TULOY PO KAYO

Maligayang bati sa iyong pagbisita. Harinawari ay masiyahan ka sa mga salitang iyong mababasa at litratong iyong makikita. Ngunit maaari rin na malungkot ka at magdalamhati, magalit o matawa, mainis o masuka, o gumulong sa katatawa. Natural lang yon, tao lang, tuloy ang basa.

Paunang Salita

Ang bawat letra, salita, pangalan, lugar at sari-saring pa-ek-ek na kabaduyan at matitinong kahulugan ay kathang-isip lamang at hindi ito ginawa para maka-sakit ng tao. Wala ding nasaktan na mga hayop at insekto habang ginagawa ang "blog" na ito. Pakisuyo lang po..."Mag-alis ng muta, bago bumangon. At huwag mahiga buong maghapon."

Pero, paminsan-minsan ay may mga "blog" din na hinango sa totoong buhay, totoong kapighatian, totoong kaligayahan, totoong kabiguan at totoong tagumpay. Paunawa lang po..."Bawal mangulangot sa jeep."

Sabado, Hulyo 11, 2009

="Yeheey! Sabado"=



=Tuwang-tuwa na naman. Sabado daw, walang pasok. Sigaw ng mga bata na sa laro ay hayuk. Kantyawan, kwentuhan sa istoryang hindi nauubos. At ang hindi makasagot, pipitikan sa itlog...
(Sino si MJ?)
Laro! Sige laro. Takbo ng takbo waring hindi hinahapo. Walang kapaguran sa ligayang natatamo. Wala rin pakialam sa mundo ng siphayo...
(Bang! Bang! Bang! Boom!)
Oo nga naman. Bakit nga naman. Ipagkakait pa ba ang maikli'ng kaligayahan. Pag-uwi sa bahay amoy putik, amoy lansangan. Palo ang inaabot kadalasan...
(Wapik! Watak!)
Ang bata kapag sinaktan, nagtatanim ng galit sa magulang. Pagbigyan mo at gabayan. Aalagaan ka niya hanggang sa iyo'ng katandaan.
(Lola! Bakit ka uminom sa arinola!)
(Lolo! Bakit ka tumae sa plato!)


★★★★★

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento