TULOY PO KAYO

Maligayang bati sa iyong pagbisita. Harinawari ay masiyahan ka sa mga salitang iyong mababasa at litratong iyong makikita. Ngunit maaari rin na malungkot ka at magdalamhati, magalit o matawa, mainis o masuka, o gumulong sa katatawa. Natural lang yon, tao lang, tuloy ang basa.

Paunang Salita

Ang bawat letra, salita, pangalan, lugar at sari-saring pa-ek-ek na kabaduyan at matitinong kahulugan ay kathang-isip lamang at hindi ito ginawa para maka-sakit ng tao. Wala ding nasaktan na mga hayop at insekto habang ginagawa ang "blog" na ito. Pakisuyo lang po..."Mag-alis ng muta, bago bumangon. At huwag mahiga buong maghapon."

Pero, paminsan-minsan ay may mga "blog" din na hinango sa totoong buhay, totoong kapighatian, totoong kaligayahan, totoong kabiguan at totoong tagumpay. Paunawa lang po..."Bawal mangulangot sa jeep."

Huwebes, Enero 14, 2010

"2010"




Sa kanto ng kalsada, ganito palagi ang eksena. Araw-araw, tuwing umaga. Nakatumpon itong basura.

Saan kaya nanggaling? Saan kaya dadalhin? Sino ang nag-imbento na ito ay padamihin?

Maganda ba itong pamana para sa mga apo natin? Malamang sa hinaharap, marami silang poproblemahin.

Darating ang panahon kalawakan ay makakatikim. Nang sangkatutak na basurang pinagpyestahan natin.

Hindi nakapagtataka balat ng mcdonald sa Andromeda. O supot ng jollibee sa mga kalapit na planeta. Sirang gulong, sirang tv sa pusod ng supernova. Magsasawa sa katatapon sa lawak nitong galaktika...

Hala sige! TAPON pa!.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento