TULOY PO KAYO

Maligayang bati sa iyong pagbisita. Harinawari ay masiyahan ka sa mga salitang iyong mababasa at litratong iyong makikita. Ngunit maaari rin na malungkot ka at magdalamhati, magalit o matawa, mainis o masuka, o gumulong sa katatawa. Natural lang yon, tao lang, tuloy ang basa.

Paunang Salita

Ang bawat letra, salita, pangalan, lugar at sari-saring pa-ek-ek na kabaduyan at matitinong kahulugan ay kathang-isip lamang at hindi ito ginawa para maka-sakit ng tao. Wala ding nasaktan na mga hayop at insekto habang ginagawa ang "blog" na ito. Pakisuyo lang po..."Mag-alis ng muta, bago bumangon. At huwag mahiga buong maghapon."

Pero, paminsan-minsan ay may mga "blog" din na hinango sa totoong buhay, totoong kapighatian, totoong kaligayahan, totoong kabiguan at totoong tagumpay. Paunawa lang po..."Bawal mangulangot sa jeep."

Martes, Pebrero 10, 2009

Paano


Papaano ipipinta ang dagundong ng langit?, ang maingay na paligid?, at ang nag-lukuksang pag-ibig?. Papaano maririnig ang hinagpis ng pintig?, ang kaligayahan ng isip?, at ang hamon ng guhit? Papaano malalasahan ang nilutong pagmamahal?, mga binusang ligawan?, at maka-uuhaw na tampuhan?. Papaano lalanghapin ang hininga ng lupa?, ang halimuyak ng kalawakan?, at ali-ngasaw ng kapighatian?.. Papaano?...
Papaano?...
Papaano kita...,
Mararamdaman?...




China Service Mall

Walang komento:

Mag-post ng Komento