TULOY PO KAYO

Maligayang bati sa iyong pagbisita. Harinawari ay masiyahan ka sa mga salitang iyong mababasa at litratong iyong makikita. Ngunit maaari rin na malungkot ka at magdalamhati, magalit o matawa, mainis o masuka, o gumulong sa katatawa. Natural lang yon, tao lang, tuloy ang basa.

Paunang Salita

Ang bawat letra, salita, pangalan, lugar at sari-saring pa-ek-ek na kabaduyan at matitinong kahulugan ay kathang-isip lamang at hindi ito ginawa para maka-sakit ng tao. Wala ding nasaktan na mga hayop at insekto habang ginagawa ang "blog" na ito. Pakisuyo lang po..."Mag-alis ng muta, bago bumangon. At huwag mahiga buong maghapon."

Pero, paminsan-minsan ay may mga "blog" din na hinango sa totoong buhay, totoong kapighatian, totoong kaligayahan, totoong kabiguan at totoong tagumpay. Paunawa lang po..."Bawal mangulangot sa jeep."

Martes, Hunyo 30, 2009

"Red Min Pin"




☆Ang aso ko'ng "min pin" ay mahilig mag pa-"cute". Mahilig mag-drama, takot naman sa kulog. Kapag iniwan mo, mukha ay lumulungkot. Kapag nandyan ka na. Labas ang dila, nagkukumahog... (awww!hha..haa..aww!)
Kung tutuusin ay para din s'yang tao. Na nalipat lang sa katawan ng aso. Kung sa "loyalty award" walang katalu-talo. Basta may "food", palagi kang panalo. (kaw!ikaw!kaw!bow!wowwow...)
Ang ugali lang ng aso. Maka-teritoryo. Madamot sa pagkain, lalo sa kapwa n'ya aso. Kung kumain ay sagad!, todo-todo! Walang kabubusugan. May tao ba'ng ganito? (..gggrrri..d...aww!)
Wala naman siguro, hindi ako sigurado. Asong nasa?, katawan ng tao?. Sa sine meron, sa pagkakaalam ko. Malay natin, 'di tayo sigurado. Baka meron doon sa malaking palasyo. (aaahhw.who.oouuhh..) (gggrrrr..greed.dd..aw!) (AAWWW.WHO..OUU..)

(BOW! WoW! BOW!)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento