TULOY PO KAYO

Maligayang bati sa iyong pagbisita. Harinawari ay masiyahan ka sa mga salitang iyong mababasa at litratong iyong makikita. Ngunit maaari rin na malungkot ka at magdalamhati, magalit o matawa, mainis o masuka, o gumulong sa katatawa. Natural lang yon, tao lang, tuloy ang basa.

Paunang Salita

Ang bawat letra, salita, pangalan, lugar at sari-saring pa-ek-ek na kabaduyan at matitinong kahulugan ay kathang-isip lamang at hindi ito ginawa para maka-sakit ng tao. Wala ding nasaktan na mga hayop at insekto habang ginagawa ang "blog" na ito. Pakisuyo lang po..."Mag-alis ng muta, bago bumangon. At huwag mahiga buong maghapon."

Pero, paminsan-minsan ay may mga "blog" din na hinango sa totoong buhay, totoong kapighatian, totoong kaligayahan, totoong kabiguan at totoong tagumpay. Paunawa lang po..."Bawal mangulangot sa jeep."

Lunes, Hulyo 20, 2009

●"pan"●




⊙ Meryenda muna tayo, kahit tinapay lang. Pangtawid gutom habang nasa daan. Habang naghihintay ng masasakyan. Hayun o.! may tindahan...

⊙ Mura lang, isa dalawang-piso. Aaa.. miss pabili nga ng tatlo. Ano nga pala yang tinapay mo? May palaman ba yang munggo?...

"Munai na ser! Wa'y palaman na munggo. Tag dos ang usa. Pila kabuok?"

⊙ Sampu na miss. Ibalot mo yung pito. Kakainin namin yung tatlo. Pahiram na rin ng baso. Tag-iisa kami ng mga kasama ko. Isama mo na rin yung Coke litro...

⊙ Heto bayad ko...

□ Saan nga pala ang punta natin? Magba-"bus" ba tayo? O "jeep" pa rin? Ilang araw tayo doon? Ano pa ang ating dadalhin? May alak ba doon sa pupuntahan natin?...

ㄘ "Relax" ka lang, ako na ang bahala. Maghintay ka lang dyan. Puro ka tanong, puro ka dada. O, heto, kumain ka muna. Magpalamig ka muna habang wala. O! Heto na pala... Tara! Tara!.. Para! Para! Baka tayo gabihin sasakay pa tayo ng bangka...

□ hhaaa?!..?!..!!!..

: mula sa tatlong berks na sina Lala Agan, Gala Ng at Zu Roy, na walang inatupag kundi ang magpunta kung saan-saan :

dyas por pan - ( just for fun )

☆☆☆☆★☆☆☆☆

Walang komento:

Mag-post ng Komento