TULOY PO KAYO

Maligayang bati sa iyong pagbisita. Harinawari ay masiyahan ka sa mga salitang iyong mababasa at litratong iyong makikita. Ngunit maaari rin na malungkot ka at magdalamhati, magalit o matawa, mainis o masuka, o gumulong sa katatawa. Natural lang yon, tao lang, tuloy ang basa.

Paunang Salita

Ang bawat letra, salita, pangalan, lugar at sari-saring pa-ek-ek na kabaduyan at matitinong kahulugan ay kathang-isip lamang at hindi ito ginawa para maka-sakit ng tao. Wala ding nasaktan na mga hayop at insekto habang ginagawa ang "blog" na ito. Pakisuyo lang po..."Mag-alis ng muta, bago bumangon. At huwag mahiga buong maghapon."

Pero, paminsan-minsan ay may mga "blog" din na hinango sa totoong buhay, totoong kapighatian, totoong kaligayahan, totoong kabiguan at totoong tagumpay. Paunawa lang po..."Bawal mangulangot sa jeep."

Huwebes, Hulyo 9, 2009

★"SIKAT"★



★Marami ng sumikat sa iba't ibang larangan. Mayroon sikat dahil sa sobrang kagandahan. Mayroon din sikat dahil sa kakisigan. At mayroon din sikat sa sobrang kapangitan...

(uunahan na kita, tulad ko)

Meron sumikat dahil sa kabaitan. Meron din iba na sumikat sa kasamaan. Meron din na sumikat sa ka-tomboy-an at ka-bakla-an. Meron din sikat na nag-be-benta ng katawan...

(katawan ng baboy)

Meron din'g sumikat sa pag-kanta at pag-su-sulat. Sa pag-tawa at pag-iyak. Sa pag-langoy at pag-akyat. Maging sa pag-hu-hubo at pag-hu-hubad...

(tulad ni Tarzan)

Meron din'g pagkain at inumin na sikat. Meron din damit, sapatos at alahas. At huwag din kalimutan mga lugar na maunlad. Yung sikat na sikat, tulad nitong Pilipinas...

(ha? kelan pa? sigurado ka?)

E ikaw, sikat ka ba? Kung sa akala mo, aba'y maskara. Katulad nito na nasa eksena. Mata lang ang kita. Sikat kasi siya sa pambobomba!

(takbo na!!!)


★★★★★★★★★

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento