
★"Job Fair" ngayong araw na 'to. Pila balde ang naghahanap ng trabaho. Mekaniko, karpintero, at sari-sari pang ano-ano. Magandang pakulo mula sa ating gobyerno...
Sa dami ng nakatapos ng maraming kurso. "Nurse", "Engineer" "Architect" o Abogado. Nagkukumahog na mabawi, pera'ng naubos sa bangko...
Sa haba ng iginugol na panahon sa eskwela. Baon, pamasahe at damit na pang-porma. Si tatay, si nanay maluwag nang nakahinga. Nakapagtapos na rin ito'ng anak na kolehiyala...
Pakiusap lang nila ay huwag munang mag-asawa. Maghanap muna ng trabaho at kumita ng pera. Kung maari ay doon sa "America" o "Canada". Kay mas masarap daw kung "dollar" ang kinikita...
Tipikal na sa "Pilipinas" ang ganitong usapin. Hindi ka daw uunlad kung dito mo gagawin. Kaya gusto nila ay magdayo at magpaalipin. Doon sa malayo, trabaho ay susuungin...
▲▲▲♀♂▲▲▲
China Service Mall
.

.
China Service Mall
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento