TULOY PO KAYO

Maligayang bati sa iyong pagbisita. Harinawari ay masiyahan ka sa mga salitang iyong mababasa at litratong iyong makikita. Ngunit maaari rin na malungkot ka at magdalamhati, magalit o matawa, mainis o masuka, o gumulong sa katatawa. Natural lang yon, tao lang, tuloy ang basa.

Paunang Salita

Ang bawat letra, salita, pangalan, lugar at sari-saring pa-ek-ek na kabaduyan at matitinong kahulugan ay kathang-isip lamang at hindi ito ginawa para maka-sakit ng tao. Wala ding nasaktan na mga hayop at insekto habang ginagawa ang "blog" na ito. Pakisuyo lang po..."Mag-alis ng muta, bago bumangon. At huwag mahiga buong maghapon."

Pero, paminsan-minsan ay may mga "blog" din na hinango sa totoong buhay, totoong kapighatian, totoong kaligayahan, totoong kabiguan at totoong tagumpay. Paunawa lang po..."Bawal mangulangot sa jeep."

Biyernes, Pebrero 15, 2013

KILOS




Kilos na hanggat bata ka pa.
Alamin ang lahat, habang maaga pa.
Tuklasin ang hiwaga ng isip at pasensya.
Habang tumatagal, tumatatag ang disiplina.

Kapag hindi ka kumukilos, napupuno ang pag-iisip.
Katawan ay manlalata, aakayin ka sa panaginip.
Kaya ng tumanda, laging naka-upo, nakapikit.
Sayang ang galing at na hindi ginagamit.

Kaya bata, KILOS, ISIP, at GAWA.
Upang sa iyong pagtanda.
Hindi ka pasanin ng madla.




..Y,


1 komento:

  1. Hindi-nagpakilalaBiyernes, 01 Marso, 2013

    You've made some really good points there. I checked on the net to learn more about the issue and found most individuals will go along with your views on this website.

    Also visit my website ... ephedrine hcl for sale

    TumugonBurahin