TULOY PO KAYO

Maligayang bati sa iyong pagbisita. Harinawari ay masiyahan ka sa mga salitang iyong mababasa at litratong iyong makikita. Ngunit maaari rin na malungkot ka at magdalamhati, magalit o matawa, mainis o masuka, o gumulong sa katatawa. Natural lang yon, tao lang, tuloy ang basa.

Paunang Salita

Ang bawat letra, salita, pangalan, lugar at sari-saring pa-ek-ek na kabaduyan at matitinong kahulugan ay kathang-isip lamang at hindi ito ginawa para maka-sakit ng tao. Wala ding nasaktan na mga hayop at insekto habang ginagawa ang "blog" na ito. Pakisuyo lang po..."Mag-alis ng muta, bago bumangon. At huwag mahiga buong maghapon."

Pero, paminsan-minsan ay may mga "blog" din na hinango sa totoong buhay, totoong kapighatian, totoong kaligayahan, totoong kabiguan at totoong tagumpay. Paunawa lang po..."Bawal mangulangot sa jeep."

Miyerkules, Hunyo 24, 2009

ㄨ"K.K.B."ㄨ




≈Ala-una na ng hapon. Ganito ang panahon. "Foggy" ang paligid, pero walang ambon. Madilim ang langit, tumatakbong walang gulong. Parang may lalabas na dambuhalang pagong...
Mga ilang minuto pa'y umulan na ng malakas. Parang hindi titigil, parang hindi magwawakas. Papalaki ng papalaki ng papalaki ang patak. Parang gustong butasin ang bubong sa lakas...
Unti-unti ng umaagos ang tubig. Sa mga kalsada maging sa gilid-gilid. "Okey" lang sana kung tubig na malinis. Kaso puro basura, tae at putik...
May patay pang pusa, daga at mga ipis. Meron pang ANO YON!, nakabalot sa "big" plastik? Lumawit pa ang paa, nakatali pa sa leeg. Lumabas ang ulo, may "masking tape" pa ang bibig...

Tsk tsk tsk tsk..
Baka na- "salvage".
Sayang na "barbie doll" sabi nitong batang makulit...

ㄨㄨㄨ≈ㄨㄨㄨ


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento