TULOY PO KAYO

Maligayang bati sa iyong pagbisita. Harinawari ay masiyahan ka sa mga salitang iyong mababasa at litratong iyong makikita. Ngunit maaari rin na malungkot ka at magdalamhati, magalit o matawa, mainis o masuka, o gumulong sa katatawa. Natural lang yon, tao lang, tuloy ang basa.

Paunang Salita

Ang bawat letra, salita, pangalan, lugar at sari-saring pa-ek-ek na kabaduyan at matitinong kahulugan ay kathang-isip lamang at hindi ito ginawa para maka-sakit ng tao. Wala ding nasaktan na mga hayop at insekto habang ginagawa ang "blog" na ito. Pakisuyo lang po..."Mag-alis ng muta, bago bumangon. At huwag mahiga buong maghapon."

Pero, paminsan-minsan ay may mga "blog" din na hinango sa totoong buhay, totoong kapighatian, totoong kaligayahan, totoong kabiguan at totoong tagumpay. Paunawa lang po..."Bawal mangulangot sa jeep."

Huwebes, Abril 23, 2009

¤"MANGKUKULAM"¤





☆Tototo ba ito? O kathang-isip lang. Tulad ng kapre at ng tikbalang. Duwende at manananggal. Nuno at mambabarang...
Babae'ng puti sa iyong likuran. Umangat ang paa. At sa kisame ay gumapang. Mahaba ang buhok, mukha ay matapang. Kukuhitin ka sa gitna ng kadiliman...
Kabayo ang ulo, tao ang katawan. Sa gabi ay pumapadyak do'n sa kagubatan. Mabalahibo, buhok ay kumikinang. Mapula ang mata nito'ng maitim na tikbalang...
Sa dambuhalang puno ay merong kapre. Malakas manigarilyo sa tabako nya'ng sindi. Palipat-lipat sa sanga ng balite. Nag-aabang ng magagandang babae...
May lumilipad sa 'di kalayuan. May pak-pak ng paniki. Akala mo'y bakawan. Ngunit kapag ito'y iyo'ng nilapitan. Duguan ang bibig. Putol ang katawan...
May maliliit na tao sa tabi ng ilog. Mahahaba ang balbas, abot hanggang tuhod. Sumbrero ay matutulis, mahapdi pag naka-tusok. Lalagnatin ka. Kamay ay mabubulok...
Balita ito sa bawat isla ng probinsya. Kung ikaw ay aalis, 'wag kalimutang mag-sama. Mababa na yong tatlo, marami na yong lima. At kung talagang matapang ka, pwede ka ring mag-isa. Magdala lang ng bawang, para pang-kontra...
Pero ang lahat ng iyon ay likha lang ng isip. Panakot lang yon sa mga batang makukulit. 'Wag na 'wag mo lang ito'ng iwawaglit. Dahil ang mangkukulam ang tunay sa lahat ng nabanggit. Huwag kang pahihipo. Huwag kang patatapik...

♀○◇□△△□◇○♂





China Service Mall


.



.
China Service Mall

Walang komento:

Mag-post ng Komento