TULOY PO KAYO

Maligayang bati sa iyong pagbisita. Harinawari ay masiyahan ka sa mga salitang iyong mababasa at litratong iyong makikita. Ngunit maaari rin na malungkot ka at magdalamhati, magalit o matawa, mainis o masuka, o gumulong sa katatawa. Natural lang yon, tao lang, tuloy ang basa.

Paunang Salita

Ang bawat letra, salita, pangalan, lugar at sari-saring pa-ek-ek na kabaduyan at matitinong kahulugan ay kathang-isip lamang at hindi ito ginawa para maka-sakit ng tao. Wala ding nasaktan na mga hayop at insekto habang ginagawa ang "blog" na ito. Pakisuyo lang po..."Mag-alis ng muta, bago bumangon. At huwag mahiga buong maghapon."

Pero, paminsan-minsan ay may mga "blog" din na hinango sa totoong buhay, totoong kapighatian, totoong kaligayahan, totoong kabiguan at totoong tagumpay. Paunawa lang po..."Bawal mangulangot sa jeep."

Sabado, Marso 12, 2011

Self-portrait



Hindi ko na mabatid ang alay mo'ng pagmamahal. Pilit ko man na isipin ay parang sa iyo ay wala lamang. Minsan na nga lang tayong magkita, wala akong lambing na maramdaman. Ganyan ka nga ba'ng talaga o talagang wala ako sa iyong isipan...

Wala kang pinalalampas na tele-nobelang palabas. Andito lang ako sa tabi mo pero hindi mo ako hinaharap. Ano ba ako sa iyo?, pag-ibig ko naman sa iyo ay tapat. Mga titig mo sa akin ay para lamang mga sulyap...

Wala akong magawa kundi sa iyo ay maghintay. Maghintay ng maghintay at maghintay pa nang maghintay. Kapiling mo ba ako?, puso ko ay namamatay. Kumakaba ito'ng dib-dib sa hindi ko mawari na lumbay...

Nananabik, nagnanais na ako ay iyong mabatid. Naghihinagpis kong puso ay lumuluha na ng pait. Saan ako dadalhin nitong walang hangganan mo'ng pag,ibig? Pag-ibig nga ba ang tawag doon o isang masamang pag-ibig?..

Hanggang kailan, hanggang saan na ako ay magtitiis? Ako kaya tatagal pa sa ganitong paghihinagpis. Hindi ko na maisip kung ano ang nais mo'ng ipahiwatig. Saan ako dadalhin nitong ilog ng pait...

Hindi ako ganito bakit ako lumuiuha. Masayahin akong tao bakit ako nangungulila. Kailangan ko pa ba?, na sa iyo ay magmaka-awa. Para ako ay iyong mahalin at wakasan na ang pangungulila...



Remember that the most beautiful thing in the world are the most useless, peacocks and lilies for instance. -John Ruskin



..Y,



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento