TULOY PO KAYO

Maligayang bati sa iyong pagbisita. Harinawari ay masiyahan ka sa mga salitang iyong mababasa at litratong iyong makikita. Ngunit maaari rin na malungkot ka at magdalamhati, magalit o matawa, mainis o masuka, o gumulong sa katatawa. Natural lang yon, tao lang, tuloy ang basa.

Paunang Salita

Ang bawat letra, salita, pangalan, lugar at sari-saring pa-ek-ek na kabaduyan at matitinong kahulugan ay kathang-isip lamang at hindi ito ginawa para maka-sakit ng tao. Wala ding nasaktan na mga hayop at insekto habang ginagawa ang "blog" na ito. Pakisuyo lang po..."Mag-alis ng muta, bago bumangon. At huwag mahiga buong maghapon."

Pero, paminsan-minsan ay may mga "blog" din na hinango sa totoong buhay, totoong kapighatian, totoong kaligayahan, totoong kabiguan at totoong tagumpay. Paunawa lang po..."Bawal mangulangot sa jeep."

Huwebes, Abril 30, 2009

★Eden Nature Park★




★Naka-lugar sa balikat ng bundok. Sariwa ang hangin, masarap matulog. Walumpung hektarya, iyo'ng malilibot. Kulang ang isang araw para ito ay maikot...
Mahilig ka ba sa "lettuce"?, o "salad"? May sarili silang taniman "hydroponic" ang tawag. Sa "Vista Restaurant", "Buffet" man o "Alacarte". Masarap kumain. Kalasap-lasap...
Maraming pasyalan "aviary" o sa "deer park"., "horse-back riding" o sa "skyrider" lumipad. May "prayer garden", "lola's garden" pwede kang maglakad-lakad. Sa kalikasang nilikha ni "God"...
Meron din sila dito'ng "Eden Art Center", Pwede kayo'ng matuto magpinta ng 'yong "partner". "Epoxy Sculpture" pwede mo ring ma-"learn", si Obet ang magtuturo, walang bayad, "special offer"...
Kung gusto mo naman na makita ang lahat. Merong "shuttle tour", may "tour guide" na nagpapaliwanag. Dadaanan nyo'ng halos, lahat ng pasilidad. Kaya tayo na! Sa "Eden Nature Park".

★★★★★






China Service Mall


.



.
China Service Mall

Walang komento:

Mag-post ng Komento