TULOY PO KAYO

Maligayang bati sa iyong pagbisita. Harinawari ay masiyahan ka sa mga salitang iyong mababasa at litratong iyong makikita. Ngunit maaari rin na malungkot ka at magdalamhati, magalit o matawa, mainis o masuka, o gumulong sa katatawa. Natural lang yon, tao lang, tuloy ang basa.

Paunang Salita

Ang bawat letra, salita, pangalan, lugar at sari-saring pa-ek-ek na kabaduyan at matitinong kahulugan ay kathang-isip lamang at hindi ito ginawa para maka-sakit ng tao. Wala ding nasaktan na mga hayop at insekto habang ginagawa ang "blog" na ito. Pakisuyo lang po..."Mag-alis ng muta, bago bumangon. At huwag mahiga buong maghapon."

Pero, paminsan-minsan ay may mga "blog" din na hinango sa totoong buhay, totoong kapighatian, totoong kaligayahan, totoong kabiguan at totoong tagumpay. Paunawa lang po..."Bawal mangulangot sa jeep."

Huwebes, Abril 23, 2009

≈"DIVING"≈





★≈↓Tara "dive" tayo! Sa "Buenavista Island" tayo tutungo. Sa "big ligid" sisisid tayo. Pupuntahan natin ang kaka-ibang mundo...
Sa ilalim ng dagat ay iba ang kulay. Ang asul at pula ay may "lumina" na taglay. 'Di mo iisipin na ito ay buhày. Suma-sayaw-sayaw, kuma-kampay-kampay...
Malusog pa ito'ng "Philippine deep". Mga nakatira'ng isda sa iyo ay lumalapit. May malalaki, may maliliit. Wari ba'ng tuwang-tuwa sa ayos ng "reef"...
Para kang si "Peter Pan" kapag sumi-sisid. Sa "diving gear" mo'ng suot, naka-lilipad sa tubig. 'Wag ka lang pupunta sa malalim na yungib. May pating!, baka hindi ka makabalik...
Kailangan 'pag mag-"dive"., kayo ay dalawa. "Buddy" ka niya, "buddy" mo siya. Kasi kailangan "safety first" muna. Delikado, mahirap huminga...
Tamang-tama lang lalim na "50ft.". Masakit na sa tenga doon sa "80ft.". Para nang sasabog kapag sa "100ft." 'Wag ng bababa at ka-nginig-nginig. Baka lamunin ka na doon sa "thousand feet"...
Dito lang tayo sa "coral reef". Kunan ng "pictures" makulay na paligid. Iba't iba'ng korte, iba't iba'ng hugis. Kung sa mata pa'y parang katatamis...
Kahiwagaan ang una'ng maiisip. Hindi maipaliwanag ang ganda sa dib-dib. Matalinghaga sa ilalim ng tubig. Wala'ng kasuya-suya. Hindi'ng hindi ka maiinip..

★〃≈~↓≈↓~≈〃★


.





China Service Mall


.



.
China Service Mall

Walang komento:

Mag-post ng Komento