
★Ang "market" sa Pilipinas ay palengke kung tawagin. Andito lahat ang pagkaing lulutuin. Isda, baboy, baka at gulay na mula sa bukirin. Meron ding tsinelas at damit na mumurahin...
Sa tabi ng bangketa ay may pagkain na tutuhugin. Tulad ng "fishball" at "squidball" na kay sarap kainin. May palamig na pantulak, matamis man o maasim...
Paborito ng bata at matanda, may ngipin o wala. Babae, lalaki, tumboy man o bakla. Ito'ng itlog na nilaga. Pamatid gutom sa sikmura'ng nagwawala...
Marami ring pang-sahog tulad ng toyo at suka. May bawang, sibuyas at siling mahaba. Pang marinada sa bangus na isda. O pang-adobo na paborito ng madla...
Dagsa ang tao pag sabado o linggo. Maraming mamimili, pang-isang linggong konsumo. Lalo na kung may papalapit na bagyo. Kailangang bumili at magmamahal na ito...
★△▲♀♂▲△★
China Service Mall
.

.
China Service Mall
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento