayang putulin. Hindi mo kayang panindigan. Dito ang buhay mo'y parang ano, parang kuwan...

Para kang mano-nood ng sariling mong katawan. Habang ang isip mo'y sakop ng kung anong ano pa man. Para kang sinapian ng buong kalawakan. Para kang si ganito at para kang si ganyan...

Bihira na akong managinip, kaya sa bawat eksena ay tanda ko bawat kulay at hugis. Bawat salita, lugar at mga titik. Bawat pagmu-mukha maganda man o pangit...

At itinatak ko na sa aking pag-iisip. Na kailangan ay matatag kapag nananaginip. Mala-paraiso man o mala-demonik. Kapag sukol ka na't kumakaba na ang dib-dib. GI-SING lang dyan ang sagot at uminom ng pakonti-konting tubig...


Ayos!...




Libre lang mangarap. -Kamikazee




..Y,

Lunes, Disyembre 20, 2010

Anoto Sinoto Tayoto



Kailangan ako ng bukas, kailangan ako ng panahon. Kailangan ko'ng gumanap sa pagsubok ng maghapon. Kailangan ko'ng harapin bawat aking ma'salubong. Kailangan ko ng singko para sa pulubi'ng naka-kura ngayon...

Kailangan ako ng hangin, kailangan ako ng araw. Kailangan ako ng bundok at ng syudad na naka-si-silaw. Kailangan ako ng langit at nitong lupang-ibabaw. Dahil ako ang buod ng lahat-lahat nilang saklaw...

Hindi lang ako, pati siya at ikaw din. Akala mo ligtas kana, hindi pa 'uy, iyo nga'ng isipin? Wala naman talaga'ng ligtas dahil wala talagang panganib na darating. Tayo lang ang marunong-gumawa 'non, pagbawi ng kalikasan ang lagi nalang idinadaing...

Pero kung gusto mo'ng malaman kung ano ang sikreto. Nitong mahiwagang-batas sa kukote-ng-tao. At nagpapaikot din sa kalawakan nitong mundo. Lumabas ka at tumingala may bituin na katulad mo...

Pero kung umuulan ay huwag ka munang lumabas. Siguradong madilim at walang bituin sa itaas. Magpatila ka muna huwag kang mainip at sobrang-atat. E kung gusto mo'y sige tumakbo ka sa labas at asahan mo na lamang na magkakasakit ka bukas...

May kilala ka ba'ng tao na mahilig kumain. Yung tipong walang ginagawa kundi kumain lang ng kumain. Yung tipong kapag natuwa, kain!. Yung tipong kapag nalungkot, kain!..

Yung tipong...teka muna., pagod na ako, tulog na 'ko, antok-na-antok na ako...zzzz





Zzz u...



..Y,

Lunes, Disyembre 13, 2010

"Mr. I"



May mga bagay na kailangan ng gastos. Hindi s'ya tatakbo 'pag 'di ka gagastos. Pero mas marami daw ang ayaw gumastos. Kaya kadalasan ikaw ang gumagastos...

Nasanay na sinanay mo. Lumaking kapapalahingi naging abusado. Takbo ng takbo. Takbo ng takbo. Kaunting diperensya sa iyo tatakbo...

Kukura, hihingi, nang kung anu-ano. Pahiram ng ganyan, pahiram naman nito. Kulang na lamang ay hiramin ang itlog mo. At saka ang kaisa-isahan mo'ng milyon-milyong-piso...

Ayaw gumasta, wala daw pang-gastos. Tumatandang tamad, tumatandang bastos. Sarili ang iniisip at kahahambog pa gyud. Tigas ng mukha, kasing tigas ng bao ng niyog...

Ano nga ba ang gusto mo?, saan ka ba sinisipag? Ang sabi ng iba ay sadya ka raw na makunat. Minamana ba yon?, o sadyang hindi pinalad? Na biyayaan ng Lumikha ng kahit kaunting sipag...

Pero sabi mo'y madalas kang nag-iisip. Kung saan ka nga ba ba-bagay o kung ano ang iyong hilig. Mahilig kang lumangoy, mahilig kang sumisid. Bakit hindi ka maghukay unahin mo ang iyong isip...

At hindi baga madalas kang umiiyak. Sa mga palabas sa "t.v." na madramang-hinayupak. Bakit hindi ka mag-artista doon ay may bayad bawat luhang pumapatak. O kung ayaw mo naman e 'di toma na lang tayo d'yan sa tapat...

Lalasingin kita at pag-aaralan ko ang iyong utak. Didik-dikin ko ng pino saka ko ibibilad. Sisiguraduhin ko na walang "virus" na ina-amag. Kung pwede nga lang palitan ng "memory" yung nabibibili dyan yung "SD cards"?...

O sge na nga ganon talaga. Wala e hahaba lang ang istorya. Di na kita pipilitin di na kita isasalya. Wala e 'tigas talaga....







Between friends there is no need of justice. -Aristotle



..Y,

Biyernes, Disyembre 3, 2010

* sinto *




Ano kaya ang isusulat ko ngayon? Tungkol saan kaya?, ano?, at kailan kaya iyon? Ako na naman ba o ikaw, o itong drama ng panahon? Ano nga ba, ano nga ba?, ano nga ba'ng araw ngayon?...

Titig sa lupa, titig sa langit. Naghahanap ng salitang aangkop sa hilig. Tinitingnan bawat mukha, tao at paligid. Ano ang aagaw sa eksena sa mapaglarong-isip?...

At may dumaan babaeng mataba. Kasama ang isang payat at uugod-ugod na matanda. Habang patakbo-takbo itong babaeng bata. Saan kaya tutungo itong tatlong mahiwaga?...

Maya-maya ay may isang-baliw patawid-tawid sa kalye. Nakikipag-patintero sa mga sasakyang-bumibyahe. Pasigaw-sigaw siya sa hindi nakikitang imahe. At may hawak-hawak na walang-laman na bote...

At tumunog na ang kampana ng simbahan. Hudyat na ng simula para sa bagong kapalaran. At dumating na nga itong tunay na kaibigan. Lilikha na siyang muli para sa isa pang kabutihan...


Goodness is the only investment that never fails. -Henry David Thoreau




..Y,