TULOY PO KAYO

Maligayang bati sa iyong pagbisita. Harinawari ay masiyahan ka sa mga salitang iyong mababasa at litratong iyong makikita. Ngunit maaari rin na malungkot ka at magdalamhati, magalit o matawa, mainis o masuka, o gumulong sa katatawa. Natural lang yon, tao lang, tuloy ang basa.

Paunang Salita

Ang bawat letra, salita, pangalan, lugar at sari-saring pa-ek-ek na kabaduyan at matitinong kahulugan ay kathang-isip lamang at hindi ito ginawa para maka-sakit ng tao. Wala ding nasaktan na mga hayop at insekto habang ginagawa ang "blog" na ito. Pakisuyo lang po..."Mag-alis ng muta, bago bumangon. At huwag mahiga buong maghapon."

Pero, paminsan-minsan ay may mga "blog" din na hinango sa totoong buhay, totoong kapighatian, totoong kaligayahan, totoong kabiguan at totoong tagumpay. Paunawa lang po..."Bawal mangulangot sa jeep."

Huwebes, Hunyo 25, 2009

≈"WhiteSand"≈





≈Sa bayan kong sinilangan ay walang ganito. Doon kasi sa Paete ay ilog, lawa at talon na mabato. Kaya naman sa unang apak sa puting buhangin na ito. Sa utak ko'y nagtatalo, ang mga tanga at ang mga gago.(.ano ito¿ ano yun¿)...
Manghang-mangha, takang-taka. Akala ko'y babae lang ang nagdadala ng ganda. Pati pala dagat at maliliit na isla. Talaga namang mapapa-mura ka!...(hanep¡putch_¡)...
Padami ng padami mga tanong sa utak. Bakit asul ang dagat?, bakit kaya maalat? Bakit puti itong buhangin? Nasobrahan ba sa kula?, nasobrahan ba sa babad? Ano yung nasa ilalim?, parang malalaking utak..¿. (gumagalaw.. ..gumagalaw..¿¡¡¿)...
Kita ang sikat ng araw hanggang sa paglubog. Takang-taka pa rin sa buhangin na parang pulbos. Wala yata ito sa alam kong sampung-utos? Kung bakit pumipino at hindi nauubos?.. (gago!¡ gawa yan ng alon¡)...
Eiyy! ano naman itong parang mga buto? Buto ba ng hayop, buto ba ng tao? Meron pang suso na takbo ng takbo. Talangka ba yon? Na nasa loob ng suso.¿..(suso in english - shell)...
Uyy, meron pang gulaman. Lumalangoy, palutang-lutang. Meron ding bilog maraming mata at tinikan. May lubid pa na ang kulay ay halinhinan. Itim at puti lumalangoy sa karagatan..('tado ka wag mong hahawakan yan!)...



Nilagnat ako kinabukasan...
(Regards daw from Jelly F, C Archie, at Wally)

BABALA: umiwas sa mga pangalan na nabanggit. Mapanganib!


≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈

1 komento: