
▲ Simple lang ito'ng laro sa bukid. Sa sira'ng gulong. Ayos na ang paligid. Pagulong-gulong sa kalsada'ng bago'ng bihis...
Akyatan ng akyatan. Habulan ng habulan. Piko man o tubigan. Laro nila'y 'di pagsasawaan...
Uuwi lang pag tinawag ni nanay. Habang si tatay ay naghahakot ng palay. Tutulong muna sa gawaing-bahay. Saka maglalaro pagkatapos mag-sampay...
Iba ang kilos nito'ng bata sa bukid. Matatag ang mga buto. Isip ay matuwid. Alam bawat kilos kahit madilim ang paligid. At pag gabi'y may buwan, ang laro'y "hide and seek"...
Wala sila'ng drayber, wala sila'ng yaya. Walang nagmamasid. Walang nag-aalaga. Sila-sila lang ito'ng namamahala. Sa mundo nila, sila ang bida...
▲▲▲△♀♂△▲▲▲
China Service Mall
China Service Mall
China Service Mall
.

.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento