TULOY PO KAYO

Maligayang bati sa iyong pagbisita. Harinawari ay masiyahan ka sa mga salitang iyong mababasa at litratong iyong makikita. Ngunit maaari rin na malungkot ka at magdalamhati, magalit o matawa, mainis o masuka, o gumulong sa katatawa. Natural lang yon, tao lang, tuloy ang basa.

Paunang Salita

Ang bawat letra, salita, pangalan, lugar at sari-saring pa-ek-ek na kabaduyan at matitinong kahulugan ay kathang-isip lamang at hindi ito ginawa para maka-sakit ng tao. Wala ding nasaktan na mga hayop at insekto habang ginagawa ang "blog" na ito. Pakisuyo lang po..."Mag-alis ng muta, bago bumangon. At huwag mahiga buong maghapon."

Pero, paminsan-minsan ay may mga "blog" din na hinango sa totoong buhay, totoong kapighatian, totoong kaligayahan, totoong kabiguan at totoong tagumpay. Paunawa lang po..."Bawal mangulangot sa jeep."

Lunes, Hunyo 22, 2009

▲"Samal Island"▲




▲Halos sing-laki lang ng "Singapore" itong "Samal Island". Kilala na ngayon na "Island Garden City of Samal". Nandito ang "Pearl Farm" at ang dating "EkRAN". Meron ding "cave" at "waterfalls" na mainam...
Marami ring "resorts" na mapapasyalan. Syempre "white beach". Kasing-puti ng kaputian. Pwede mo ring ikutan, "island hopping", uyy!, sama ako dyan. Sarraaapp!.. Sarap pasyalan....
Sa kabila nito ay may dalawang "islands". Ang "small ligid island" at "big ligid island". At paglumibot pa ay may isa pang "island", may resort na "Isla Reta" sa "Talicud Island"...
Hanggang dito lang, baka kung saan pumadpad pa. Baka maligaw pag mag da-"dive" pa. Pero "okey" din para mas masaya. Huwag lalayo baka mapunta ka ng "Indonesia"...


:kuha:- ang larawan na ito sa "small ligid island" (The Island Buenavista), habang napatawag si Eman Cadayona at Saida Cagandahan (taga-Paete) na nasa Eden Nature Park ... Sayang at hindi kami nag-abot.


▲▲▲△▲▲▲




China Service Mall







China Service Mall



My Opera community - blogs and photo sharing

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento