TULOY PO KAYO

Maligayang bati sa iyong pagbisita. Harinawari ay masiyahan ka sa mga salitang iyong mababasa at litratong iyong makikita. Ngunit maaari rin na malungkot ka at magdalamhati, magalit o matawa, mainis o masuka, o gumulong sa katatawa. Natural lang yon, tao lang, tuloy ang basa.

Paunang Salita

Ang bawat letra, salita, pangalan, lugar at sari-saring pa-ek-ek na kabaduyan at matitinong kahulugan ay kathang-isip lamang at hindi ito ginawa para maka-sakit ng tao. Wala ding nasaktan na mga hayop at insekto habang ginagawa ang "blog" na ito. Pakisuyo lang po..."Mag-alis ng muta, bago bumangon. At huwag mahiga buong maghapon."

Pero, paminsan-minsan ay may mga "blog" din na hinango sa totoong buhay, totoong kapighatian, totoong kaligayahan, totoong kabiguan at totoong tagumpay. Paunawa lang po..."Bawal mangulangot sa jeep."

Huwebes, Hulyo 9, 2009

★"Kamatis"★



★Marami sa atin ang hindi kumakain ng kamatis. Wala kasing alat o kahit man lang tamis. Pero kapag iginisa at iniluto sa patis. May kakaibang linamnam na makakamit...

(ayy sa hindi!, may patis..)

Maganda raw sa katawan itong kamatis. Panlaban sa kanser, panlaban sa sakit. At kung mabulok na at wala ng gamit. Ibato lang sa lupa. Upang muling mag-hasik...

(pwede ring pambato sa mga ganid na politiks)

Tanong:
Prutas ba o gulay ang kamatis?


★★★★★

1 komento: