TULOY PO KAYO

Maligayang bati sa iyong pagbisita. Harinawari ay masiyahan ka sa mga salitang iyong mababasa at litratong iyong makikita. Ngunit maaari rin na malungkot ka at magdalamhati, magalit o matawa, mainis o masuka, o gumulong sa katatawa. Natural lang yon, tao lang, tuloy ang basa.

Paunang Salita

Ang bawat letra, salita, pangalan, lugar at sari-saring pa-ek-ek na kabaduyan at matitinong kahulugan ay kathang-isip lamang at hindi ito ginawa para maka-sakit ng tao. Wala ding nasaktan na mga hayop at insekto habang ginagawa ang "blog" na ito. Pakisuyo lang po..."Mag-alis ng muta, bago bumangon. At huwag mahiga buong maghapon."

Pero, paminsan-minsan ay may mga "blog" din na hinango sa totoong buhay, totoong kapighatian, totoong kaligayahan, totoong kabiguan at totoong tagumpay. Paunawa lang po..."Bawal mangulangot sa jeep."

Lunes, Hunyo 29, 2009

¥"David and Goliath"¥




◎Biktima ng makapangyarihang batas. Itong dalawang batikan na walang kupas. Ang isat isa'y hindi umaatras. Kahit anong unos, hindi tumatakas...(owws, talaga¿)..
Pareho silang alipin. Tau-tauhan ng pangangailangan. Handang ibuwis ang buhay. Masunod l'ang utos ng may kagustuhan. (Sino yon?)...

Ang "MAS". Ang mas pa sa mas. Ang pinaka sa mas. Ang walang kaligayahang mas. Ang mas pa kay Hestas. (aahhh...si Hudas.)...
Hindi! Si bara-bara na may bas-bas. Pero wala siyang balbas. Na pinalilibutan ng sangkatutak na ungas. Na kapag naghubad, balat ahas. (aahh!.si Barabas!)...
Malayo sa "U" pero malapit sa "A". Kapatid ni "H", pero hindi si "Y". Galit kay "E", Pero gusto ni "M". Gamit ng "L", pero ayaw ni "B".(nalintikan na!..sirit na.)...


Hindi ko rin kilala...
(Ngek!!!)


¥?¥?¥?¥?¥

1 komento: