TULOY PO KAYO

Maligayang bati sa iyong pagbisita. Harinawari ay masiyahan ka sa mga salitang iyong mababasa at litratong iyong makikita. Ngunit maaari rin na malungkot ka at magdalamhati, magalit o matawa, mainis o masuka, o gumulong sa katatawa. Natural lang yon, tao lang, tuloy ang basa.

Paunang Salita

Ang bawat letra, salita, pangalan, lugar at sari-saring pa-ek-ek na kabaduyan at matitinong kahulugan ay kathang-isip lamang at hindi ito ginawa para maka-sakit ng tao. Wala ding nasaktan na mga hayop at insekto habang ginagawa ang "blog" na ito. Pakisuyo lang po..."Mag-alis ng muta, bago bumangon. At huwag mahiga buong maghapon."

Pero, paminsan-minsan ay may mga "blog" din na hinango sa totoong buhay, totoong kapighatian, totoong kaligayahan, totoong kabiguan at totoong tagumpay. Paunawa lang po..."Bawal mangulangot sa jeep."

Miyerkules, Hunyo 10, 2009

±"Bulag-bulagan"±





±Bulag-bulagan, ayaw maki-alam. Ayaw kumampi, ayaw lumaban. Ayaw pumanig, ayaw tumamban. Ayaw sumupil, nagbubulag-bulagan...
Eiihh! Ano nga ba'ng paki-alam ko sa kanila. Away-ng-away sa wala namang kwenta. Puro diskusyon. Dag-dag pa sa problema. Baka kayo'ng lahat ay pasabugin ko na...
Katatagal ko na, kayong pinapanood. Naka-ilang palit na ako ng "t.v.", wala din nagbago sa mga sumunod. Tumanda na ako, pumuti na ang buhok. Buti na lang malakas pa ang tuhod. Handa pang maki-alam. Pag-pinilit, pag-hinambalos...


:hango:- sa ilusyon ni Kirat Pikit-mata


¿¿¿??:@??¿¿¿




China Service Mall







China Service Mall




My Opera community - blogs and photo sharing

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento