TULOY PO KAYO

Maligayang bati sa iyong pagbisita. Harinawari ay masiyahan ka sa mga salitang iyong mababasa at litratong iyong makikita. Ngunit maaari rin na malungkot ka at magdalamhati, magalit o matawa, mainis o masuka, o gumulong sa katatawa. Natural lang yon, tao lang, tuloy ang basa.

Paunang Salita

Ang bawat letra, salita, pangalan, lugar at sari-saring pa-ek-ek na kabaduyan at matitinong kahulugan ay kathang-isip lamang at hindi ito ginawa para maka-sakit ng tao. Wala ding nasaktan na mga hayop at insekto habang ginagawa ang "blog" na ito. Pakisuyo lang po..."Mag-alis ng muta, bago bumangon. At huwag mahiga buong maghapon."

Pero, paminsan-minsan ay may mga "blog" din na hinango sa totoong buhay, totoong kapighatian, totoong kaligayahan, totoong kabiguan at totoong tagumpay. Paunawa lang po..."Bawal mangulangot sa jeep."

Martes, Abril 30, 2013

Si Malakas At Si Maganda





Kumusta na?, kaibigan ko'ng talon. 
Makisig ka pa rin palaging humuhugong. 
Matayog at mataas, kagilagilalas!
Nandirito ako para muli tayo'ng magka-usap.

Kumusta rin, kaibigan ko'ng bundok.
Gumaganda ka lalo habang binabasa ng ambon.
Tumitingkad ang kulay at kumikintab ang dahon.
Nandirito ako para muli tayo'ng magka-pulong.

Hiling ko ay abiso para muli kayong ipinta.
Gusto ko'ng iguhit ang kakisigan at ganda.
Ipakita at ipamalas sa lahat ng masa.
At tatawagin ko kayo'ng "Si Malakas at Si Maganda".




..Y,

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento