TULOY PO KAYO

Maligayang bati sa iyong pagbisita. Harinawari ay masiyahan ka sa mga salitang iyong mababasa at litratong iyong makikita. Ngunit maaari rin na malungkot ka at magdalamhati, magalit o matawa, mainis o masuka, o gumulong sa katatawa. Natural lang yon, tao lang, tuloy ang basa.

Paunang Salita

Ang bawat letra, salita, pangalan, lugar at sari-saring pa-ek-ek na kabaduyan at matitinong kahulugan ay kathang-isip lamang at hindi ito ginawa para maka-sakit ng tao. Wala ding nasaktan na mga hayop at insekto habang ginagawa ang "blog" na ito. Pakisuyo lang po..."Mag-alis ng muta, bago bumangon. At huwag mahiga buong maghapon."

Pero, paminsan-minsan ay may mga "blog" din na hinango sa totoong buhay, totoong kapighatian, totoong kaligayahan, totoong kabiguan at totoong tagumpay. Paunawa lang po..."Bawal mangulangot sa jeep."

Martes, Hulyo 28, 2009

〃"PAA"〃




▲ Simula ng matuto'ng bumaba ang tao sa puno. Marami ng kailangan isuot na bago. Natuto na tayong lumakad at tumakbo.
Natuto na tayong tumayo ng diretso...

Kung palagi kang yapak, paa mo ay lalapad. Sakong mo'y gagaspang, magbibitak-bitak. Magkaka-kalyo, kakapal ang balat. Mga kuko sa paa ay magku-kulay bayawak...

Kaya naman inimbento ang tsinelas. Sumikat sa Tsina, Japan at Pilipinas. Masarap nga namang isuot, masarap din na ilakad. Huwag na huwag lang mapuputol o mapipigtas...

Kaya naman itong sapatos ay sikat na sikat. Mas pangmatagalan, paa mo pa ay ligtas. Huwag lang kakalimutan na magpalit lagi ng medyas. Baka umalingasaw, ay naku po!, baka buhok sa ilong ay mangalagas...



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento