TULOY PO KAYO

Maligayang bati sa iyong pagbisita. Harinawari ay masiyahan ka sa mga salitang iyong mababasa at litratong iyong makikita. Ngunit maaari rin na malungkot ka at magdalamhati, magalit o matawa, mainis o masuka, o gumulong sa katatawa. Natural lang yon, tao lang, tuloy ang basa.

Paunang Salita

Ang bawat letra, salita, pangalan, lugar at sari-saring pa-ek-ek na kabaduyan at matitinong kahulugan ay kathang-isip lamang at hindi ito ginawa para maka-sakit ng tao. Wala ding nasaktan na mga hayop at insekto habang ginagawa ang "blog" na ito. Pakisuyo lang po..."Mag-alis ng muta, bago bumangon. At huwag mahiga buong maghapon."

Pero, paminsan-minsan ay may mga "blog" din na hinango sa totoong buhay, totoong kapighatian, totoong kaligayahan, totoong kabiguan at totoong tagumpay. Paunawa lang po..."Bawal mangulangot sa jeep."

Sabado, Hulyo 4, 2009

□↑"BANTAY"↑□



↑□ Magaling na bantay. Wala namang bahay. Pagkain sa basura ang syang hinahalukay. At kung mamalasin pa sa lugar ang bantay. Pupulutanin ng mga lasenggong tambay.

Marami syang pangalan tulad ng Hiii! May mga tumatawag din sa kanya minsan ng Tsupi! Meron pa ngang Suu! Minsan ay Shushu! Kaya ang totoo nyang pangalan ay Hhi Tyupi Shu...

Wala ng ama, wala ng ina. Hindi alam, kung saan na nagpunta. Iniwanan, sa makitid na kalsada. Palabuy-laboy. Walang damit, walang pera.

Nahuli ng pulis. Sa karpyu alas-diyes. Nakatakas, umalis. Nagtago sa "creek". Ulanin at arawin. Hindi umaalis. Nang magutom, lumabas. Kaya hayun, nasagasaan ng "jeep".





:Mga buto na lang ang natira sa bantay. Dahil kinatay, niluto, kinain at itina-e na:


Tsk. Tsk. Tsk.
Kaawa-awa...




□Support animals care□

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento