TULOY PO KAYO

Maligayang bati sa iyong pagbisita. Harinawari ay masiyahan ka sa mga salitang iyong mababasa at litratong iyong makikita. Ngunit maaari rin na malungkot ka at magdalamhati, magalit o matawa, mainis o masuka, o gumulong sa katatawa. Natural lang yon, tao lang, tuloy ang basa.

Paunang Salita

Ang bawat letra, salita, pangalan, lugar at sari-saring pa-ek-ek na kabaduyan at matitinong kahulugan ay kathang-isip lamang at hindi ito ginawa para maka-sakit ng tao. Wala ding nasaktan na mga hayop at insekto habang ginagawa ang "blog" na ito. Pakisuyo lang po..."Mag-alis ng muta, bago bumangon. At huwag mahiga buong maghapon."

Pero, paminsan-minsan ay may mga "blog" din na hinango sa totoong buhay, totoong kapighatian, totoong kaligayahan, totoong kabiguan at totoong tagumpay. Paunawa lang po..."Bawal mangulangot sa jeep."

Biyernes, Hulyo 17, 2009

⊙"Hinga"⊙




Bawat segundo, minuto at oras. Bawat buwan, taon ang lumipas. Bawat galaw ay may katumbas. Bawat kilos natin ay may bayad...

Nagbabayad tayo sa bawat panahon. Simula sa pagtulog hanggang sa pagbangon. Gumugugol ng pintig, tibok at
emosyon. Walang libre sa mundo ng rebolusyon...

Dugo mo ay tumatakbo, milyon-milyon bawat segundo. Puso mo ay tumitibok sabay sa ikot nito'ng mundo. Isipan ay napalilipad, gaano man kalayo, gaano man kalawak.
Halaga mo ay katumbas ng kahapon at ng bukas..

Huwag mo'ng sabihin na wala kang nagagawa. Kahit naka-upo ka lang o naka-tunganga. Kahit naka-higa, naka-tayo, naka-tihaya. Katumbas mo ay ningning ng planeta at tala...

Pero mas maganda kung kikilos ka at tatayo. Isulong ang buhay at sa labas makipag-buno. Maki-alam sa paligid at sa liwanag maki-halo. Ang ibinayad na hininga ay gamitin sa matino...



⊙ ←→ ⊙

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento