TULOY PO KAYO

Maligayang bati sa iyong pagbisita. Harinawari ay masiyahan ka sa mga salitang iyong mababasa at litratong iyong makikita. Ngunit maaari rin na malungkot ka at magdalamhati, magalit o matawa, mainis o masuka, o gumulong sa katatawa. Natural lang yon, tao lang, tuloy ang basa.

Paunang Salita

Ang bawat letra, salita, pangalan, lugar at sari-saring pa-ek-ek na kabaduyan at matitinong kahulugan ay kathang-isip lamang at hindi ito ginawa para maka-sakit ng tao. Wala ding nasaktan na mga hayop at insekto habang ginagawa ang "blog" na ito. Pakisuyo lang po..."Mag-alis ng muta, bago bumangon. At huwag mahiga buong maghapon."

Pero, paminsan-minsan ay may mga "blog" din na hinango sa totoong buhay, totoong kapighatian, totoong kaligayahan, totoong kabiguan at totoong tagumpay. Paunawa lang po..."Bawal mangulangot sa jeep."

Lunes, Hunyo 22, 2009

"LACOSTE"



■Ito naman ang paborito kong damitan. Hindi nga lang ako bumibili. Gusto ko lang tingnan. "Super" mahal kasi, sa "tag" ay "thousand-thousands". Malulula ka sa presyo nitong damit na pangmayaman...
Sa ukay-ukay don ako bumibili. "Fifty pesos" lang, ang "t-shirt" na "suave". Kung may 500 ka, marami ka ng mabibili. "Imported" pa nga, may "lacoste" din at "gucci"...
Sa panahon daw ngayon, kailangan maging wais. Sa pagbili ng gamit, sa pagbili ng damit. Lalo na ngayong buong mundo'y nasa krisis. Eh lalo na dito sa Pilipinas, araw-araw, buwan-buwan, taon-taon, KRISIS!...


:mula:- sa sabi ni mapormang Kris.


■■■■□■■■■




China Service Mall







China Service Mall



My Opera community - blogs and photo sharing

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento