TULOY PO KAYO

Maligayang bati sa iyong pagbisita. Harinawari ay masiyahan ka sa mga salitang iyong mababasa at litratong iyong makikita. Ngunit maaari rin na malungkot ka at magdalamhati, magalit o matawa, mainis o masuka, o gumulong sa katatawa. Natural lang yon, tao lang, tuloy ang basa.

Paunang Salita

Ang bawat letra, salita, pangalan, lugar at sari-saring pa-ek-ek na kabaduyan at matitinong kahulugan ay kathang-isip lamang at hindi ito ginawa para maka-sakit ng tao. Wala ding nasaktan na mga hayop at insekto habang ginagawa ang "blog" na ito. Pakisuyo lang po..."Mag-alis ng muta, bago bumangon. At huwag mahiga buong maghapon."

Pero, paminsan-minsan ay may mga "blog" din na hinango sa totoong buhay, totoong kapighatian, totoong kaligayahan, totoong kabiguan at totoong tagumpay. Paunawa lang po..."Bawal mangulangot sa jeep."

Miyerkules, Hunyo 10, 2009

↑"TANDANG-INGGO"↑





↑Maraming kung ano ito'ng si tandang Inggo. Tumanda na yatang hindi napasuko. Malalim mag-isip, salita'y kaamo-amo. Makinig ka lang, subukang ma-upo...
Kapag ikaw ay tumalon. Sigurado kang lalaglag. Babagsak mahina man o malakas. Pero subukan mo'ng tumalon pa-akyat. Babagsakan mo ay higit na mas mataas...
Subukan mo naman na takpan ang iyong ilong. Saka tumikim pulbos na kape o pulburon. Pa-ikutin ang dila. Isipin kung ano nga yun? Wala kang malalasahan, hangga't may takip ang iyong ilong...

:hango:- sa paanyaya ng kapatid ni tandang Inggo Palasubok



↑↑↑⊙↑↑↑




China Service Mall







China Service Mall




My Opera community - blogs and photo sharing

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento