TULOY PO KAYO

Maligayang bati sa iyong pagbisita. Harinawari ay masiyahan ka sa mga salitang iyong mababasa at litratong iyong makikita. Ngunit maaari rin na malungkot ka at magdalamhati, magalit o matawa, mainis o masuka, o gumulong sa katatawa. Natural lang yon, tao lang, tuloy ang basa.

Paunang Salita

Ang bawat letra, salita, pangalan, lugar at sari-saring pa-ek-ek na kabaduyan at matitinong kahulugan ay kathang-isip lamang at hindi ito ginawa para maka-sakit ng tao. Wala ding nasaktan na mga hayop at insekto habang ginagawa ang "blog" na ito. Pakisuyo lang po..."Mag-alis ng muta, bago bumangon. At huwag mahiga buong maghapon."

Pero, paminsan-minsan ay may mga "blog" din na hinango sa totoong buhay, totoong kapighatian, totoong kaligayahan, totoong kabiguan at totoong tagumpay. Paunawa lang po..."Bawal mangulangot sa jeep."

Sabado, Hunyo 20, 2009

◇"FILIPINA"◇



◇Hanggang saan ka dadalhin ng iyong halimuyak at ganda? Saan mang sulok ng mundo nakikilala ka. Maging mga dayuhan, 'di magkamaliw sa iyong gayuma. At sa paglipas ng maraming dekada. Mga pinay, lalong gumaganda...
Tumingin ka lang sa iyong likuran. Meron ng maganda na masisilayan. O kahit dyan sa kanto, dyan sa may tindahan. Antay ka lang, may bibiling dalagang mainam...
Dangan nga lamang, maging tapat ka kaibigan. Sa iyong mamahalin na pilipinang mainam. Dahil kung hindi, naku!, wag naman. Baka matulad ka sa akin. Parang kinulam ng siyam...


:mula:- sa usapan ng mga nag-iinuman sa kabilang tindahan ayon sa binatilyong syota ng baklang si Ju-ann.

◇◇◇♀♀♀◇◇◇




China Service Mall







China Service Mall



My Opera community - blogs and photo sharing

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento