TULOY PO KAYO

Maligayang bati sa iyong pagbisita. Harinawari ay masiyahan ka sa mga salitang iyong mababasa at litratong iyong makikita. Ngunit maaari rin na malungkot ka at magdalamhati, magalit o matawa, mainis o masuka, o gumulong sa katatawa. Natural lang yon, tao lang, tuloy ang basa.

Paunang Salita

Ang bawat letra, salita, pangalan, lugar at sari-saring pa-ek-ek na kabaduyan at matitinong kahulugan ay kathang-isip lamang at hindi ito ginawa para maka-sakit ng tao. Wala ding nasaktan na mga hayop at insekto habang ginagawa ang "blog" na ito. Pakisuyo lang po..."Mag-alis ng muta, bago bumangon. At huwag mahiga buong maghapon."

Pero, paminsan-minsan ay may mga "blog" din na hinango sa totoong buhay, totoong kapighatian, totoong kaligayahan, totoong kabiguan at totoong tagumpay. Paunawa lang po..."Bawal mangulangot sa jeep."

Huwebes, Hunyo 25, 2009

≈"Ang Kubo"≈



~Kubo sa isla nitong paraiso. Para kang prinsesa o prinsipe kapag ikaw ay nandirito. Dahil hindi ito, pangkaraniwang kubo. May banyo, may kubeta, at isang kama'ng malaki na nakaharap sa malawak na espasyo...
Ang buwan at araw ang tangi mong kaulayaw. Sa luntiang dagat lumangoy, magtampisaw. Sa higanteng talisay, ililim ang layaw. Tumugtog, sumigaw, umawit, sumayaw...
"This is life". Sarap ng buhay. Walang gastos, walang ingay. Walang tao'ng nakikipag-away. Walang asungot, walang pasaway...
Kung ako ang tatanungin ay kuntento na ako. "Okey" na sa akin ang tumira sa kubo. Kahit iisang libo ang pera ko sa bangko. Ay maigugugol ko na sa eskultura, pintura at musika ang buhay ko...

Ang buko...bow..
este!.. Ang kubo. BOWWAWOW


:mula:- sa isla buenavista -Panalo ka!



~~~~≈~~~~

4 (na) komento:

  1. galeng! gusto ko rin tuloy bumalik ng ligid! :)

    alicia

    TumugonBurahin
  2. Gandang hapon po! Ayos to sir! More posts! Harinaway marami ka pang kwento na ma-ikwento dito.

    TumugonBurahin
  3. Hindi-nagpakilalaHuwebes, 25 Hunyo, 2009

    galeng po! pwede po ba gumawa kayo ng tungkol sa pag-ibig?

    TumugonBurahin
  4. Yung "Pagmaliw" tunkok un sa pag-ibg. Hope u lyk it. :-)

    TumugonBurahin