
↓↓↓ "Huwag mo akong salingin"., ang payo ng karamihan. Huwag daw munang humawak o humalik man lang. Beso-beso kaya?, bawal din yan. O ang makipag-kamay ay nasa alinlangan...
Bago daw itong sakit na nakukuha sa baboy. Nahaluan pa ng sakit mula sa tao at manok. Doon sa "Mexico" kumakalat, 'di maarok. Sa "Canada" at "America" mga tao ay nangatatakot...
Doon sa "China" mahigpit na sa "airport". Maging dito sa Pilipinas ay 'di ka basta makakapasok. Lalo kung ika'y galing sa lugar na natumbok. Dadaan ka sa "thermo scan", lagnat ay sinusubok...
Karne'ng baboy ay humina ang benta. Apektado nito'ng balitang 'di maganda. Mga tao ngayo'y nangag-aalala. Kaya tiis muna sa gulay at tinapa...
"Safe" naman daw kumain ng karne. Dangan nga lamang buti raw na dumiskarte. Mabuti na raw yong nag-iingat, upang 'di madale. Suguraduhing umiwas, makasama sa huling byahe...
×↓↓↓××↓↓↓×
China Service Mall
.

.
China Service Mall
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento