TULOY PO KAYO

Maligayang bati sa iyong pagbisita. Harinawari ay masiyahan ka sa mga salitang iyong mababasa at litratong iyong makikita. Ngunit maaari rin na malungkot ka at magdalamhati, magalit o matawa, mainis o masuka, o gumulong sa katatawa. Natural lang yon, tao lang, tuloy ang basa.

Paunang Salita

Ang bawat letra, salita, pangalan, lugar at sari-saring pa-ek-ek na kabaduyan at matitinong kahulugan ay kathang-isip lamang at hindi ito ginawa para maka-sakit ng tao. Wala ding nasaktan na mga hayop at insekto habang ginagawa ang "blog" na ito. Pakisuyo lang po..."Mag-alis ng muta, bago bumangon. At huwag mahiga buong maghapon."

Pero, paminsan-minsan ay may mga "blog" din na hinango sa totoong buhay, totoong kapighatian, totoong kaligayahan, totoong kabiguan at totoong tagumpay. Paunawa lang po..."Bawal mangulangot sa jeep."

Miyerkules, Hunyo 10, 2009

~"ULANAN"~





~Umuulan na naman kahit may init. Panahon yata'y meron na ring isip. O sadya lamang, may gustong ipahiwatig. 'Di ko pa mawari, kung tampo ba o lupit...
Hindi tuloy maka-porma si Tano Pustura. Pati ang syota niya nawawala sa trasa. Sa pagsusuot ng damit, litong-lito sila. Kung magdya-"jacket" ba o mag-bobota...
Sa looban naman, mga tao'y napa-praning. Me' ulan o me' wala, bumabaha pa rin. Umaalingasaw mga basurang nabinbin. Si Nene at si Tutoy, limang-taon na'y hubo pa rin...
Sige pa kantot! Anak-pa-ng-anak! Ito'ng mag-asawang sa bato nasadlak. Mga walang trabaho, sampu na ang anak. Mga namamalimos, hitsura'y buto't balat...
Kung meron lang sana akong magagawa. Tumatanda na kasi, 'di na makakaya. Panahon ko na yata na tigilan ko na. Lilipat na ako sa "subdivision" ko'ng namana...


:hango:- sa bukang-bibig ni Kapitan Kurakot




China Service Mall







China Service Mall




My Opera community - blogs and photo sharing

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento