TULOY PO KAYO

Maligayang bati sa iyong pagbisita. Harinawari ay masiyahan ka sa mga salitang iyong mababasa at litratong iyong makikita. Ngunit maaari rin na malungkot ka at magdalamhati, magalit o matawa, mainis o masuka, o gumulong sa katatawa. Natural lang yon, tao lang, tuloy ang basa.

Paunang Salita

Ang bawat letra, salita, pangalan, lugar at sari-saring pa-ek-ek na kabaduyan at matitinong kahulugan ay kathang-isip lamang at hindi ito ginawa para maka-sakit ng tao. Wala ding nasaktan na mga hayop at insekto habang ginagawa ang "blog" na ito. Pakisuyo lang po..."Mag-alis ng muta, bago bumangon. At huwag mahiga buong maghapon."

Pero, paminsan-minsan ay may mga "blog" din na hinango sa totoong buhay, totoong kapighatian, totoong kaligayahan, totoong kabiguan at totoong tagumpay. Paunawa lang po..."Bawal mangulangot sa jeep."

Lunes, Hulyo 27, 2009

◆"Talo"◆



◆ Lag-lag, lagapak. Lagi na lang sawing-palad. Hindi makaisa, hindi maka-"jackpot". Taya ng taya. Palagi namang malas...
( jueteng,lotto,ending )

Tuloy wala ng ganda itong aking silid. Mabaho'ng imburnal at mausok na paligid. Mga magnanakaw at manloloko ang liligid-ligid. Palaging magulo hindi ko mabatid...
( kitang-kita nga sa mukha mo )

Nawala na sa paligid ang mga bulaklak. Kulay tae na ang ilog, punong-puno na ng burak. Mga batang naglalaro ng singhot at batak. Nagkalat sa kalsada mga siga at parak...
( ano un mga un )

Mga damit ni "Jollibee", "Goldilocks" at "Mc Donald". Nagkalat din mga damit nitong si "Maggie" at ni "Taps". Meron pang "KFC", "Chowking" at "Pizza Hut". Sari-sari pa na mga nagkalat na salawal at balat...
( inggit ka lang di ka pa nakakain nyan )

Sige lang babawi ako bukas. Hahapit ako ngayon at itataya ko ng lahat. Kapag ako'y tumama, kapag ako'y dyumakpat? Magpapatayo ako ng sugal para sa lahat....
( ngek )



: mula sa mataimtim na dasal ni Sugar Roll na tumama siya sa lotto bukas :



"£$¥$€¢"$¥"$€£€¢£"

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento